My Bestfriend's Fiance

16 0 0
                                    

“Ready or not here I come

I like your face do you like my song

Just sing it Lala…lala..lala…

And I will find you…

Ready or not!” Maggie is singing like a psychotic and desperate singer. Nasa taas siya ng couch habang hawak ang suklay. Ito ang ginawa niyang mic. Tumatalon-talon pa siya at nag he-head bang.

“What the… ano na namang pauso ‘yan Magz?” bungad sa kanya ng bestfriend niyang si France. May dala itong isang box ng pizza at anim na beer in can.

Hindi niya namalayan na nakapasok na pala ito sa loob ng condo niya. Oh well, ano pa ba ang hindi nito alam tungkol sa kanya.

They are best of friends. Simula five years old hanggang sa ngayon na twenty-two na siya,  magkaibigan parin sila. Itinuring na niya ito bilang isang best girlfriend, ate, kapatid, at nanay na kahit kailan hindi niya nakasama at nakita man lang.

“Hayy… alam mo bang idol na idol ko na si Bridgit Mendler. Maganda na, maganda pa ang boses at higit sa lahat ang cool ng bago niyang kanta. So, parehas kaming cool”. Aniya at umupong humihingal sa sofa.

Binuksan niya ang beer in can at nilagok iyon sabay subo sa pizza na puno ng hot sauce. Hindi naman siya madaling malasing dahil doon, cool siya. Sobrang hilig niya rin sa maaanghang.

“Ano na buhay ka pa ba?” tanong niya kay France. Hindi kasi ito nagsasalita pero nakangiti lang ito. Inilagay nito ang mga daliri sa ilalim ng baba nito. Na para bang may nais ipahiwatig.

Napasinghap siya.

“You bitch! You’re engaged?! Oh my God. I need some water. Wait here!” aniya at pumuntang kusina at uminom ng tubig. Bumalik naman agad siya.

“I’m getting married… I’m getting married… I’m getting married” kumakantang ani France.

“Yes you are. And I will ruin your wedding if you’ll not gonna tell me who’s the unlucky man.” She smiled. At last, darating narin  ang moment na pinakahinihintay nito. Naiiyak na siya.

“Don’t you dare!...Bruha! Ba’t parang naiiyak ka na diyan?” tanong nito at hinawakan ang kamay niya.

Umiling-iling siya. “Nothing. I just can’t believe na ikakasal ka na” naiyak na siya ng tuluyan.

“Stupid. Hindi naman ako mamatay, ikakasal lang ako. But don’t worry… you will meet him tomorrow”

“Really? Gwapo ba ha? Ha?”

“Suuuuper!”

“Anong trabaho niya?”

“He’s a business man and he is selling online. He owns the Mag.com.ph.”

Awtomatikong napantig ang tenga niya. Alam niya mismo sa sarili kung gaano ka laki ang nasasakop ng business nito. It’s like a million worth website. Pangunahing ginagawa nito ang mag benta ng kahit na anong bagay online.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 26, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Bestfriend's FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon