Two

17 0 0
                                    

-Maxine-

Andito ako ngayon sa school at naglalakad papuntang garden. Hayyy ewan ko ba dyan kay Tom at hindi nagpapakita halos 1 week na pagkatapos naming pumunta sa secret place namin.

Inilabas ko ang sketchpad ko at nag-sketch. Pinagmamasdan ko ngayon ang mga taong naglakakad. Mga lovers at yung mga parang walang pake sa mundo.

Ang boring talaga kapag wala si Tom. Ilang beses ko narin na try na tawagan siya pero unattended. Pumunta rin ako sa bahay nila pero wala raw siya.

Art calling...

Istorbo naman to, nagpapakasenti ako eh.

"Hello, bakit?" Tanong ko kay Art.

[Love, let's go out on a date. Cutting tayo.] sabi niya on the other line.

"Sure! Sunduin mo ako ha. Andito ako sa garden." I said. Ayos 'to hindi na ako mabobored.

[Okay love.]

At inend ko na yung call. Iniligpit ko na yung mga gamit ko at nag-antay kay Art.

After few minutes ay finally andito na siya.

"Saan ba tayo pupunta?" I asked.

"Sa hotel." g*go talaga to. Binatukan ko na.

"Joke lang. Love naman. Kakain tayo sa Restaurant, yung restaurant namin dito." sabi pa niya.

"Ahh okay. Tara na gutom na kasi ako." totoo naman kasi gutom na ako, hindi pa kaya ako nag-lunch.

Ayun lakad lakad kami. Merong mga taong bumabati kay Art. Sikat kasi to sa department nila. Dean's lister at varsity pa.

Nang makarating kami sa kotche niya ay pinagbuksan niya ako. Gentleman.

"Art pagkatapos nating kumain, saan na tayo?" I asked.

"Sa resort namin pero ihahatid muna kita sa bahay niyo para makakuha ka ng mga damit."

"Biglaan naman yatang bakasyon 'to." I said.

Pinitik niya yung noo ko kaya hinimas ko. Anshaket ha. Magsusumbong talaga ako sa bantay bata. Ay tanga, hindi na pala ako bata.

"It's not a vacation. Uuwi din tayo around 7pm. I'll just inform your parents."

"Kahit 'wag na Art. Busy naman sa isa't isa yung mga yun." pinitik niya na naman ang noo ko. Huhuhu battered girlfriend na ako ha!

"Aray naman Art." arte ko. Hihi pero hindi naman talaga masakit eh.

"We will still inform your parents Maxine Zalia Falco" at may wink pa yan. Gwafooo! Tapos kiniss niya yung noo ko na pinitik niya.

So I kissed him back pero sa lips. Hoho landi este ganda ko talaga.

"I love you Maxine."

"I hate you Art. Pfft haha." biro ko. Ang corny na kasi eh.

At ayun nakapoker face lang siya habang nagda-drive. Ganito oh
-__-

And after 1234567890 years nakarating na rin.

Pinagbuksan niya ako ng pinto.

Nang makaupo kami ay may lumapit na waiter at kinuha na yung mga order namin. Seafood restaurant pala 'to.

"Art." Sabi ko. Ang tahimik niya kasi. Nagtatampo siguro. Eh alangan namang sabihan ko siya ng 'I love you too' eh hindi ko naman siya mahal. Like siguro pwede pa.

"Art!" sabi ko sa mas malakas na boses.

"Yeah?" Paktay kang bata ka, nagtatampo nga. Ang tipid sumagot eh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 21, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

To The One I LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon