Chapter5
The Revelations
Marie’s POV
“Before I end up our discussion, I would like to leave an assignment. Write an essay about the Philippines economic growth from Martial law times up to the present. The essay should compose of at least 500 words.” Sabi ni miss Amante. Teacher namin siya sa Economics.
(KRING KRING KRING)
Umalis na ako ng classroom at naglakad papunta sa locker ko. I passed the cafeteria ng makita ko si Nikki na kumakain ng mag-isa. I went on to her.
“Niks, ba’t ikaw lang mag-isa? Nasaan na sina Aimee, Joey at Sue?” I ask her sabay upo at lapag ng gamit sa table.
“Si Aimee, she’s busy preparing for the welcoming ball. Si Sue naman kinausap ng headmaster at si Joey, ayun kasama na naman si Alvin” and a sigh loose out of her mouth.
“Niks, yung pagkain mo minu-murder mo na” I told her. Nakita ko kasi na hindi siya kumakain kasi tinutusok-tusok niya lang yung cake sa plato niya.
“Ha? Eh, kakainin ko naman talaga ‘to eh. Nililiit ko lang para madali akong matunawan. Hehehe” she answered me pero I know na meron ‘tong problema.
“Spill it out, Niks. Alam ko may problem aka. Sabihin mo na” I told her. Kaya napa singhap siya ulit.
“I’m not really good at lying, am I? hehehhe. Mahirap talagang magpanggap na okay ka kahit hindi no? Yun kasi yung nafi-feel ko ngayon eh.” – Nicole
“Is it about Alvin and Joey’s relationship?” – ako
I saw her shocked face. She didn’t expect siguro na alam kong may feelings siya para kay Alvin.
“Alam ko kahit na hindi mo pa sabihin sa’ken no? Alam ko na nasasaktan ka dahil hindi naging kayo ni Alvin.” Nakatungo lang siyang nakikinig sa’ken. Kawawa naman ‘tong si Nikki.
Ang dami ngang manliligaw pero sa dinami-rami mga lalaking nagkakagusto sa kanya, yung tao nagugustuhan pa niya, yun pa yung ayaw sa kanya.
“Sus Nikki, ano ka ba? Si Alvin lang pala yung problema ha? Grabe ka naman, ngayon ka pa nalungkot ng ganyan eh. Cheer up girl!” pag che-cheer ko na lang sa kanya.
Nagnod siya as an answer ng biglang nagring yung cellphone niya at binigyan niya ako ng can-I-answer-phonecall-look kaya tumungo na lang ako at tumayo siya para sagutin yung phone call.
Nicole’s POV
“Hello?”-ako
“NICOLE! Pumunta ka daw dito sa office ni uncle. May sasabhin daw siyang importante sa’yo kaya karakaraka na!”
“Bakit, may nangyari bang masama?” – ako
“Huwag ka na magtanong basta pumunta ka na lang dito okay?”
“But I’m with Marie”
“Just be here okay. Tata!”
And with that binaba na ni Sue ang cellphone niya. So what is she up to? Bumalik na ako sa table namin.
“Marie, I have to go. Gusto daw kasi akong makausap ni headmaster eh”
“You want me to go with you?”
“No need, I can handle myself and besides you should go put your stuff in your locker na”