Anthena's POV
Nagulat ako nang biglang sumulpot sa harap ni Ken ang isang lalaki.Nakatalikod sya sa kinaroroonan ko kaya hindi ko sya namukhaan. "Ikaw po ba si San Pedro?" Narinig ko pang tanong ng lalaki. "Muka ba itong heaven Koya?" Napa-ismid si Ken ang sinasabi nilang masungit at pinuno ng mga dolls. Si koyang nakatalikod naman ay pinagmasdan ang buong paligid at napa-urong ako baka makita ako ni koya at aba saan ka ba naman makakakita ng heaven na nababalot ng mga manika at penk na penk na dekorasyon.
"Oh sya, Barbie ikaw na bahala dyan tutal request yan ng alaga mo" Mula sa gilid ni Ken ay may biglang sumulpot na napaka-gandang babae, maputi, makinis ang kutis, red lips and rosy cheeks mahahaba ang pilik mukha syang manika. Nabighani ako. Hindi ko napansin na nakatingin na pala silang tatlo sakin.
"Ethan" gulat at pasigaw na banggit ko ng pangalan ng lalaking kausap ngayon ni Ken at Barbie.
"Athena, andito na request mo" sabay turo nya kay Ethan. Samantalang si Ethan ay napatingin na lang sakin ng "Anong ibig sabihin nito at ano 'to look" i shrug my shoulders.
DAY 1
Nakatayo kami ngayon sa isang dress shop na parang mga mannequin. Hindi ko lang maintindihan bakit nasa ganitong sitwasyon kami. Gustong-gusto kong gumalaw para mayakap sya o makausap pero ni kisap ng mata hindi ko magawa. We act like we're real mannequins, hindi kami makagalaw pero tumatakbo ang isip namin. Hindi ganito ang pinangarap ko.
- Flashback -
Narinig ko pang tinawag ako ni Ethan pagkatapos ng klase namin pero hindi ko yun pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad.
Sumakay ako sa bus, nilagay ko ang headphones sa tenga ko. I closed my eyes.
"Miss nakababa na po lahat ng pasahero, kayo po hindi pa bababa?" Hindi ko masyadong naintindihan ang sinasabi ni manong napalingon ako sa paligid at doon ko lang napagtanto na ako na lang pala ang pasahero doon.
"Salamat po" bumaba na din ako hindi naman ganun kalayuan sa campus ang nasa lugar medyo dumidilim na pero i dont feel like going home. Naiinis ako kay Ethan.
Gabi na talaga pero hindi pa din ako nakakauwe.
"Perfectionist"
"Walang puso"
"Masama ugali"
"Feeler."
"Hindi ka gwapo. Grrrrr"
Napalakas ang sipa ko sa lata na dahilan para mapadpad kung saan. Hinanap ko ang nasabing lata na kanina ko pa pinaglalaruan.
"Gotcha" sabi ko nang makita ko ang lata pero may napansin akong kakaibang bagay sa tabi nito. I picked up that so called thing instead of the can.
Sinipat ko ang bagay, its a wristwatch. Sinuot ko sya, gumagana pa naman sya kaya lang medyo may gasgas na.
"Bark!! Bark!!" nakakagulat naman itong aso na ito bigla bigla na lang sumusulpot muntik ko pa mabitawan ang relo na hawak ko. Ewan ko ba kung anong problema ng asong to, tinatahol ako ano kayang meron?
"Omo" nanlaki ang mata ko at napatakip ako ng bibig sa naisip ko. Sabi kasi ng mga matatanda kapag tinatahol ka ng aso at wala ka namang ibang ginagawa, dala or whatsoever ibig sabihin daw non may katabi kang aswang. "No! No! No!" Panay ang iling ko, takot ako sa multo sa mga kaluluwang ligaw dumagdag pa ang madilim na lugar.
Takbo ako nang takbo sa pagbabaka-sakaling sa pagtakbo ko maiwan ko yung multo na umaaligid sakin. Nakakatawa man isipin pero yan talaga ang naisip kong dahilan para tantanan ako ng multo kuno.
"tiiiiiit"
Ano yun, may biglang tumunog hala umilaw ung relo. Napindot ko pala sa sobrang higpit ng hawak ko.
"Awwwwuuooooo" Ano bang aso ito hindi ba nya ako tatantanan. Tatakbo na sana ako ng biglang may malaking liwanag ang bumulaga sa harap ko. Parang pang-teleport lang, napatingin ako sa paligid at napansin kong nawala yung aso. "No....ahhhhhhhhh" ang huling salitang nabanggit ko at para akong kape na hinigop ng malaking kung anong parang pang-teleport nga.
"Welcome to DOLLmacian Palace" woah astig ng lugar na ito ha, parang breeding lang ng mamahaling aso. Kaharap ko ngayon ang isang babaeng mukang mannequin"
"Wish mo na magka-ayos kayo diba?"
" Gusto mong malinawan kung ano ba talaga ang nararamdaman mo sa kanya diba?"
" Naguguluhan ka???....Wag!"
Sunod-sunod ang tanong ng babaeng mannequin na hindi ko maintindihan kung ano bang pinaghuhugutan nito mukang malalim ang pinanggalingan.
" Kami ang sayong mga katanungan" At walang ano-ano'y bigla na lang syang naglaho.
Uupo na sana ako nang bigla na naman syang sumulpot "Give me the name of person you're thinking right now" sya "Ethan" ang bilis ng naging pagsagot ko at wushhooo babush na sya.
- End of flashback -
Authors Note: I'm dead serious, hindi ko alam kung saan ang tungo ng istoryang ito.