Chapter 3 ~
Pagkagising ko, himala. Walang text at tawag galing kay Jake.
Anong nangyare dito sa lalaking to?
Tinext ko sya pero hindi naman nagrreply.
Tinawagan ko din, pero di naman sumasagot.
Gising na ba to?
Weird ah.
Kagabi tawag ng tawag.
Ngayon, hindi nagpaparamdam.
Bipolar ng lalaki na to ah.
9:00 AM na pala ako nagising. Pero okay lang. 1 pa naman ang pasok ko.
Hindi din naman ako nagmamadali kaya hindi muna ako bumangon.
Sinubukan ko ulit tawagan si Jake.
Pero hindi talaga siya sumasagot..
Tatawagan ko na nga sya sa landline nila.
Bumaba ako at pumunta sa sala. Nandun kasi ang telepono namin.
*Dial number*
*ring ring ring*
"Hello good morning po, pwede po ba kay Jake?" sabi ko
"Good morning din, Hanna, ikaw ba 'to? Kakaalis lang ni Jake eh. Pumunta na yatang school." sabi ng kapatid nya. Older sister nya si ate Monique.
"Ah ganun po ba ate, sige po. Pakisabi na lang po na tumawag ako. Thank you po."
"Akala ko magkasama kayo? Sige sige, sasabihin ko. You're welcome. Bye!" sabi ni ate Monique
Binaba ko na yung phone.
Ang weird talaga.
Ang alam ko kasi 2 pa ang pasok ni Jake, pero umalis na daw sya?
Ano ba yan.
Pabayaan ko na nga.
Nakita ko si ate Lyn nasa kusina.
"Hello ate Lyn, nasan po si mommy at daddy?" tanong ko kay ate Lyn
"Miss Hanna, may business trip sila kasama sila Mr. and Mrs. Navarro." sagot ni ate Lyn.
"Kelan daw po sila babalik?" tanong ko ulit
"Hindi ko alam eh, pero ang alam ko, one week silang mawawala." sabi ni ate Lyn
"Ah, sige po ate Lyn, thank you"
"Sige, welcome po"
Ang bilis naman, mag-eeleven na. Makaligo na nga at makapag ayos na.
Since hindi naman ako tinext or tinawagan ni Jake, baka mag-commute nanaman ako.
Aish. Kainis. Ganto ba ang feeling pag na spoil ng boyfriend.
Sa susunod ayoko ng ganun para di ganto naffeel ko pag magccommute ako. Haha.
Kinuha ko na ang twalya ko at pumasok sa bathroom ko.
After kong maligo, oh my 11:45 na! Ganun ba talaga ako katagal maligo? 45 minutes sa loob ng banyo? Hahahaha, sorry na!! ^_^
Binilisan ko ng mag ayos ng gamit at mag damit. Kumain na din ako ng mabilis. Hindi na nga ako nakapagpatuyo ng buhok eh. Ma-llate ako.
Pag ka alis ko ng bahay, buti at nakasakay agad ako papuntang school.
Sakto! 12:45 nandito na ko sa school.
BINABASA MO ANG
My Boy Bestfriend
Teen FictionSa sobrang close nyo ng boy bestfriend mo, posible kayang magkaroon ng chemistry sa inyong dalawa o hanggang bestfriends na lang talaga kayo?