SOLID BARANGAY GINEBRA <3

536 22 17
  • Dedicated kay Janicz Teñido
                                    

a/n: eto yung reason kung bakit ang tagal tagal na tinamad ako mag update ng ibang story ko.. hoho ^o^

Pano ba to nagsimula?

Wayback my childhood days, sobrang naiinis ako kay tatay pag nanonood ng basketball, 

Ewan ko ba, kasi lagi yung kasabay ng mga gusto kong palabas, tapos pag may laro ng basketball hindi ko mapanood kc syempre, nandun nanaman yun.

Minsan naman kahit wala akong papanoorin, naiinis pa din ako pag nanonood sya, hindi ko alam kung bakit. Basta nun kasi iritang irita ko sa tunog nung buzzer sa basketball, iritang irita ako dun sa pinagsasasabi nung commentator. Siguro isang reason nun, pag kasi nanonood ng basketball si tatay kailangan tahimik kami, kailangan di kami malikot, bawal kami magpadaan daan sa harap ng TV kasi magagalit sya, basta, seryosong seryoso sya pag nanonood, nagtataka tuloy ako, ano bang meron jan sa basketball na yan? Pati mga tita at pinsan ko nun grabe makatili pag nakakashoot at nanonood ng basketball. 

Lahat ng yon dahil lang sa isang team,

Dahil lang sa GINEBRA.

I'm kinda irritated.

Minsan nga, naitatanong ko sa sarili ko, bakit ba sila fan na fan nun eh lagi namang talo yun?

When i was in grade 5, medyo nagkainteres din ako sa basketball kasi yung crush ko naglalaro ng basketball, jersey number pa ni Caguioa, #47.

Pag nanonood si tatay medyo nakikinood din ako, kaso wala eh, pinipilit kong magustuhan din ang basketball para kahit papano pag nanonood si tatay, medyo mabawasan yung inis ko kasi hindi ako nakapanood ng anime o ng koreanovela o Jdorama, kaso kahit  na anong pilit ko, wala eh, nabobored pa din ako, inaantok ako. Mas naiinis pa ko pag pati kami pinapagalitan ni tatay pag natatalo Ginebra, naiisip ko, aba! Kasalanan ba namin kung ba't natalo yan?

One day, tinanong ko si tatay, bakit ba Ginebra ang favorite team niyo? Sabi lang nya "Never Say Die eh" i was confused, ano ba yung never say die na yun?

Then i teased him, sinasabi ko, "nanonood kasi kayo kaya natatalo", or sometimes "manonood pa kayo talo din naman, kami naman manonood!" kaya yun, nabebengga ako, napapagalitan. Haha.

Until one day, naramdaman ko nalang,

Shet. Parang gusto ko nang manood ng basketball.

Parang gusto ko narin suportahan ang Ginebra.

2013 Cebuana Lhuiller Commissioner's Cup.

Yan yung season na nagstart na ko manood.

The first games, di pa ko masyado obssessed,

Di pa ko masyadong fan.

Hindi ko masyadong napanood yung 4 consecutive losses nila.

Tapos shocks! Nanalo sila first time against sa globalport! Tambak pa! Haha ayun yung first time na tumutok ako sa panonood sa kanila kasi sabi ni nica manood daw ako, iupdate ko daw sya, di daw kasi sya makakapanood, ayun, edi nanood ako. 

Siguro nga si Nica talaga ang promotor kung bakit ko minahal ng ganito ang Ginebra, kasi nung sinabi ko sakanyang "Oi tatay ko din nanonood ng PBA" tinanong nya ko, kung anong team, sabi ko GINEBRA, aba ang bruha, natuwa at magkabarangay daw sila, 

Simula nun, nanood na ako. Kasi tinatanong nya ko kung nanood daw ba si tatay, edi pag nanonood si tatay, nanonood na din ako.

 Pagkatapos ng pagkapanalo nila sa Globalport, natalo nanaman sila :( dalawang beses, medyo nalulungkot na din ako, 

Nung mga time na yun, sabi ni Nica, parang nawawalan na daw sya ng gana.

Pero ako nanonood pa din, dun nagsimula ang winning streaks nila, i'm not sure if yung napanood ko nun ay yung kalaban nila ang Meralco, basta yun yung sunod sunod na panalo na ang Kings, ang saya ko na nun :) 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 27, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SOLID BARANGAY GINEBRA &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon