Sa Pagibig ♥

178 1 0
                                    

Lahat ng tao;

Nang-iiwan: Alam naman natin na umaabot talaga tayo sa puntong may nang iiwan kahit isang mahalagang tao man siya sa buhay mo hindi mo padin maiiwasan na may mawala talaga sa buhay mo. Kahit kaibigan o yung taong tinuturing mong kapatid o bestfriend mo at kahit yung taong minamahal mo ay iiwan ka din niyan sa bandang huli kapag nakahanap na sila ng mas mabuting tao kaysa sayo. Ganyan naman yan eh kapag may nahanap silang mas mabuti kaysa sayo ay iiwan ka nalang na parang walang nangyaring pagkamabutihan sa inyo. May mga tao kasi talagang dadaan lang sa buhay natin para maging isang lesson at para maging mas malakas tayo sa susunod na pangyayari. Kapag hindi pa sila yung taong para satin ay mawawala at mawawala sila sa buhay mo. Dadaan na nga lang sa buhay mo mananakit pa, buhay nga naman oh.

Nagsasawa: Lahat tayo nakakaramdam ng kasawaan sa isang bagay o sa isang tao. Nagsasawa tayo dahil nasasanay tayong nandiyan lang ang isang bagay sa ating paligid at palagi nating nagagamit kaya umaabot tayo sa puntong nauumay na kasi palagi na nating nagagamit, nagsasawa tayo sa isang tao dahil paulit ulit nalang ang nangyayari, mamahalin mo tapos sasaktan ka. Yun lang naman eh, nakakasawa na talaga ang mga bagay na paulit ulit nalang na nangyayari sa buhay natin, yun bang paulit ulit nalang tayong ganito ang cycle na nangyayari, makakakilala ka ng isang tao, magkakabutihan kayo, akala mo mutual ang feelings niyo tapos masasaktan ka lang sa huli. Iba’t iba tayo ng pananaw sa salitang “Kasawaan” kaya iba’t iba din tayo ng opinyon. Nakakasawa yung mga paulit ulit nalang na nangyayari sa buhay natin. Nakakasawa yung gigising ka sa umaga, mag aaral, uuwi, matutulog, yun bang nakaksanayan na natin sa mga pang araw araw. Yun ang mga nakakasawa.

Nasasaktan: Lahat ng tao nasasaktan at alam kong ikaw na nagbabasa nito ay nasaktan na din. Nasasktan tayo sa iba’t ibat paraan katulad nalang ng ganito. Nasasaktan tayo dahil may taong nananakit sa mga damdamin natin at yung iba nasasaktan tayo dahil sinasaktan tayo personalan. Nasasaktan tayo kapag masakit yung pananalita ng isang tao satin, yung nakita mo yung taong mahal mo na may kasamang iba, yung kinukurot ka ng nanay mo, yung nilalait tayo, yung pinaparamdam satin na wala tayong halaga sa kanila at yung lihim mong minamahal ang taong mahalaga sa buhay mo. Karamihan sa atin ay dahil sa pag ibig kaya nasasaktan tayo at lahat tayo dumadaan sa ganyan. Nakakaramdam tayo ng sakit dahil may nararamdaman tayo at umaabot na talaga sa puntong below the belt na talaga ang mga nangyayari kaya ka nasasaktan.

Napapagod: Alam kong paulit ulit ko na itong sinasabi pero lahat talaga tayo napapagod dahil hindi naman tayo robot para hindi mapagod sa isang bagay na gumagalaw. Iba’t iba tayo ng pananaw sa salitang “Napapagod”. Napapagod ka ng magmahal, Napapagod ka ng masaktan, Napapagod ka ng umintindi sa mga taong walang pakialam sa paligid mo, Napapagod ka ng walang nagmamahal sayo, Nakakapagod mag aral ng mabuti, Napapagod ka ng makisabay sa mga taong ayaw naman makisabay sayo, napapagod ka sa mga taong pinapakialaman mo pero wala naman silang pakialam sayo at Napapagod ka na sa mga bagay na sobrang nakakasakit na sayo. Hindi naman kasi tayo robot para hindi mapagod at walang stamina para hindi makaramdam ng kapaguran. Tao tayo kaya nakakaram tayo ng kapaguran. Napapagod tayo dahil palagi mo na nga ginagawa wala pading nakakaappreciate sa mga ginagawa mo. Ang mga bagay na ginagawa natin araw araw lahat yan nakakapagod kaya kapag walang nag ccheer up sayo mas madali kang mapagod.

Sa pag-ibig natural lang magselos at away kasi kapag hindi siya nagseselos ibigsabihin nun hindi ka niya talaga mahal ang selos ay isang patunay na mahal na mahal ka niya. Kahit nakaka pagod at nakaka sawa na kung mahal mo talaga siya kayanin mo baka kasi sa huli magsisi tayo na pinakawalan natin yung taong hindi natin kaya mawala sa buhay natin. :) 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 16, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sa Pagibig ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon