Chapter 1~ The Transferee
“anebeyeenn best! Pasukan na naman! Nakakainis parang bago pa lang ang summer ah -.-“ si Andy yun. Best friend ko since pagkabata. Kami talaga magkasama since childhood at since pumasok ako sa school na’to. Mag-best friends kasi parents namin tsaka kakunchaba rin sa business kaya ayun.
“oo nga! Nakakabara naman! Kainis! Ayoko pang mag-aral!” ayan naman si Shena. Best friend ko rin yan actually pero nagka.meet lang kami about 3 years ago, freshmen kami nung may nangyaring something na basta!!! Tapos ever since nun, naging close kami. Kaya kaming tatlo ni Andy magkabarkada tapos dumating naman…
“Di naman guys.. positive nalang kayo. Sarap kaya mag-aral. Marami tayong malalaman. Tapos magiging successful naman tayo sa hinaharap. Di ba? Ayaw nyo nun?” si Sandy naman yan. Bago lang rin kami nag.meet.. well actually, hindi naman sa bago rin pero parang ganun na rin yun. Nung sophomores lang kasi siya napasali sa barkada namin nina Andy tsaka Shena. Ang weird nga na maging part siya sa barkada namin eh. GC kasi yan. Fighting for Vali pa. san kayo nyan? Grabe talaga siya!
“EFFF NAMAN YAN KASI GRADUATING NA TAYO. NO MORE HS chubz!” sambat ko naman. Ako nalang kasi ang tahimik. I can’t stand silence. I hate it. I hate it so much! Pramis! Nakakabingi kasi for me yung sobrang tahimik. Yung parang crickets lang naririnig mo. Yun! Nakakainis yun! Ugh.
“grabe ka naman Manz! Wag ka ngang sumigaw dyan! Nakakabingi!” epz naman tong si Shena
“eh kesa naman sa manahimik ako dito na di kasali sa usapan niyo noh! Mas nakakabingi ang tahimik FYI! Try mo kaya!”
“Okay lang naman ang tahimik Manz ah!”
“Nako Sandy! Batukan kita dyan eh! Syempre okay yan sa’yo. Sanay ka na kaya dun. Palagi ka kasing nag-aaral!”
“Ms. Maniego!” hala! Detention na naman?—wait, bakit detention, eh first day pa nga naman ah! Chuchumbagin ko yung sino magdede-detention sa’kin ngayong frist day na first day! Ipapakain ko pa kay the Grudge sakaling kumakain yun.. haha anebeyenn kung ano na naiisip ko tuloy.. alam ko yang boses na yan eh! Pamilyar na Pamilyar!
“SiB—este Sir Abello! Long time no see ah!” sus!! Sipsip naman nitong si Shena! Para lang di madentention! Haha di joke lang. wag nyo sabihin sa kanya ah! Secret lang yun! Atin2 lang! hahaha ^_^V …muntikan na siyang mabuking dun ah? Wait.. hindi lang pala siya kundi lahat na Seniors. tawag kasi namin ni Sir Abello is Sir Boring o SiBo for short. Well, wala naman masyadong mae-explain dun kasi the name speaks for itself eh. Haha kaya sa di naka-gets! Bahala kayo sa buhay nyo! Haha joke lang! peace tayo! ^_^V
“Oh, Ms. Cruz!! Glad to see me?” hahaha di kaya nya narinig yung una? Hahahah may pagkabingi kasi yan.. ito namang si SB, nagpadala sa sipsip nitong si Shena. Hahahaha nagpipigil na ako ng tawa pramis! Nakakaiyak na ewan na!! haha pero syempre di ako umiiyak noh! Panira sa image ko! Kung umiyak man ako, minsan lang! ito kasing si SB, uto-uto naman! Hahahaha ^_^
“Hi Sir!” sabay pa sila ni Sandy at Andy!!! Hahahaha char, it rhymes ah! Charottt talaga! Ngayon ko lang napansin hahahaha sa tagal ba naman ng pagkakaibigan naming apat. Ngayon ko lang talaga napansin na magkatugon pala pangalan nina Andy at Sandy, hahaha!! Ang ganda lang!
“Oh, Welcome Back Ms. Montes, Mr. Alle” char… welcoming pala tong si SiBo! Hahaha!!! =D naks naman… if I know! Sus!
“Bakit nyo po pala ako tinawag?” sabat ko na naman hahahahaha aba! Masyado na akong na-o-out of this world sa mga convos nila, parang di ako welcome kaya eepal ako! Hahahahahaha
“ay, miss ka lang nyan! Diba Sir?”
“GUSTO MO CHUMBAGAN KITA ANDY?”
“ayy, oo nga Sir, bakit nyo pinatawag si Manz?”