*yawn*
Ang aga kong nagising ngayon. Pagtingin ko sa orasan, 4:30 pa lang pala. Wow for the first time ang aga ko nagising.
Bumaba naman ako at nakita ko si Bess na nagluluto.
"Bess ano yan?" Tanong ko
"Breakfast mo malamang" pamimilosopo niya
"Ikaw talaga. Sige na liligo na muna ako." Ako
"Okie" sya
Umakyat na muna ako sa.kwarto ko.at naligo at nagprepaire tapos bumaba na rin ako para kumain.
"Bess ready na yung breakfast mo kumain ka na at magpeprepaire pa ako." Bess
"Sige na ako na.bahala dito." Ako
"Sige" sya
Maya maya pagkatapos kong kumain ay bumaba na rin sya at nagready na para pumasok.
"Bess kain ka na tapos na ako." Alok ko sa kanya
"Tapos na bess kumain na ako habang naliligo ka kanina." Sya
"Okay, eh di tara na." Akit ko.sa kanya
Pinuntahan na namin si manong para.magpahatid.
Tapos sumakay na kami ni Bess sa kotse. Ang aga namin ngayon kasi pagpasok namin eh wala pang tao. 5:30 kami pumasok
Pero may nakita akong tao. Dalawa sila at kung hindi ako nagkakamali ay si Dylan yun at di Sheira.
Pero bakit ganito ang nararamdaman ko?
Bakiy pakiramdam ko eh gusto ko silang sugurin?
"Bess di ba si Dylan at si Sheira?" Bess
"Shh wag ka maingay baka marinig nila tayo." Bulong ko
Nagulat ako ng biglang hinalikan ni Dylan si Sheira pero mabilis lang.
Pero mas nagulat ako nung sinampal ni Sheira si Dylan tapos biglang hinalikan ni Sheira si Dylan this time mabagal sya.
Pero bigla na lang bumagsak ang mga traydor kong luha. Magkahalong galit, takot, kaba, at sakit ang nararamdaman ko.
Bakit ako umiiyak? Ano ba talaga si Dylan sa akin?
Puro tanong ang utak ko ngayon.
"Bess wag ka namang umiyak" pagcocomfort ni Bess sakin.
"Bess alis na tayo." Akit ko sa kanya
"Sige bess tara muna sa ice cream parlor dahil alam kong kailangan mo ng ice cream ngayon." Sya
Ice cream lang kasi ang pinakamabisang pampakalma ko eh.
"Naku bess ano bang nangyari sayo? Naku kung ano man yang nararamdaman mo sigurado akong iba na yan." Sya
Tuloy tuloy lang ang pagbagsak ng luha ko.
"Bess tingin mo nagkabalikan na sila." Tanong ko kay bess
"Bess sa nakita ko kanina tingin ko oo ang sagot sa tanong mo at saka bakit naman sila maghahalikan kung hindi diba." Sagot niya sakin
May point naman sya dun.
Pinilit kong kalimutan ang nangyari at pinagtuunan ng pansin ang cookies and cream na ice cream ngayon sa harap ko.
Dumiretso nanrin agad kami sa school pero para kaming kriminal na may pinagtataguan.
Iniiwasan kasi namin sila Dylan
Pero malas namin kasi nakasalubong pa rin namin sya.
"Dianne, Rhianna may good news ako." Excited na sabi niya
Nakayuko lang ako doon sa likod ni bess at pinipigilan ang mga luha ko.
"Naku Dylan nagmamadali kami mamaya na lang ha sige alis na kami sorry talaga." Mabilis na sabi ni Bess sabay takbo habang higit higit ako.
Nahagip ng mata ko si Dylan at malungkot sya.
Siguro nahahalata niya na iniiwasan namin sya
*sigh*
Haaaay maghapon akong nakatulala at hindi ko namalayan na uwian na pala kaya umuwi na kami ni bess at sa awa ng diyos eh hindi namin nakasalubung si Dylan.
Natapos nanaman ang isang nakakapagod na araw.
BINABASA MO ANG
The Nerd He Loves
Teen FictionLonely? Unlovable? Walang ibang inatupag kundi pag-aaral? At higit sa lahat NERD? Well hindi naman totally nerd dahil wala naman akong glasses. Lahat na lang ng katangian na meron ako eh ayaw nila. Yan ilan sa mga katangian ko, pero nagkak...