7

17K 432 4
                                    

Madilim pa ang buong paligid ng maalimpungatan ako. I was blinking my eyes and looking at the dimly lit bedroom for a moment. Then, napag isipan kong tignan ang orasan na nakapatong sa bedside table sa tabi ng kama sa side kung saan ako nakapwesto.


It is freaking three in the morning.


Masyado pang maaga, pero mabilis ring nawala ang antok ko. Marahan akong napahinga ng malalim at maingat ang bawat galaw ko para hindi magising ang mahimbing na pagkakatulog ng katabi ko. I grabbed my phone on the bedside table, I was planning to check for any messages and important emails. 


Pero napatigil at napatingin nalang ako sa katabi ko ng gumalaw ito at yumakap saakin. Naramdaman ata nitong gumalaw at paalis ako ng higaan. Mabilis akong napangiti habang nakatitig sa maamo nitong mukha. How can he be this adorable even if he is asleep? I badly want to pinch his cheeks but I stopped myself. Ayokong magising ito ng dahil lang sa pinang gigigilan ko sya and I know na magagalit ito kapag nagising sya.


Kinuha ko ang phone ko at nag umpisa nang magcheck ng mga e-mails habang yakap-yakap ako nito. I also read some of the papers that they sent yesterday since hindi ko natapos ang trabaho ko kahapon at alam ko namang hindi na ako makakatulog pa nito. 


Since may mga papel na dapat kong pirmahan ay nagdecide na akong umalis sa higaan at maagang umpisahan ang mga naiwan kong trabaho. Dahan dahan at puno ng pag iingat kong inalis ang braso ng nakayakap saakin at pinalitan ng unan ang pwesto ko na ngayon ay yakap-yakap na nito.


Kinuha ko ang isang itim na bag na madalas kong dalhin sa trabaho. Bago lumabas ng kwarto ay nakita ko pang mahigpit nyang niyakap ang unan ko. I smiled sweetly and quietly leave my room.


The whole villa is not as dark as I thought at this time of day. The lights on the hallway are dim and it made me relax just by seeing it. Alam kong tulog pa ang mga tao ngayon kaya maingat ang bawat galaw ko. I don't want to wake up anyone.


I opened the light in the kitchen. Tahimik ang buong paligid kaya dumiretso ako sa isang highstool chair. Inilapag ko ang bag ko sa ibabaw ng counter at dumiretso sa malapit na sink. I started making a coffee and heating some leftover pasta na niluto ko kahapon. Dahil sa nakasanayan ko na ang gumising sa madaling araw para lang kumain at magtrabaho ay palaging may mga leftover foods sa ref. I opened my laptop and ready my food.


Tahimik akong umalis sa kusina at dumiretso sa study room ko sa first floor. Dahil malapit lang naman ito sa kusina ay hindi na ako natagalan pa at mabilis na nakuha ang mga papeles na kailangan kong tapusin at asikasuhin. Nang makabalik ako sa kusina ay may ipinatong ko kaagad ang mga dala ko katabi ng laptop. I started eating when I saw a maid yawning and silently walk in the kitchen. I silently watched her while eating.


Nagsalin ito ng malamig na tubig sa baso nya at halatang mukha pa itong inaantok habang umiinom ng tubig. Napangiti ako bigla habang pinapanuod sya dahil naaalala ko sa kanya ang kaibigan kong si Camille.


"Ahh! Kabayo!" Napatili nalang ito ng tuluyan nang mapansin ako. Napatawa ako sa kanya.


"Hahaha! Mukha na ba akong kabayo?" Nagbibirong tanong ko rito. Mabilis na namula ang mukha nito at umiling.

One Night Stand to a Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon