Brother's Love

23 0 1
                                    

Ako nga pala si Ken 2nd year high school student, top in the class with lots of skills wala nga siguro mas gagaling pa sa akin sa bayan namin. Ako ang nangunguna sa halos lahat ng bagay sa paaralan, pati nga sa takbuhan hindi ko na rin pinalampas. Pero sa bahay isa akong talunan.


Simple lang ang pamilya ko, Si Papa namamasada ng Tricycle, dati syang seaman pero tumigil na sya sa pagsakay sa barko nung nagkaroon ng kapansanan ang kapatid kong naka-babata si Jay, si Mama naman walang trabaho guro sya dati, pero natigil na sa pagtuturo sa paaralan kaya nagtututor na lang sya para hindi na sya aalis ng bahay para bantayan si Jay.



Si JAY puro na lang si Jay, nakakabingi na nga yung pangalang yun, sa umagahan pati sa na gabihan lagi na lang Jay, Jay, parati na lang si Jay. Si jay na ang mabait, si Jay na ang magaling. Si jay na ang masipag sya na na ang lahat, kulang na lang ata eh gawan yan ng rebulto para kilalanin ng lahat.



"kuya, alam mo sabi ni Mama ang galling-galing mo daw magdrawing, yung project mo sa school na painting, sobrang ganda daw nun, tapos tayong dalawa yung nasa larawan sobrang kamukha ko daw yung drawing mo pero yung mukha mo daw dun hindi gaano dahil medyo minadali mo ang paggawa nun dahil naputulan tayo nun ng kuryente tapos hindi mo magawa sa gabi. Alam mo sana kasing galling kita para matuwa rin sila sa akin"

"syempre, yun naman ang gusto mo diba, gusto mo sayo na lang iikot ang mundo nina Mama gusto lagi mapansin ka, gusto mo lagi kang bida, at ako naman itsapwera"

"umalis ka nga dito, mag-aaral pa ako, hindi ako maka concentrate ng nandito ka. Lumabas ka"

"labas ano ba, bilisan mo naman" halos pinagtutulakan ko na sya palabas ng kwarto ko na nagging dahilan para matumba sya dahil nawalan sya ng balance.


"Jay , Jay nasan ka, ano yung narinig kong natumba," tanong ni mama


At ng makita nyang nakahandusay si Jay sa loob ng kwarto ko, isang tingin na hindi ko maintindihan ang ibinato nya sa akin

"Ano ba Ken. Magdahan dahan ka naman. Hindi mo pa rin ba maintindihan, bulag ang kapatid mo konting ingat naman oh"



Syempre ano pa bang ineexpect kong sasabihin ni Mama, mukhang kinawawa na naman kasi ang paborito nyang anak. Sanay na ako, halos 10 taon na na ganito ang buhay ko, pilit kong pinagsisikan ang sarili ko sa pamilya kaylan man hindi ako nagging parte.

"ano ba, labas na, bagal-bagal,"



_______________________________________________________


"Pareng Ken, anong problema mo."

"wala, marami lang akong iniisip,"

"naku, wag mo masyadong did-dibin may likod ka pa"

"sira ka talaga...."

Mabuti pa sa school may mga taong dumadamay sayo, hindi mo sila kaano-ano pero handa silang maglaan ng oras para sayo, sila yung minsan mo lang nakilala pero tunay na nakakapagpasaya rin sa oras na malungkot ka, karamay rin sa saya at tagumpay, pero dahil hindi mo naman sila lubos na kilala, minsan sila rin yung mga taong mang-iiwan sayo at tatalikod kapag kailangan mo.

"Ken malapit na ang Interschool Competition diba, tatak bo ka ulit?"

"SYEMPRE naman si ken pa, yan ang panlaban ng school natin, dahil sa kanya magkakaroon tayo ng siguradong champion sa Finals at Nationals, diba Ken"

"ahh, oo sasali ako"


Brother's Love (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon