Isang araw, kaka-uwi ko palang galling sa school, pero walang tao sa bahay, at may note sa mesa, nakasulat na "nasa ospital kami ngayon, kumain ka na dyan, pumunta ka dito kung gusto mo naaksidente si Jay"
Kaya pumunta ako sa ospital para malaman ang lahat ng detalye, nahulog daw sa hagdan si Jay, nakalimot ata, saulo na naman nya yung bahay namin, ngayon lang sya na aksidente sa loob ng bahay. Siguro pakana lang nya yun para kaawaan na naman sya. Pero gastos na naman ito, sa susunod na linggo na ang laban ko, sigurado wala nang pag-asa ang pangarap kong Nationals.
"Ma, maibibili mo ba ako ng sapatos?"
"Ken intindihin mo naman, marami tayong pinagkagastusan si Jay naospital pa, saan pa tayo kukuha ng para sa sapatos mo, hindi ba pwede yung luma mo, huwag kang umatras dahil wala kang bagong sapatos."
"Ma, akala mo ba umayaw ako dahil hindi bago ang sapatos ko, sa tingin mo ba umayaw lang ako dahil dun?"
"Ma, mali ka, hindi naman ako hihingi sayo kung hindi ko kailangan eh, dun sa magkakasunod na competition, halos dumugo na yung mga paa ko dahil sira na nga yung sout kong sapatos, pinagtyagaan ko na lang, dahil akala ko sa Nationals bibigyan nyo nman ako, bilang nanatutuwa naman kayo, pero mali pala ako, kung hindi nman ako kumportable malaki ang chance na matatalo lang ako, tsaka nakikita ko naman po ang sitwasyon natin eh, "
"Natatandaan nyo po ba yung lagi nyong sinsabi sa akin dati, habang nakatingin tayo sa buwan"
"Huwag kang susuko sa mga pangarap mo anuman ang mangyari, ano mang hirap ipagpatuloy mo lang, pero may tamang oras din para sukuan ang lahat ng pangarap natin sa buhay, ito ay kung ang pagsuko natin ang maskakabuti para sa iba na mahalaga para sayo. "
"Alam mo anak pangarap ko talagang maging doctor, maraming nagsasabi na magiging doctor daw ako balang araw, dahil masipag ako at maalalahanin sa kapwa, pero kapos ang pamilya natin noon, hindi kaya ng Lolo mo na papag-aralin ako ng medisina, kaya tinangap ko na lang at nagteacher ako, pero alam mo anak hindi naman ako nagsisisi na naging teacher ako, dahil kasi dun masnatulungan ko ang mga Lolo mo sa buhay at yun rin ang naging dahilan para makilala ko ang Papa mo"
At nabaling ang mata naming kay Jay na bumangon mula sa kanya kwarto, syempre itong si Mama alalay agad kay Jay, kahit sinasabi nyang kaya na nya, kaya naman talaga nya eh, pero nagpupumilit si Mama baka kasi magkamali na naman si Jay.
Masmakakabuti para sa aming lahat kung hindi na lang ako sasali, yung pera gagamitin ko para na lang sa pagpapagaling ni Jay. Masakit pero Ok lang, para naman yun sa mahal ko sa buhay, mas-importante sila kaysa sa munti kong mga pangarap.
________________________________________________
Hanggang isang araw napasali ako sa isang musical contest, tumutugtog ako ng piano, tinuruan kasi ako ni Papa dati nung hindi pa siya busy nung bata pa ako, nung paborito pa nya ako, nung may oras pa sya sa akin, nung mahal pa niya ako. Tuwing tumutogtog ako ng piano,naalala ko lahat ng masasaya naming samahan ni Papa, mga tawanan at pagkukulitan:
"anak, ang gusto ko lumaki kang mabuting tao, mapagpakumbaba, mabait, at higit sa lahat mapagmahal, alam mo proud sayo si Papa, tandaan mo yan"
"opo, Papa, tug-tog na ulit tayo"
BINABASA MO ANG
Brother's Love (One Shot)
Short StoryMinsan sa buhay may mga bagay na hindi natin makita, hindi dahil wala tayong paningin kundi dahil hindi natin sila binibigyang pagpapahalaga, may mga taong hindi pinagpala pero sila pa mismo ang magtuturo sayo para mabuksan ang mga mata mo sa kat...