"Fuck" mabilis na mura ni Jhian na kasamang tumatakbo ang kaibigan dahil kaka kita lang sa kanyang nobya pero napahinto silang dalawa ng nakita si nobya number two.
"Ah hey Baby" naka ngiting sinabi ni jhian na napalitan naman ng isang malakas na sampal "okay?" Natatawa niyang sinabi at sumakay na sa kanyang motorcycle at sumakay narin si Bruce sa kanyang motorcycle at pinaharorot na nilang dalawa yun.
"Yah!!" Sigaw ni Jhian ng nakita niya yung iba niyang mga kaibigan na naka parada sa gilid ng daan, nalagpasan lang niya yun pero maya maya naka buntot narin sila sa likuran nila ni Bruce.
"Ahaha! Tanda mo na Hems!!" Sigaw ni Bruce ng naunahan niya si Jhian. Ngumisi lang si Jhian at huminto na sila sa kanilang tambayan sa lumang paaralan ng elementarya na wala ng nag-aaral.
"Op op! Ahh naglagay na sila ng yellow police line" commento ni Bradley isa sa kaibigan niya na naka pulang damit at maong na pants,
"Bawal na to tol" dagdag pa ng isa sa kanila.
"Nah easy" naka nagising sagot ni Bruce at binato naman ni Jhian yung gunting na madali lang niyang sinalo at ginupit ang nasabing harrang. Yung iba umalis na dahil mag kaka rera pa daw pero sampo silang naiwan at tumambay muna, naglabas si Bruce ng yosi at binigyan naman niya si Jhian.
"So musta kayo ng magulang mo?" Tanong ni Bruce at umupo sa isang silya.
"Ewan" tipid na sagot ni Jhian at tinignan ang cellphone niyang nalunod na naman sa dami ng text messages sa iba't ibang babae "grabe masakit yung sampal kanina sakin ah"
"Napuruhan ka lang, masiyado ka kasing tarantado" natatawang sagot ni Bruce at umiling lang si Jhian habang nag yoyosi. Eight o'clock na ng umaga kaka skip lang nila sa klase. Bigla namang nag ring ang phone ni Jhian at agad niya itong sinagot.
"Yow" casual niyang bati.
"Nasaan kang bata ka!!" Sigaw ng tatay niya sa kabilang linya na halos mabingi na si Jhian nilayo niya ng kunti ang phone sa taenga niya at nilapit ulit.
" ewan" tipid na sagot ni Jhian.
"Andami mong violations! You never go to school! What the hell
is happening to you!" Magkasunod sunod na sigaw ng tatay niya at napa ngisi naman si Bruce na nakatitig lang kay Jhian at sa pakikinig narin niya dun sa usapan,"Ewan" tipid ulit na sagot ni Jhian sa kausap.
"Umuwi ka ng bata ka! Or else I'll send you to your lolo" at pinatay na ng tatay niya ang tawag, napatayo naman si Jhian at nabato ang cellphone na hawak niya tumama pa ito sa pader at tuluyan na ngang nawasak.
"Gago to probinsyana?" Natatawang tanong ni Bruce na naka tingin sa itsura ni Jhian na para talagang pinagbagsakan ng langit at lupa. Tinignan naman ng masama ni Jhian si Bruce at nagmadaling pumunta sa motor niya at pinaharorot na yun. Naiwan namang tumatawa si Bruce at pinagtitinginan na siya ng kanyang mga kasama.
"Pano yan?" Natatawang tanong ni Bruce "kailangan pa natin bisitahin si boss sa probinsiya"
"Hindi pa naman sigurado diba?" Tanong ni Bradley at nagkibit balikat naman si Bruce.
"You'll see" tipid niyang sinabi at ngumisi na naman ulit.
Pagkapasok palang ni Jhian sa bahay nila parang pinaghandaan at talagang may mga maleta na siya sa labas ng bahay katabi ng isang kotse, pumasok siya sa loob ng mansiyon nila at sinigaw ang papa.
"What is this?" Takang tanong ni Jhian sa ama at ngumiti naman ang tatay niya.
"Paalam iho, mag ingat ka"
"Teka, ang bait naman at ang ganda ng way niyo para palayasin ako!" Bulyaw ni Jhian at dumating naman ang mama niya na naka pang office pa. Tuloy tuloy lang ang paglakad ng mama niya na tumabi sa tatay niya at ngumiti ng sobrang tamis.
"Na miss ka na daw ng Lolo mo, siya ihahatid ka na ni manong Josh" naka ngiting sinabi ng nanay niya at tuluyan na nga siyang pina alis sa bahay nila na wala man lang sigaw o away. It's a nice way really.
Nang nakalabas na si Jhian at nakasakay na papunta sa kanyang kinamumuhiang probinsiya...
"Hindi kaya ma-high blood si papa?" Tanong ng nanay niya at nagkibit balikat lang naman ang tatay niya.
"Ewan"
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Miss Probinsyana
RomanceMeet, Jhian Helmsley~ he's the city's delinquent, ang definition ng masama, at marami pang iba, andiyan ang kayabangan, masiyadong cold, walang patience name it. But all of his happy life will end, dahil lahat ng bagay may katapusan, pinunta siya s...