Bakit ba di ko siya matanggal sa isip ko?Miss ko na siya, e ang tanong, namimis niya kaya ako?
Hawak-hawak ko pa din yung Rose na binigay niya nung Js Prom namin. Di ko mapigilang di umiyak pag naalala ko yung mga panahong iyon. Yung panahon na naging malapit kami sa isat isa kahit sa maikling panahon lang.
"Shine?Tara na, reses na! punta na tayo sa canteen." tawag sakin ni Marc, si Marc ang tangi kong kaibigan sa school namin.
Ako nga pala si Shine Barreto. Anti social na tao, sa sobrang pagka anti social at pagiging tahimik, tinatawag nila akong si Sunako,Isang anime character sa isang anime series na nakakatakot. 4th yr na ko, and happy ako kahit papano dahil makakaalis na ko sa school na to.
Tahimik lang ang buhay ko sa high school, Okay lang kahit si Marc lang ang kaibigan ko at kasa-kasama lagi.
Okay naman siyang kasama, lagi niya kong pinupuntahan sa room namin para tawagin ako.
Siya lang kasi ang masasabi kong kaibigan ko. Wala kasing kumakausap sakin e, walang may balak kumausap o makipag kaibigan man lang sakin dahil weirdo ako, dahil nakakatakot daw ako.
"Oh,kamusta naman ang araw mo sa section niyo ngayon?"
"Okay naman, tulad ng dati pinag oobserbahan ko lang sila."
"Bakit kasi di ikaw ang gumawa ng paraan?"
"Ayaw ko, ayaw ko na mapintasan ulit, nakakapagod din."
Di na lang nagsalita pa ulit si Marc. Alam niya kasing mapapaiyak ako pag pinagpatuloy pa namin ang usapang iyon. Kaya nag kwento na lang siya ng kung ano ano.
Di ko masasabing parehas kaming outcast ni Marc. Kung tutuusin,si Marc ay ang presidente ng section nila, di ko lang alam kung bakit sakin siya pumupunta, pero masaya ako, siguro naaawa siya sakin.
"Woi. Andito pala kayo, shiru at Marc,Ngapala, Ready na ba kayo sa Js Prom?"
Dumating si Aly,Kaibigan ko din,pero di ko siya kasama lagi, paminsan minsan lang, iba kasi ang kasama niya, magaling siya sa chess, naaalala ko pa nga pag natatalo siya, umiiyak siya kasi di pa siya natatalo, masyado kasi siyang magaling. Sa kanya ko ata natutunan kung pano maglaro ng chess e. Pero mabait din yan, kahit minsan may pag ka salbahe. haha. parehas kaming nagiging salbahe pag kami ang magkasama.
"Js Prom?,Ayaw ko pumunta,wala namang gagawin dun e." sabi ko na lang, pero medyo naiintriga ako sa loob loob ko.
"Ay nako, Pumunta ka na! gragraduate na tayo! Once in a lifetime lang yan shiru." sabi naman ni Marc.
wow, as if namang may magsasayaw sakin. Bahala na nga.
Pag uwi ko sa bahay*
"Mom,Js Prom namin next friday."
"Oh, bakit ngayon mo lang sinabi?"
"Di naman ako pupunta e,Ayoko."
"Pumunta ka anak, Once in a lifetime lang to!"
Ayan nanaman ang once in a lifetime na word. Kainis na a, kanina ko pa yan naririnig e! Kakasiopaoness naman oh!
Basta, di ako pupunta.
Kinabukasan sa School*
"Woi. Sinong partner mo? may nang aya na ba sayo? yieeeee."
"Wala pa e. pero siguro naman meron! yieeee! mamaya siguro lalapit siya! kyaaaah!"
~Hay nako, wala na bang ibang mapag usapan ang mga tao ngayon? Grabe,kanina pa ko naririndi sa mga sinasabi nila!
Rawr.~
