Monday*
Pinatawag kami ni Mam Prin,kami nina Aly,Yannie,Jen,Tin,Celine at Ako.
Kinausap na kami ni Mam, Medyo tensyon, hindi pala medyo, sobrang Tense ako, syempre nadawit ako. Ayun, Ang nakakaasar lang di sinabi ni Jen ang narinig niya, natakot siya kay Celine e. Halata naman. Kaya nagalit kami sa kanya. Tapos, mas parang kinampihan pa ni Mam Prin si Celine. Nasaktan ako sobra! Dahil kala ko, maiintindihan niya ko, na kala ko kakampihan niya ko pero hindi e, Mas pinili niya pang kumampi kay Celine. Dun ko lang napagtanto na Wala talaga akong mapagkakatiwalaan. Mag isa lang ako. Okay,Atleast, alam ko na. Nakakapanghina lang na pati yung taong tinitingala mo, di pala sayo naniniwala. Well, ano naman ang laban ko kay Celine? Eh, maimpluwensya ang Mom niya. Eh, yung Mom ko simple lang pero, Atleast,NANINIWALA SAKIN. Kinimkim ko na lang yung feelings na naramdaman ko ng marinig ko ang mga salita ni Mam Prin. Tama na.
After nun, bumalik na kami sa classroom. Tahimik lang kami. Walang nagsasalita. Maya maya pa'y nag bell na, Reses.
Wala pa rin si Marc. Mag isa nanaman ako,"Shine!" Tawag sakin ng isa kong klasmeyt,si Zoe.
"Tara, sumabay ka na samin, kakain kami, pupunta kami ng Canteen. Sama ka?"
"Ah? eh, sigee." Pumayag na lang ako.
Sa Cafeteria,pinag uusapan nila ang nangyari, nakakainis kasi parang wala ako kung makapag usap sila tungkol dun. Naiiyak ako. Pigilan mo,Shiru! kaya mo yan! Pag di mo kaya, umalis ka na lang.
Kaso mali ang ginawa ko, nagkamali ako,nabigla ako sa sarili ko,pag tayo ko.
"ah,Zoe, salamat ah. Babalik na ko."
Pag talikod ko, tumulo na yung luha ko. Napatakbo tuloy ako sa room.
Di ko mapigilan yung iyak ko. Siguro dahil ito sa sobrang tensyon at takot.
Natapos ang klase namin sa isang iglap lang.
Umuwi na lang ako.
Di ko pa rim nakakausap si Marc.
Pag uwi ko, inusisa kagad ako ni Mom about sa nangyari kanina. Di ko na sinabi na umiyak ako, ayoko kasing mag alala siya e.
Pagkabukas ko ng CP ko. Nagtext si Kaye. Binigay niya kasi yung no. niya sakin nung JS.
Nabasa ko ang text ni Kaye,"Umiyak ka daw?"
"Ha?" Reply ko.
"Sabi nila umiyak ka daw e."
"Hindi a, okay lang ako."
"Sino ba ang nang aaway sayo?"
"Wala, wala. okay lang ako. haha."
"Balita ko, inaaway ka nila dahil sa kin,Sorry."
"Hindi a, Dont be, okay lang. wala kang kasalanan."
"Hm,sige, magpahinga ka na."
"Oo,salamat."
"Basta a, sabihin mo lang kung sinong nang aaway sayo. Akong bahala."
Nireplayan ko na lang siya ng smiley face. Ayoko na kasi mag comment e.
Ayun, Almost one week din akong naging topic sa campus.
Medyo naasiwa na nga ko. Pero sanay nanaman ako sa ganto e.
Uwian na, Ngayong araw nakuha ko na ang Report Card ko, okay naman ang grades ko. Nakausap ko na din si Marc, Ayun, nagplano na siya mismo ngayon na linawin ang isyung nagaganap sakin, para tigilan na daw ako ng mga kaibigan ni Kaye.