His POV
Bigla bigla na lang.
Ano ba nagawa kong mali??
Minahal kita pero winasak mo ang lahat.Ang bawat segundo na kasama kita ay pagsisinungaling pala ang lahat.
Ang sakit lang na makita mo yung taong mahal mo na may kasamang iba.
Ang ayoko lang kasi na nagseseryoso ako pero niloloko na pala ako.
Alam nyo yung feeling na ganon??
Andito ako nakatingin sa kanila.
Masaya silang nagtatawanan habang magkahawak ang kamay.
Dati ako lang ang nagmamay-ari nyan.
Dati ako lang ang rason kung bakit ka masaya.
Dati ako lang ang nagpapasaya sayo.
Dati ako ang karamay mo sa bawat kabiguan na hinaharap mo.
Pero bakit ngayon??.Bat biglang nag bago??
Anong nangyari.?Ano??
May nagawa ba akong mali??May pagkukulang ba ako??.
Mahal ko sya pero masyado ng masakit para sakin.
Masyadong masakit.Pang huli na ito. Pangako ..
Kinuha ko ang cellphone ko at dinayal ang number nya.
*Ring* *Ring* *Ring*
Tinignan ko sya.Nakita kong tinignan nya ang Cellphone nya at tumingin sa lalaki nya.
Sya:Baby??.Watssup.
Ako:San ka??
Sya:Andito nakahawak parin sa papeles.
Papeles.Isang napakalaking sinungaling.
Papeles nya ang lalaki nya kasi yun ang hinahawakan nya sa mga oras na ito.
Nakita kong nakalean ang lalaki sa balikat nya..
Ako:Ahh.
Sya:Tumawag ka lang ba dahil doon??
Ako:Hindi naman.
Sya:Ahhh.
Ako:Baby?? May napanood ako sa tv. Ang ganda.
Sya:Halaka?? Ano naman iyan??Sayang naman at wala ako dyan.
Tinignan ko sya. Nagkatitigin silang dalawa.
Nakita ko ang hindi ko dapat inaasahan.
Nakita kong ninakawan ng halik ng lalaki ang taong mahal ko.
Masakit.
Dati ako lang ang nag aangkin ng labi nya.
Dati ako lang.
Ako lang.
Pero Dati lang yun.
Sya:Baby???. Are you still there??
Ako:Yeahhh.
Sya:Kwento muna dali.
Bumuntong hininga muna ako.At huminga ulit ng malalim.
Ako:May movie akong nakita. Alam mo ba ang ganda promise. Masasaktan at marerelate ka talaga.
Sabi ko.Parang pumipiyok yung boses ko.
Ako:Ang ganda talaga. May lalaki na nanligaw sa babae. Tapos yung babae napakaganda,mabait at enjoy kasama.Laging nakangiti.. Tapos yung lalaki niligawan nya yung babae.Nag effort ng todo yung lalaki para masagot lang sya ng babaeng mahal nya.Hindi naman sya nabigo dahil sinagot naman sya.
Huminto muna ako sa pagsasalita para huminga ng malalim.
Baka hindi ko makayanan to.
Ako:Tapos ayun nga naging sila.Masaya ang naging relasyon nila punong puno ng pagmamahal..
Parang papatak tong luha ko ng hindi oras.
Ako:Tapos ilang buwan ang nakalipas sila parin. Hindi alam ni lalaki na niloko na sya ng babae..Tapos isang araw nagtaka yung lalaki bat laging umaalis ang babae ng maaga.At laging may lakad.
Tumingala ako.Para maiwasan ang pagpatak ng luha ko.
Bago ko ipinagpatuloy tinignan ko sila.
Masaya silang nagtitigan at naghahawakan ng kamay..
Hindi ko maiwasang magalit.Napakalaki kong tanga para hindi sya ipaglaban.
Oo mahal ko sya.Pero masaya na sya ehh.Ano pang magagawa ko??
Ok na ako kung makita ko lang sya na masaya.
Mahal na mahal na mahal ko sya.
Ako:Isang araw napagdesisyunan ng lalaki na sundan sya.At tama ang hinala nya may iba nga ang babae.Masakit para sa lalaki na makitang may iba na ang babaeng mahal nya.Pero sabi nya sa sarili nya "Ano pa ang magagawa ko.Kung masaya na sya sa piling ng iba.".
Hindi ko talaga naiwasan.Hindi ko matiis ang sakit na nandito sa damdamin ko.
Oo nakabakla man.Pero tao din ako. May damdamin at nasasaktan.
Anong magagawa ko??Mahal ko ehh.
Sya:B-b-baby?? Where are you??
Tinignan ko sya.Nakatayo na sya ngayon.
Nakita kong nanginginig ang mga kamay nya.
Minahal mo ba ako??
Nakita kong nakahawak yung lalaki sa braso ng babaeng mahal ko.
Ako:Bakit Diana?? Bakit ang bestfriend ko pa??Minahal mo ba ako?? May pagkukulang ba ako?? Ano ang ginawa kong mali para saktan mo ko ng ganito.Mahal kita at alam mo yun.
Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha ko.
Sila na ang kusang bumuhos.Napaluhod ako sa sakit ng nadarama ko.Masyado akong nasaktan.
Masyado nyang inabuso ang pagmamahal na meron ako para sa kanya.
Mahal ko sya pero tama na ayoko na.Ayoko ng magpakatanga.
Sya:Baby?? Let me explain pleas-----
Kinuyom ko ang kamao ko.Para makapagpigil.
Ako:EXPLAIN??!!!!.*sniff*Ang kati mo.Alam mo yun?? *sniff*..BAT SA BESTFRIEND ko pa Diana?? Bat kay Bryan pa??*sniff* Pinagkatiwalaan ko kayo.*sniff*..Minamahal kita.Pero ano *sniff* niloko mo ko. *sniff*..
Sya:A-a-alex no.no.no.Let me explain first.Mahal kita pero mahal ko din sy------
Ako:TANG*NA..Ganon ka ba magmahal?? Dalawahan??..Masaya ba Diana kasi may naloko ka na?.Salamat sa lahat ha.Mahal na mahal kita.At alam mo yun.Alam mo kung gaano kita nirerespeto at pinapahalagahan.
Paalam Diana.Ito na ang huli. Wala na tayo.Masakit man pero kailangan kong mag let go.
At sa huling mga salita na binitawan ko at ang pag tapos ng pag uusap namin.
Ay masyadong masakit para sakin.
Ganoon talaga pag mahal mo.Kukusa kang mag let go.
Aanhin pa ang ipaglalaban mo kung kusa na syang bumitaw.
------------
Last Call By:SeriousAgentBlackThank you for reading guysss.God bless you all.