[Desiree's Side Story]
Si Desiree ay isang kpop fan at ang ultimate fandom niya ay EXO-L. Gustong gusto niya ang kanta ng EXO dahil para sa kanya magaganda ito. Una niya naging bias ay si Kris pagkatapos ay si Sehun. Tuwang tuwa siya pag may updates about her biases.
Isang gabi nanaginip siya. Hindi niya una matukoy kung saan siya papunta. Ang alam lang niya ay kailangan niyang makalabas. Patuloy siyang naglakad hanggang sa siya ay makakita ng isang pintuan na bakal. Pinasok niya ito at nakita niya ang mga tao na busy lumalakad.
Nagulat siya ng makita niya na nakasuot na siya ng maid uniform. Nagtataka siya kung ano ang nangyayari ng biglang may isang lalaki na gusto siyang pagsamantalahan. Sinipa niya ang lalaki sa sensitibo nitong parte para makatakas at dali-dali siyang tumakbo ng mabilis.
Hinabol siya ng lalaki na may hawak na kutsilyo at binilisan niya ang takbo. Liko siya ng liko kung saan-saan para lang malayuan ang lalaki. Sa kakatakbo niya, di niya namalayan na may papasalubong sa dadaanan niya at siya ay nabunggo.
Natumba si Desiree at tumama ang katawan niya sa pader ng malakas. Biglang dumating si Chen at tinulungan siyang tumayo at dinala sa isang waiting room at doon inalalayan siya ni Chen umupo.
"Miss, ayos ka lang ba?" tanong ni Chen dahil di makatayo ung babae ng maayos habang inaalalyan.
"Oo, ayos lang ako,salamat at tinulungan mo ako." sabi ni Desiree na nahihiya kasi nakita niya ang isang member ng gusto niyang banda.
Patuloy silang nag usap hanggang sa bigla si Desiree nagising. Nagtataka siya bakit ganun panaginip niya at di niya alam kung bakit si Chen ang lumabas sa kanyang panaginip. Di niya nalang ito pinansin at hinayaan niya lang dahil sa tingin niya, nagkataon lang ito.
Makalipas ang ilang araw, nagsimula magbago ang bias list niya. Naging si Sehun na ang bias niya then si Kris. Habang nag s-scroll siya sa newsfeed niya sa facebook nakakita siya ng isang article kung saan isang miyembro ng EXO na si Chen ay sinasabihan ng "walang talent" "pinaka panget na miyembro ng EXO" at "di marunong kumanta".
Hindi alam ni Desiree kung bakit kumirot ang puso niya sa kanyang nabasa. Di niya alam kung bakit sobrang sama ng loob niya. Di niya alam kung bakit sa lahat ng nabasa niyang insulto sa EXO, kay Chen siya pinaka apektado samantalang ang bias niya ay si Sehun.
Makalipas ang isang buwan siya muli ay nanaginip at tungkol ito kay Kai na kinakausap siya habang ang ibang miyembro ng EXO ay naglalaro. Di mawari ni Desiree kung ano ang sinasabi ni Kai, para bang binibigyan siya nito ng mga payo pero sa lahat ng sinabi ni Kai, ang tangi niyang narinig ay
"wag mo siyang papakawalan,alagaan mo siya, kailangan ka niya."
Naramdaman ni Desiree na may nakatingin sa kanya kaya ito ay nilingon niya at nakita niya si Chen na nakatingin sa kanya at bigla siyang kinindatan.Dito na nagsimulang maguluhan si Desiree, bakit ganito yung mga panaginip niya. Sa pakakataong ito, si Chen na ang nasa tuktok ng kanyang bias list.
Nakalipas ang 2 linggo, nanaginip nanaman siya this time nasa isang mall siya kasama ang isang matalik na kaibigan at isa niyang kaibigan. Masaya silang naglilibot at namangha sila sa laki ng mall. Napag desisyunan nila na pumunta sa ibang mall kaya pumunta sila sa LRT station.
Habang naghihintay, nakita niya si Kai sa tabi niya at nagulat siya kung paano nangyari na andun si Kai, hinayaan niya nalang kasi gusto niyang bigyan ng privacy si Kai at ilang segundo ang lumipas may nakita siyang dumaan sa harap niya at ito'y walang iba kung di si Chen.
Di niya ma explain ang kanyang nadarama, sa sobrang saya niya ay nasambit niya ang salitang "Chen oppa" habang nakahawak sa bewang nito. Na realize niya ang kanyang ginawa kaya binitiwan niya ito at dali-daling humarap ng diretso na parang walang nangyari.
BINABASA MO ANG
My heart's wish
Romance"Di ko alam bakit ikaw ang laman ng aking panaginip, pero di ko inasahang bigla kang susulpot sa buhay ko na parang ligaw na buto at mamumukadkad sa puso ko." - Desiree "Di ko alam kung saan kita unang hahanapin, di ko alam kung saan kita matatagpua...