one

20 0 0
                                    


Simula na naman,ano naman kaya ang mangyayari ngayong araw? Lumabas na ako ng kwarto at bumaba papunta sa kusina para sa umagahan ko. Agang aga ang tahimik, ano pa nga ba aasahan ko eh ako lang naman magisa sa bahay na to, di naman ito kalakihan kahit na may dalawang palapag ito at dalawang kwarto sa itaas, tamang tama lamang para sa akin.

Tinapos ko na ang pagkain ko at niligpit ang pinagkainan ko. Pagkapunta kong living room umupo lang ako at nag laptop, wala naman akong gagawin ngayon dahil wala namang pasok, nakapag general cleaning nadin ako kahapon kahit friday, half-day lang kase, wala din naman akong ibang makakausap dahil mag isa lang naman ako, kapag lumabas ako malamang pagchichismisan lang ako at maiinis lang sa mga kapitbahay ko, kesyo kawawa daw ako kase wala na akong nanay, kesyo swerte daw ako kase banyaga ang tatay ko at sinusustentuhan ako kahit papaano, kesyo Sampid lang daw ako, alam ko namang bunga lang ako ng isang malaking pagkakamali, Tanggap ko naman, matagal ko nang tanggap ano pa bang magagawa ko eto nako eh oh, kaso ang akin lang kelangan talagang ipamukha? Mga punyeta, imbis na buhay nila ang pag laanan ng pansin yung sa iba pa. Psh.

Nag-youtube lang ako at naghanap ng nga indemand na kanta these days, i need those for my job later, while browsing my phone beeped and received a text from my boss.

From: Mr.Manalo(work)

Ms.Collins, i need to talk to you later so you need to be here earlier before your call time.

To: Mr.Manalo(work)

Okay sir, i'll be there atleast one hour before.

I pressed the send button and lay down on the sofa. What about work now? Hay kelangan 6pm nandun nako. Okay lang maaga pa naman, nagreply naman si boss at sinabing 'see you' daw, di nako nagreply baka isipin pa nun textmate na kami. Damn, thats gross, a 50yearold textmate!

Katulad ng nakasanayan, mabalis dumaan ang oras its 5 in the afternoon already so i need to get ready for tonight, maaga naman akong naligo kanina but i decided to take a half bathe, para fresh ulit sa pakiramdam.

Lumabas nako ng bahay at naglakad palabas ng townhouse pumara ako ng taxi at nagpahatid sa BGC, taguig lang naman ako so medyo malapit lang. Sinilip ko ang relo ko, 5:37 palang mapapaaga ata ako bumaba ako ng 28th st. Lalakadin ko nalang papuntang 30th st. Patama lang sa oras.

Madaming nagjo-jogging dito sa BGC kapag pagabi na maaliwalas kasi dito kahit ako nagjo-jogging pag may time ako. Pero bat ganon, ang weird ata makatingin ng mga taong to, may dumi kaya ako sa mukha? Mag adik, pinagsawalang bahala ko na lamang iyon. Naglalakad ako nang may tumawag sa phone ko.

Jessy(work) Calling..

Eh?

"What?" sagot ko.

[Ay antaray! Anyway are you on your way na girl?]

"Yes, malapit nako." Natatanaw ko na mula rito yung building ng pinagtatrabahuhan ko.

[Okay just checking lang girl, ah ano eh si ano nandito--]

"Ano? Sino? Ano ka ng ano jan" ano ba tong babaeng to ano ng ano sino ba yung tinutukoy neto.

[Eh si ano si Grey daw nandito hinahanap ka--]

"Ah,okay,bye." Di ko na sya pinatapos at binaba ko na ang phone ko, ano na naman kayang naisipan ng lalaking yun at hinahanap ako? Istorbo na naman may meeting pa kami ni boss eh. Tumawid ako ng pedestrian lane nakasalubong ko si Manong guard, binati niya ako at tinanguhan ko lang sya, habang pinagbubuksan ako ng pinto.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 01, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You Lost MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon