Chapter 6

1.1K 63 25
                                    

Two weeks na ang nakakalipas simula nung barilan and Starbucks moments ko pero ramdam na ramdam ko pa rin ang tagumpay. Mas masarap sa feeling na nagagawa mo ang isang bagay na hindi planado, mas may thrill. Napapailing at natatawa ako ng bongga tuwing naalala ko yung pang-Olympics kong takbo papalayo kay God of war. Yun ang tinatawag na buwis buhay!

Moving on, Monday na naman at may pasok na naman. New day. New phone. New clothes. New shoes. In short, new me! Naalala ko yung reaction ko yung nakita ko yung sarili ko sa harap ng salamin ng bahay namin.

“Grabe! Ako ba ‘to? Calvin, anong magic ginawa sa akin ni Candy?” Sabi ko habang hinahawak-hawakan ko pa yung mukha ko. Hindi naman ako totally nagmake-over pero alam ko na ibig sabihin ng fashion.

“Hindi ikaw yan ate, konsensya mo yan.” Sagot ni Calvin, pangit talaga nito.

“Epal mo. Wait, may sasabihin akong importante.”

“Ano yun?”

"Ang ganda ko, ako ba ‘to? Mag-artista na lang kaya ako? Ditch ko na kaya yung office peg ko?”

“Ate Candince, advice lang ‘no? Gumising ka na dyan sa ilusyon mo, male-late na sila Caleb pati Candy.”

“Kuya, ang sama mo kay Ate Candice! Ate, maganda ka talaga kahit dati pa, yung damit lang talaga yung nagpatalo. Natabunan yung ganda mo dahil sa wrong taste mo sa fashion.”

“Si Candy lang talaga kapatid ko rito. Huhu. Magkano kailangan mo?”

“P50 lang po Ate.” Kumuha ako ng singkwenta at binigyan ko ang paborito kong kapatid. Hahahaha. Biased masyado.

“Ate? Ate Candice? Ikaw ba yan? Akala ko si Keira Knightley.”

“Oh Caleb, ikaw magkano kailangan mo?”

“P100, Ate. Pang-date ko lang.”

“Ito oh, umayos ka ah? Pinapayagan kitang jumowa pero ‘wag mong buntisin. Sapak abot mo sa’kin.”

“Love you, Ate!” Sabay na sabi ni Caleb pati ni Candy.

“Ate, kamukha mo si---”

“Alam ko Calvin, male-late na kami. Sige, bye.” Hahahaha! Tawang-tawa ako sa itsura ni Calvin nung binara ko siya, yan kasi ayaw maki-ride sa trip ko wala tuloy siyang dagdag baon. Alam ko naman nagbobolahan kami pero kasi masarap lang sa feeling.

Ngayon kasalukuyan akong papasok sa building, kung ako hanggang ngayon hindi makapaniwala na may ganda akong ganito, yung mga katrabaho ko hindi makapaniwala na ako si Candice. Pasimpleng magpababa ng self-esteem talaga mga tao rito pero okay lang kasi nga gandang ganda ako sa sarili ko. Sorry, but I really admire my appearance today. Ganda ko talaga, magsawa na yung iba pero wala akong pake kasi ang ganda ganda ko talaga!

Two weeks na akong Diyosa sa paningin ng lahat pero two weeks na rin akong kinakain ng bago kong phone. Nangangain ng Dyosang tanga yung phone ko. Nasanay kasi ako sa keypad at hindi qwerty kaya medyo puro fingerprints ko na itong touchscreen kong phone, medyo madiin akong pumindot.

“Good morning Ma’am!” Bati sa akin ni Manong operator ng elevator.

“Good morning din po Manong,” sagot ko with a smile. Kung dati poker face ako, ngayon smiling face na kasi ganoon ang mga Dyosa, shine-share ang kagandahan nila.

Siyempre mahilig din naman magbiro ang mga Dyosa, kasi sa totoo lang dala-dala ko pa rin yung mataray at super professional kong attitude. Ayoko ngang i-share lalo na doon sa mga bashers ko, mahawa pa sila, si Manong lang talaga nginingitian ako.

“Ayos yang bagong phone mo ah? Mas techie.”

“Oo nga eh pero parang nangangain ng tanga. Hirap pa rin ako, masyadong sensitive.”

My Childish Bucket List [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon