"Wow. Sila na pala talaga."
"I can't believe it."
"They'll be the campus couple this year."
"Gano na kaya sila katagal?"
Yan lang ang ilan sa mga naririnig ko sa mga nakakasalubong namin ni Adrian. Eto naman kasing si Adrian ayaw bitawan kamay ko. Kinacareer ang pagiging mag syota. Magpinsan ho kami no!. Tsk. Naglalakad na kasi kami papuntang cafeteria para mag lunch. Nauuna samin maglakad ang barkada kaya nandito kami sa likod. Hindi naman kami pinapansin ng mga yon kaya nandito lang kami sa likod na tahimik.
"Yan." tawag pansin ko. Kaya ganyan tawag ko sakanya kasi mahaba pag tinawag ko pa siyang Adrian kaya YAN na lang, galing din naman yon sa pangalan niya. Ad-Ri-Yan. XD
Lumingon naman siya sakin. "Hmmm?"
"Pano pag nalaman nila?" tanong ko sa kanya. Bakit kasi sinabi pa niya yon? Pano kung magalit sila pag nalaman nila ang totoo. Ngumiti naman siya.
"Wag kang mag alala baby. Ako ng bahala dun okay?" sabi niya habang nakangiti. Sanay na naman akong matawag na baby dahil ever since yan na talaga ang tawag niya sakin. "Nga pala." sabi niya. Napatingin naman ako sakanya. "Ayos ka na ba?" Tanong niya.
Tumango ako. "The chocolate helped. Nawala sa isip ko yung picture ng kinain ko na yung chocolate na bigay mo." sabi ko saka ngumiti ng matamis sa kanya. "That's good then." sabi niya. "Ano nga palang gusto mong lunch?" dagdag niya.
"Ahmmm. Beef Steak?" sagot ko. "Okay then. Treat ko." sabi niya at kumindat. "Himala ah? Ba't ka manlilibre?" nangingiti kong sabi. Umiling lang siya habang nakangiti. "Ala? Bahala ka nga." sabi ko habang natawa. "Dahil libre mo. Bili mo din akong siomai at ice cream." sabi ko. Tumango naman siya. Weird. Hindi manlang nagreklamo? Ey, pabayaan na nga at least naka libre pa ako.
Nakarating kami at pinaupo niya agad ako dun sa table kasama ang barkada. "Hintay lang baby. Ako na bibili sayo." sabi niya at umalis na. "Hanep talaga kayo." sabi ni Jon. "Tumahimik ka nga." sabi ko at bumulong "Kung umaamin ka na kay Deys edi ayos pa." sabi ko. Pagtingin ko sa mukha niya para siyang gulat na gulat.
"Pano mo nalaman?" takang tanong niya. "Magaling kasi ako." sabi ko. "Wag mo nga akong lokohin. Pano nga?" tanong ulit niya. "Halata naman kaya." sagot ko. "Weh?" hindi makapaniwalang tanong niya. "Baka nga siguro alam na din niya, pero, kung manhid siya edi hindi." sabi ko. Nag gesture ako sa kanya na lumapit siya. "May gusto din sayo yun. Halata ko din." bulong ko sa kanya. Napangiti naman siya. "HOY! Ano yan ha? Sarah may boyfriend ka na lapit ka pa ng lapit dyan kay Jon." Inis na sabi ni Deys na nasa unahan namin. Liningon ko si Jon at kinindatan. Hahahaha. Nako! Pahalata si Deys. Sana magkatuluyan sila. HAHAHA XD
"Here." abot ni Adrian sakin ng pagkain ko pagkadating niya. Ang seating arrangment namin ay
Louis Deyla Jaret
|T A B L E|
Adrian Ako Jon
We started eating in peace hanggang sa makita kong pasulyap sulyap si Jon kay Deys. Pano naman kasi si Deys at Jaret nagkukulitan. Mukhang kinikiliti ni Jaret si Deys. OOPPSS! Yan kasi ang bagal ni Jon. Kasalanan niya yan. Hindi ko siya tutulungan dumiskarte. Sineswerte na siya.
Kakausapin ko sana si Adrian ng magtanong si Louis.
"Hoy. Lovebirds. Kailan pa kayo?" tanong nito at nasamid ako dahil don. Pinat naman ni Adrian ang likod tsaka inabutan ng tubig. Ininom ko naman yon. Adrian glared at him. "Woaah. Chill dude." sabi ni Louis. Pinalo ko naman sa hita si Adrian. "Ayos na ko." sabi ko saka ulit kumain. "Huy sagutin niyo tanong ko." sabi ni Louis. "5 months." sabi ni Adrian. "WHAT?" sigaw ni Louis at talagang napatayo pa siya. "Yep." sagot ni Adrian. "How come? Ang galing nyo namang magtago." sabi ni Louis. "Kami pa ba?" mayabang na sagot naman ni Adrian. Tsk yabang.
