Chapter 1

125 0 0
                                    

" S-sabi mo h-hindi m-mo ko iiwanan, d-diba p-promise mo y-yun "

Ayan nakarinig na naman ako ng iyak ng isang babae. Babaeng niloko at sinaktan lang ng kanyang kasintahan.

" Ayoko na nga sayo!! Bakit ba hindi mo maintindihan!! Hindi naman mahirap intindihin yun ah AYOKO NA SAYO!!" sigaw naman nung lalaki

Nagwalk out yung lalaki at naiwang mag isa yung babae.. Hayy ayoko talaga salahat eh yung nakakakita ako ng babaeng umiiyak eh. Bumaba ako sa punong kanina ko pa inuupuan habang nanunuod ng mala-teleseyeng story nitong dalawa.

Medyo nagulat yung babae kaya napatingin sya sakin habang umiiyak, lumapit ako sakanya at nag-abot ng panyo.

" Oh ayan, tanggapin mo. Wag ka ng umiyak hindi naman sya kawalan eh, maganda ka kaya di ka mauubusan ng lalaking magmamahal sayo, just wait for the right time " sabi ko at humakbang palayo ng tawagin nya ko

" W-wait a-anong pangalan m-mo ? " tanong nya

" None of your business" sabi ko habang di naka tingin at tuluyan na Kong umalis.

I'm Alexandria Perez but just call me Alex. I'm a lesbian and I'm proud of it. I hate seeing girls crying kase ayokong makita ang sarili ko sa sitwasyon nila sa panloloko ng kanilang mga kasintahan. Dating nagmahal, umibig Dating tanga sa pag-ibig at Dating naloko ng isang lalaki. Kaya nga naging ganto ako dahil sa pangyayaring yun. Now and forever I hate Boys.

Pumasok na ko sa classroom namin at naupo sa aking upuan, wala pa ang teacher namin kaya makakatulog pa ko.

" San ka galing , kanina pa kita hinahanap babae ka!!" Umaarangkada na naman ang boses nya

She is my Best Friend. She is a girl. Her name is Sophia Bautista.

Tinawag na naman nya kong babae arrghhhh.. Hanggang ngayon hindi nya alam na lesbian ako, masyadong manhid kase ang best friend Kong yan. Sa bagay muka pa naman akong babae e. Long black hair pa rin kase ako pero always nakatali ng ponytail.

Maraming nagsasabi saknya na lesbian ako pero di sya naniniwla , hanggat di daw mismo nanggagaling sakin yun di parin sya maniniwla.

Hindi ko na nasagot ang tanong nya dahil biglang pumasok ang teacher namin kaya bumalik na sya sa upuan nya sa unahan, third row kase ako nakaupo eh.

~×~×~×~×~×~×~×~×~×~×~×~×~

Third person's POV

Sa isang lugar namatatawag mong paraiso sa sobrang ganda ay may isang kaluluwang nagmamakaawang payagan at papasukin na sya sa malaking gate kung saan pinto para sa mga patungo sa kabilang Mundo.

" Pero bakit ayaw nyo po akong patawirin sa kabilang mundo.?" Pagtataka ng isang kaluluwa

" Dahil ikaw ay may misyon pang gagawin sa mundong ibabaw" sagot ng nagbabantay sa malaking gate, San Pedro

" Pero patay na po ako. Isa na lamang akong hamak na kaluluwa "

" Ika'y mabubuhay muli at babalik sa mundo ng tao, ang iyong pangalan ay wala pa saaking listahan "

" Ano po ba yung misyon ko ? Hindi po ba pwedeng sa iba nyo nalang po iyon ipagawa, nais ko na pong magpahinga" sabi ng makulit na kaluluwa

" Ngunit ito'y hindi maaari, Ang misyon na iyon ay nakatakda para lamang saiyo "

Nagtataka magpahanggang ngayon ang kaluluwa kung bakit sya ang nabigyan ng isang misyon at pinayagang mabuhay muli sa mundo ng mga tao sa mundong ibabaw.

Malaking palaisipan parin ang kanyang misyon na gagawin, sa totoo lang eh ayaw nya na talagang bumalik sa pagiging buhay na tao dahil wala na rin naman syang babalikan dun sa mundong ibabaw dahil ang kanyang ina ay namatay na at wala naman syang tatay dahil hindi nya iyon kilala.

Ano nga ba talaga ang kanyang misyon sa mundong ibabaw?

---------------

New story. One shot.

My Annoying Guardian (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon