Chapter 2

52 1 0
                                    


Alex's POV

Umaga na at papunta na ako ng school.

Ng makarating ako sa gate ng school kaagad sumalubong sakin ang tumatakbong si Sophia.

" Whoo!!! A-alex *inhale exhale* m-may b-bago *inhale exhale* t-tayong classmate " sabi nga habang humihingal pa dahil sa pagtakbo.

" Oh ano naman?!" Sabi ko

Huminga sya at mukang Okay na naman sya dahil hindi na sya masyadong hingal.

" Ang gwapo nya kyahhhh!!!!! " sabi nya sabay tili at with matching yugyog pa sa balikat ko.

" pano mo alam eh hindi pa naman pinapakilala satin nila Sir ?"

" Nakita ko sya sa Dean office kanina nung napadaan ako dun .... Ang gwapo talaga nya. "

Tsk. Baka pagnakita ko yun eh mas gwapo pa ko dun.. Hayyy ang hilig sa pogi ni Sophia.

" Tara na nga! Hindi ako interisado dyan!" Sabi ko at niyaya na si Sophia papasok sa classroom namin.

Nang makapasok kami sa classroom agad namang nagbell at kasunod nun ang pag pasok ni Sir Chavez at isang lalaki.

" Good morning Students " bati nya

" Good morning Sir Chavez " we said

" Today. May bago kayong classmate , Mr. Rodriguez please introduce yourself " sabi ni Sir Chavez dun sa katabi nya.

" Hello Good morning new classmates, I'm JM Rodriguez, nice meeting you all " sabi nya samin

Tiningnan ko si Sophia at sa pinapakita nyang emotion ngayon sobrang kilig na kilig sya sa Lalaking nag ngangalang JM Rodriguez.

" San mo gustong umupo Mr. Rodriguez?" Tanong ni Sir Chavez saknya

" Sa tabi po nun oh" Sabay turo kung saan ako nakaupo.

Tumungin ako sa likod baka di ako yung tinuturo nun pero walang nasa likod ko dahil absent ang nakaupo dun.

" Okay. Seat beside Ms. Perez " sabi ni Sir Chavez

Ako nga ang tinuturo nun. Tsk bakit naman sa dinami dami namin dito sakin pa gustong tumabi nito , tsk bangasan ko yun eh wag nyang sabihing gwapo nya which is totoo naman.

Umupo na sya sa katabi kong upuan.

"Hello " sabi nya pero hindi ko sya nilingon at kinausap

" ayy. Snobber " sabi nya pa, eh ano naman tsk.

Nagturo na si Sir Chavez sa harap at itong katabi ko ang feeling close tuloy pa rin sya sa kakausap sakin kahit hindi ko sya nililingon at tumutugon sa mga sinasabi nya sakin kanina pa.

Hanggang sa mag uwian. Magkasama kami ni Sophia dahil ihahatid ko sya sakanila. At sa hindi inaasahang pagkakataon biglang sumulpot si JM at sinabing sasabay sya samin dahil malapit lang naman ang bahay nya sa bahay ko.

Hindi ako pumayag pero itong kasama Kong si Sophia pumayag. Kaya ngayon kasabay namin sya. Sa buong paglalakad namin silang dalawa lang ang nag uusap hindi ako sumasabay dahil ayoko. Super close na nga silang dalawa eh kahit kakakilala pa lang nila ngayon.

Nakarating na kami sa bahay nila Sophia at nagpaalam na rin agad sinubukan Kong takasan si JM dahil ayoko syang kasabay pero Hindi ako nagtagumpay dahil nasundan nya ko agad. Ang kulit nya at ang ingay.

Sa wakas nakarating na din ako sa bahay namin agad akong pumasok saloob , narinig ko pang nagpaalam si JM pero di ko na sya pinansin pa.

Lumipas pa ang mga araw, grabe padin ang pangungulit ni JM , ewan ko lang ah ako yata ang trip nito eh. Trip nyang asarin at kulit kulitin sa kung ano anong bagay. Lagi na rin syang sumabay sa lunch namin at pag may mga activities at assignments lagi syang sumasabay samin sa paggawa at hanggang sa pag uwi namin lagi din nyang nakabuntot.Sa lahat ng bagay na gagawin ko lagi syang nandito at aakalain mong pulis sya at binabantayan ako na parang preso.

Hanggang dumating ang araw na isang linggong di nakapasok si Sophia dahil umuwi sila ng probinsya at may inaasikaso. Kahit na wala si Sophia lagi pa rin nandyan si JM at lagi paring naninira ng bawat araw ko.
Isang araw sabay na naman kming umuwi dahil sumabay sya sakin, umuulan nung mga oras na yun.

" Masaya pala mabuhay muli noh! Akala ko nun magiging miserable lang ulit ang buhay ko pagnabuhay ako nun hahaha... Ang saya ko dahil nakilala ko kayo ni Sophia pero mas masaya ako na ikaw ang binigay na mission sakin. " Aniya.

" anong sabi mo? Mabuhay muli? Masaya? Hahaha nagpapatawa ka ba? Kung ikaw masaya dahil nakilala mo kami ng bff ko pwes ako hindi. Naiinis ako nalagi kang nandyan at nakakap*tangin* na nakilala pa kita. alam mo bwiset na bwiset na ako sayo, punong puno na ko sa pag agaw mo ng oras ko para Kay Sophia.Hindi na ko natutuwa syo." Bulalas ko.

" alam ko namang naiinis ka sakin eh pero kailangan Kong mabago ka dahil iyon ang misyon ko dito "

" misyon mong mabago mo ko? Nababaliw kana ba ha?! Hindi na ko magbabago pa kaya manahimik ka na lang at wag mo na kming guluhin lalo na ako , wag mo ng guluhin ang buhay ko!!" Sigaw ko at lumakad pero hinawakan nya ko sa braso

Kadiri ang eksenang ito nagmamalateleserya na to.

" I'm your Guardian Angel. Binuhay nya ko ulit para ibalik ka sa dating ikaw. Dating si Alex na mabait,masayahin,matulungin,magalang,maayos at babaeng babae. " sabi nya pa

" Nakadrugs ka ba ? Anong pinagsasabi mo? Ikaw Guardian Angel ko? Hahaha no way! Stop talking f*cking bullshit lies JM. " sabi ko saknya.

" Ayaw mo man maniwala pero nagsasabi ako ng totoo, masama at labag sa kalooban ni God ang pagpapalit mo ng saliri mo. Nilikha ka nyang babae at hindi lalaki. Dahil lang sa lalaking nanakit syo pinili mo na maging ganyan ka, it's wrong. Very wrong Alex! "

" I don't care. Wag mo na Kong pakialaman kung ano ako ngayon. Eto na ko at hindi na ko magbabago pa. Kaya get lost wala kang mapapala sa mga ginagawa mo at pwede ba layuan mo na din Si Sophia. " sabi ko at umalis na ng tuluyan.

Nagmamadali akong umuwi samin ang weird nya. Siguro nakadrugs yun kaya ganun yun. Baliw. Kung ano ano pinagsasabi. The hell I care?! Tsk. Wlaa lang syang magawa kaya ako ang pinagtitripan nya. Wag na syang umasa na magbabago ako dahil masasaktan lang sya dahil umasa sya Hindi mangyayare.

My Annoying Guardian (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon