Hey Bhest, Mahal na ata Kita! (One-Shot)

1.8K 29 10
                                    

Hey Bhest, Mahal na ata kita! (One-shot)

Copyright 2013 MissJerseyNumber17 All Rights Reserved

Lahat po ng pangyayari sa istoryang ito ay kathang isip lamang at walang katotohanan. Lahat po ng may pagkakaparehong pangyayari sa totong buhay ay walang kinalaman sa author o sa istoryang ito.

 

"Hey Bhest.."

 

*DUG.DUG.DUG.DUG.*

 

"ano na naman ba?!"

 

"Sino ba kasing crush mo?"

 

"Eh ano ba naman kasi sayo kung sino yung crush ko?"

 

"Dali na kasi. Daya mo naman. Bestfriend mo ko pero ayaw mong sabihin.."

 

"Basta. Wag na kasi makulit.."

 

"Dali na kasi.."

 

"Fine. Ikaw ang crush ko? Happy?"

 

 

***

"Hey Bhest.."

*DUG.DUG.DUG"

Ano ba yan! Boses mo palang alam ko ng ikaw yan bhest..

Pwede kayang alisin yung word na bhest sa ating dalawa? Hays.

"Bakit?" Tanong ko sayo na patay-malisya. Lumapit ka sakin at inakbayan mo ko.

"*DUG.DUG.DUG.DUG.*

"Gusto ko magkasama tayo sa lahat ng rides.." sabi mo ng ngiting-ngiti. Bhest bahit ganyan? Bakit parang wala lang sayo yung pag-amin ko na crush kita? Hays.

Itinulak kita ng mahina para mawala ang pag-kakaakbay mo sakin.

“wag ka ngang lumapit sakin.." di ako makahinga gawa mo..

Totoo. Nagkakaroon ako ng problema sa paghinga gawa mo. Sa tuwing lumalapit ka sakin, pakiramdam ko kakawala ang puso ko sa katawan ko. Bakit ganyan ka bhest?

"ah basta. Gusto ko magkasama tayo maghapon.." sabi mo tapos hinila mo na ako.

Wala na kong nagawa kasi nga.. bestfriend kita..

Maghapon tayong magksama habang iniikot natin yung buong amusement park na yun. Sabi mo pa nga, sasakyan natin lahat ng rides.May times pa nga na pag sumasakay tayo sa mga nakakatakot na rides, napapahawak talaga ako sa braso mo. bhest, manhid ka ba? Bakit kahit gaano tayo kalapit sa isa't-isa di mo marinig ang sigaw ng puso ko? ay OA. Crush nga lang pala kita.

Hey Bhest, Mahal na ata Kita! (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon