Author's Note:
After a long time naisipan ko rin dugtungan ito. Hahaha. Salamat sa 385 reads at 11 votes. Di ko in-expect. Promise! Love you all~Ella's POV
Nagulat naman ako dun sa revelation ni Emman na mahal daw nya ko. Ambilis. Hahahaha. Anyway, di ko sya masisisi gondo ko kaya~ /le flip hair
"Teh, nasan na ba si boyfriend mo? Antagal na natin dito ah. Ang init init." hay Miles kahit kelan ka talaga.
"Baka naman nasa parlor pa yan ah. Hahahaha. Di ko talaga makakalimutan ung parlor parlor mo nun teh. Kabog e. Pak!" si Mich. Oo nga no? Hahaha. San ko ba napulot ung parlor na yun? Pag bakla nasa parlor agad? Bawal mag-aral? Ganern?
"Wag nga kayo dyan. Palibhasa walang nanliligaw sa inyong dalawa e." Nanliligaw pa rin naman si Emman sakin, I mean ayoko namang madaliin ang lahat. Oo I have a crush on him. Pero maaga pa para magkaboyfriend ako. Sila Miles at Mich lang naman ang atat na magkaron ako ng boyfriend e. Ang supportive lang. Alam nyo yun? Nakakaproud. /sarcastic mode activated
"Hay nako teh, antagal na talaga. Di ko na talaga matake ang init. Tara na nga Mich. Iwan na natin tong bruhildang to. Hanap tayo ng kaforever dun sa may mall dyan sa malapit. Tara na't rumampa." Miles talaga kahit kelan. Bahala nga sila. Di ko naman sila pinilit na samahan ako. Sadyang nagpumilit lang sila. Hahahaha. Mga mahaharot! Chos.
Well, nasan na nga ba talaga si Emman. Yang lalaking yan e. Nga pala, for your information na rin, 4 months na syang nanliligaw sakin. Di ko nga alam kung naiinip na sya or what e. Pero pag magkasama naman kami di nawawala ung kasweetan nya. Minsan nga nung magkasama kami binitbit nya ung bag ko. Tapos hinawakan nya yung kamay ko. Ako bilang isang mataray na nilalang kinilig. Ano? Pag mataray bawal na kiligin? Utut nyo. Hahahaha. XD
Pero, seriously, nasan na talaga yung asungot na un? Hmmmm....
Miles' POV
So ayun nga iniwan namin si Ella dun sa ilalim nang mainit na araw. Dyusko. Sa lahat ba naman ng paghihintayan namin dun pa talaga sya napili. Ang witty lang ni friend. Hahahaha.
So eto ang drama namin ngayon ni Mich. Nasa mall kami ngayon at imimeet namin si Emman. Ang dami kasing alam nung lalaking yun e. Di naman witty gaya ni friend. Hahahaha. Chos.
"Teh, ayun ang bida oh? Kaloka! Ano ba kasi gagawin natin at kailangan talaga ang participation nating dalawa? Magpapakulot pa kaya ako." Mich. Magpapakulot e kulot na sya. Para talagang ewan tong babaeng to. Sarap unatin ng buhok! Sakit sa bangs kong pinilit. Huh?! ﹋o﹋
"Tara na nga. Baka unatin ko yang buhok mo nang di oras."
Habang naglalakad kami ni Mich, may nakita kaming stall ng ice cream. Eh bilang dakilang sugapa sa ice cream, dinaanan lang namin sya. Huhuhuhu. Babalikan kita baby mamaya. Promise ko yan. ~T_T~
Abala kasi si Emman e. Kung di lang nya kami inabala edi sana lumalafang na ko ng ice cream. Sarap kurutin nang matindi.
"Hoy! Bakit mo ba kami kailangan? Ano gagawin namin? Si Ella nasa ilalim ng sikat ng araw. Ano na? Uy! Magsalita ka kaya. Uy! Uy! Emman! EMMAAAAAN!!!"
"TEH! Anyare sayo? Maghunus dili ka nga. Di naman si Emman yan e. Ayun oh!" Turo nya dun sa bilihan ng teddy bear. Eh sino pala ung kinakalabit ko't sinigawan? Nako! Horror.
"Ahmm. Kuya, sorry ha. Kala ko kasi ikaw ung hinahanap ko e. Sorry okay. Eto nga pala number ko. Call me." ;) Ang gwapo kasi e. Di ko napigilan. Pag tingin ko kay Mich ganto ba naman ang itsura e. Sarap tampalin sa brain.
BINABASA MO ANG
Mr. Sungit and Ms. Taray
RomanceIsang kwento ng pagbabangayan ng isang MASUNGIT na lalaki at MATARAY na babae na mauuwi sa pagmamahalan??? Basahin at alamin kung paano ito nangyari!!!