Chapter 1

23 0 0
                                    

"Rose, bilisan mo diyan. Maglilinis ka pa dito" rinig kong tawag ni lola sakin.
"Opo la"  sagot ko at tinapos ko na ang pagse-selfon ko.

Bumaba na ako at naglinis sa likuran ng bahay namin kasi Oktobre na at maghe-held kasi si lola ng isang novena kasi rosary month at yun ang nakasanayan namin.
"Pssst" may sumitsit, nagpalinga-linga ako at nakita ko si Tobel, ang aking kaibigan.
"O, bakit?"
"Pupuntahan kita mamaya ah, sabay tayo"
"Ge, basta agahan mo ah"

Pagsapit ng gabi ay katulad nga ng sinabi ni Tobel ay inagahan niya ang pagpunta sa amin. Dun siya dumaan sa bahay namin. Sa likuran kasi ng bahay namin ay bakuran at pwede din dadaan dun para sa isang bahay at dun gaganapin ang novena. Sa isang bahay naman ay may gate kaya dun dumadaan ang ibang tao.
Umupo n kami kasi malapit na magsimula. Nagtingin-tingin lang ako sa mga tao pero may kumuha ng atensyon ko. Isang lalaki na nakasuot ng green tshirt. May itsura yung lalaki kaya hindi ko maiwasan na magkacrush sa kanya.
"Hoy! Ano tinitingin-tingin mo diyan" tawag pansin sakin ni Tobel
"Wala, si Monica tinitignan ko" sabi ko. Si Monica kasi katabi nung lalaki at kaibigan ko naman si Monica kaya pwede maging alibi.
"Asus. Si Monica nga ba? O....yung katabi niya?" At bago pa ako makasagot ay dinugtungan niya pa, "si Raul tinitignan mo noh? Hala ka" bigla naman akong napasimangot sa sinabi niya. Kapatid ni Monica si Raul, kuya specifically. Pero juicecolored, hindi naman sa nanglalait o ang sama-sama ko pero kasi yang si Raul ang tanda'2 na, siguro malapit na mag 30 pero hindi lang halata. Hindi siya baby-faced jusko ok lang sana kung yun pero hindi eh. Si Raul kasi napaka liit para sa edad nya halos magkasing tangkad lang kami (ni hindi nga ako umabot PA sa 5ft) tapos maitim, tapos ang laki ng mata jusko. Pasensya na, hindi ako nanglalait ah.
"jusko Tobel kilabutan ka nga sa pinagsasabi mo diyan"
"Haha joke lang Rose, siguro yung naka-green noh?"
Pero bago pa ako makasagot ay nagsimula na yung novena kaya hindi ko na nasagutan yung tanong ni Tobel.

Pagkatapos kong kumain (may pa snaks kasi si lola pagkatapos ng novena) ay pumunta ako sa gate ng bahay at nagtingin lang sa mga batang naglalaro ng volleyball (may nagdala kasi ng bola)
"Rose!" may narinig akong tumawag sakin at pagtingin ko ay si Monica pala
"O, Monica kamusta?"
"Okay lang maganda pa rin"
"Ang tangkad mo na. Pahinging height nga" natatawang sabi ko. Paano naman kasi ang tangkad talaga niya (pero bakit si Raul hindi) eh pareho lang naman kami
"Hindi pwede, binibili ito haha"  at bumelat pa talaga
"Ang sama mo"
"Ay oo nga pala, muntik ko nang makalimutan. Pahingi ng number mo Rose"
"Bakit?"
"Wala lang at may nagpapasabi nga pala ng 'hi' sayo"
"Ha? Sino?" Gulat na tanong ko
"Si Peter"
"Sinong Peter?" Takang tanong ko
"Yung nakagreen na katabi ko kanina sa novena."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 23, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pusong litoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon