Sana Sumaya Ka

119 4 0
                                    

Malamig ang simoy ng hangin, 

Ang araw ay papalubog na. 

Masarap sa pakiramdam ang temperatura, 

Masarap magmuni-muni. 

Habang ako'y naglalakad kasama ang mabigat na pakiramdam dahil sa nangyari kanina lang; napansin kong may nakakatitig sakin, sabi nila mapapalingon ka sa isang tao kung siya ay tumititig sayo. Ngunit sa lahat ng aking pagtatanto napatunayan kong totoo ito. 

"Bakit malungkot ka?" Sabi niya ng may halong pag-aalala. 

Hindi ko inasahan ang aking mga narinig mula sa kanya kaya pinagpatuloy ko na lang ang aking paglalakad, ngunit mas hindi ko inasahan ang sumunod na pangyayari matapos niyang sabihing 

"Hindi bagay sayo ang malungkot, bakit ba kasi anong nangyari?"

Mula sa aking katahimikan nabasag ito dahil sa kanyang tanong, lumingon ako sakanya at sinabing 

"Ha? Wala, hindi mo na kailangang malaman."

Tumingin ako sa ibaba at inaalalayan ang mga luhang kaninang pang gustong kumawala. Habang ako'y nakatingin sa ibaba naramdaman ko ang init ng kaniyang mga bisig, nabigla ako dahil hindi ko lahat inaasahan na manggagaling sakanya ang mga iyon, pero sa mga pagkakataong ito nakaramdam ako ng pagmamahal, pagmamahal na kusang loob ibinibigay hindi obligasyon para lang maipakita ito. Lalong tumatagal pagyakap niya sakin, siya rin naman ang aking mga luha ay mistulang nagsusumamong tumakas na sa mga matang pilit na pinapakitang masaya. 

"Ssh. Kahit hindi mo sabihin, maiintindihan kita. Andito lang ako."

Napahinto ako, napahinto rin ang aking mundo. Sa mga bawat katagang kaniyang binanggit, nararamdaman kong gusto niyang ipaalam sakin na hindi ako nag-iisa, na mayroon akong masasandalan sa mga lungkot na dinadanas ko, at higit sa lahat na mayroong tao na nakakaintindi sa bawat kamalian na nagagawa ko. Tumingin ako sa mga mata niya, nakita ko ang mga pag-asa na mababalik ang mga lahat ng ala-ala, pero hindi ala-ala naming dalawa kundi ala-ala ng bagong nagmamay-ari ng puso niya, kaya hindi ko na napigilang lumuha. 

"Bakit mo ginagawa to?" tanong ko, 

"Kasi mahal kita. Mahal kita dahil ikaw ang taong alam kong pag-ako nagkaganyan, ganito rin ang gagawin mo, dadamayan mo ako at ipapadamang hindi ako nag-iisa, panalangin ko nga sa may kapal na sana'y ganito na lang tayo, hindi na magbabago, matalik pa ring magkaibgan hanggang sa huli, walang iwanan."

Pagkatapos niyang magsalita halos madurog na ang aking puso, hindi ako makagalaw sa kinakatayuan ko, hindi ko alam kung anong nais kong maramdaman. Talaga bang hanggang doon lang ang kaya mong ibigay? Hindi na ba pwedeng ibigay ang nararapat na kapalit sa nararamdaman ko? Oo nga pala, sino ba ako para sayo? Kung alam mo lang kung gaano kong kagustong mapasayo at iparamdam na mas higit pa sa magkaibigan ang nais ko. Pilit akong ngumiti, ngiting makikita sa mga labi pero sa mata'y mistulang umiiyak ng dugo sa sobrang sakit ng nararamdaman. 

"Maraming salamat, pero gusto kong mapag-isa." 

Sabi ko sabay tumalikod at naglakad, humikbi ako ng mahina dahil hindi ko na kinakaya ang atmospera, hindi ko na kayang saktan ang sarili ko. Pero sa bawat hakbang ko, umaasang susundan niya ako kahit alam kong imposible ito,

 kahit konti lang umaasa ako.

 Isang hakbang...


dalawang hakbang...


Sana Sumaya Ka (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon