Ch. 01 - Meet him.

32 1 0
                                    

Ch. 01 - Meet him.

Wang-wang..

Tunog ng ambulansya? O police car?

HINDI.

Nickname ko yan.

Rexona..

Gamit ko?

HINDI.

Pangalan ko yan.

Rolon..

Hindi ROLL-ON ah!

Surname ko yan.

At oo, ako nga si Rexona Rolon.

Wang-wang for short. Mas gusto ko kasi ang Wang-wang ke'sa sa Rexona Rolon.

Oh diba parang rexona na roll-on lang?

Dati nga tinanong ko si mama kung bakit Rexona ang pangalan ko..

At eto ang isinagot niya..

"Rexona kasi gusto namin na YOU WON'T LET US DOWN anak!"

Oh diba? Rexona na Rexona ang dating!

"Wang-wang! Hali ka nga dito!" Sigaw ni Miguel. Anak ng kapatid ni mama. Pinsan ko.

"Bakit po?" Sigaw ko pabalik.

"Basta! Bilisan mo!" Nang sinabi yun ni Miguel, bumaba na agad ako. Nasa kwarto kasi ako kanina.

Nang makababa ako, isang gwapong nilalang agad ang nakita ko.

Ngumiti siya sa akin. Ang gwapo niya kaya ngumiti din ako pabalik sa kanya.

"Landi mo ate! Yucks!" Bulong ng kapatid kong babae na si Lianna.

"Anong landi ang sinasabi mo ah?" Taas kilay kong tanong.

"E kasi halata naman na nire-rape mo na si kuya Axe sa isipan mo.." Tapos umalis na agad si Lianna.

Axe? Landi? Rape? Sa isip?  

Heh. Di ko pa nga kilala yun. Malay niyo isa siyang rapist, kidnapper, carnapper, holdapper. Oh diba?

Tong kapatid ko talaga! Kung maka-judge! Hmmm.

"Miguel, sino yan?" Tanong ko ng makarating si Miguel galing kusina at may dala-dalang merienda.

"Kapatid ko.."

Kapatid niya? Bakit ngayon ko lang alam na may kapatid pala si Miguel na pogi.

TT_TT 

So mag pinsan din kami? Di ko na siya pwedeng gawin boyfriend? Huwaaaaa!

"Hoy Wang! Gusto mo maging boyfriend si Axe noh?" Sigaw ni Miguel sabay ngiti na pang-asar.

"H-haa? Hi-indi noh! Ha ha ha. Ang panget kaya niyan! Ha ha ha." Oops! OMO OMO. Di siya panget! Nadulas lang ako T_T

"Hala. Joke lan---"

"Ano?! Panget ako?! Hoy babae! Tumingin ka muna sa salamin bago ka manghusga ah!" Sigaw ni Axe.

Di man lang ako pinatapos?

Nadulas nga lang e. Kung maka-react naman tong kapatid ni Miguel, kala mo si Daniel Padilla o si Coco Martin. Wala pa nga siyang kalahati sa kagwapuhan nila eh!

"Sorry Axe." Weird kong sabi sa kanya. Buti na lang pinsan ko to kung hindi kanina ko pa to binugbog (-__-)

Gwapo sana pero ang ugali? Tss. AMPANGET TEH! Over-acting!

"Tss."

Okay. I'll take that 'tss' as a 'thank you'.

"Woaw. Uhmm.. Sorry Wang.." Mahinang sabi ni Miguel.

I won't let you down.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon