Author's Note:
Hello po sa inyo! wala lang ahahah... sana po magustuhan nyo! salamat...^^
* * * * *
Isang araw, nung naglalakad ako pauwi galing school bigla na lang may tumulak sakin!
"Hey! why did you push me?! sakit ha!" inis na inis kong sabi sa bwisit na yun, habang nagpapagpag ako ng damit... at sitting pretty padin sa sidewalk... ahahah...
"Sorry miss... muntik ka na kasing mahagip ng bus... pasensya na..." sabi nung isang lalaki, na malamang eh syang tumulak sakin...
"okay... salamat ha? pasensya na nasungitan kita... masakit kasi eh..." sabi ko habang patuloy padin sa pagpagpag sa damit, braso at legs ko...
"ahm miss eto oh" nag abot sya ng panyo at syempre kinuha ko "tayo ka na jan pinagtitinginan ka na eh" sabi nya at agad-agad naman akong tumayo at nag-ayos...
"OMG! pinag titinginan na ba ko?" sabi ko sa kanya tsaka ko sya nginitian at agad naman akong nagblush dahil ang lalaking kanina ko pa di tinitignan eh mukha pa lang anghel!
"ah-eh sige miss! una na ko! paalam!" sabi nya at tumakbo na palayo
"te-teka!anong pangalan mo?!" sumigaw ako ng halos lumuwa na ang aking lalamunan... wahahaha ang O.A.?
"Paul! Paul Meru!" sigaw nya pabalik.... at tuluyan na syang nawala sa paningin ko..
"Paul... salamat" pabulong kong sabi... at nag patuloy na sa paglalakad...
* * * * *
Pagkarating ko sa bahay agad akong umakyat sa kwarto ko at nagbihis...
"panyo? kay Paul 'to ah... di ko pala na soli? yamuna nga babalik ko nalang 'pag nagkita kami ulit..." sabi ko sa sarili ko at inilapag yung panyo sa study table ko...
"ano nga ulit apelido nya? Paul? Paul M-Meru? oo! Meru nga! masearch nga sa FB at mai-add" agad-agad kong kinuha netbook ko at nag FB...
hanap...
hanap...
"Ayun! Add friend! click! done!" ^_____^ "i think I'm in love..."^u^
* * * * *
Araw-araw lagi kong tinitignan ang FB ko at inaantay kung inaccept na ba nya yung request ko... pero wala... walang confimation.... lalalalalala... magdadalawang buwan na kaya! haler!!! by the way, matignan ang address baka sakaling makita ko sya sa lugar nila...
"Nicanor St., Villa Casandra?? Aha! malapit lang dito yun! makapunta nga...". ngayon, magkikita na tayo Paul!^^ sa isip ko at pag kasara ko ng netbook ko.....
"GIRLLLLLLLLLLLLL!!!!!!" sigaw nila Chelsy, Iya at Nica, mga kaibigan ko, habang sinusugod lang naman ako sa kwarto ko....
"OMG! ANONG GINAGAWA NYO DITO?!!!!!"pasigaw kong sabi dahil sa gulat.
"wait! wag highblood girl ang wrinkles baka dumami....nakooo papanget!" napakaarteng pagkakasabi ni Iya....
"eh ano nga kasing ginagawa nyo dito?! at ano nanaman sinabi nyo sa guard para papasukin kayo, aber????" sabi ko kasi sa guard dimuna ko tatanggap ng bwisita ehhh...
"eto oh!" sabi ni Chelsy sabay angat ng basket ng prutas "sabi namin may sakit ka at tinawagan mo kami para may kasama ka.... umarte pa kami ng wagas na wagsa don para lang mapaniwala sya... and girl, effective naman!" pagpapatuloy nya...