[ONE-SHOT]I LOVE MY BESTFRIEND

44 4 1
                                    


ANNE'S POV.

"Ahmm Anne, pwede ba akong magtanong sayo?" nahihiyang tanong sa akin ng bestfriend kong si Jhean tapos inilagay nya pa ang kanang kamay nya sa batok nya at tumawa ng peke. Ang cute nya talaga. Kasalukuyan kasi kami ngayon naglalakad papunta sa cafeteria, tanghali na rin naman kasi at syempre sabay na naman kami. Pag kasama mo talaga ang crush mo sa pagkain talagang ginaganahan ako, para sa akin lunch date namin yun. yieeee...

Nginitian ko na lang sya bilang sagot at saka tumango. Feel ko parang magugulat ako sa sasabihin nya, pero feel lang naman eh.

"Ano ba ang gusto ng mga babae ? I mean like kung liligawan ba sila, paano ?"

"Yun lang naman pala eh, syempre gusto ng mga babae yung romantic yung style. Yung tipong surprise na hindi aakalain ni babae na liligawan sya, tapos romantic din yung place. And then, kakantahan mo sya. It's either na favorite song nya or isang kanta na pwede mong gamitin para i-describe yung feelings mo sa kanya. Pagkatapos bibigyan ni lalake si babae ng bulaklak tapos sabay sabing 'Can you be my girl?' pagkatapos nun isa-isang magsisilabasan na yung mga taong malalapit kay babae at lalake, mga puro nakangi--" huminto ako sa paglalakad at ganun din sya. I paused as i realize something...

"B-bakit ? M-may L-l-liligawan k-ka ?" I asked stammering.. Please say no.say no. Paulit-ulit kong dasal sa sarili ko. Kaso, hindi 'no' ang lumabas sa bibig nya. Mga salitang kailanman ayaw kong marinig mula sa kanya, mga salitang magpaparanas sa akin ng first heartbreak. Nagsisi ako sa tanong ko sanya. Stupid me.

"YES. Oo anne may liligawan ako. Ano na yung sunod mong sasabihin ?" Masiglang sagot nya sa akin habang nagtatalon sya at nakangiti pa sya. Kailanman hindi ko pa sya nakita na ganyan kasaya. Kung sino mang babae na yun maswerte sya kay Jhean.

"Uy, ayos ka lang ? May problema ba ?" Nag-aalalang tanong ni Jhean sa akin. Hinawakan nya ang magkabila kong balikat at iniharap nya ako sa kanya. Mabilis ko namang inalis yung mga kamay nya sa akin. Kailangan ko nang umalis pakiramdam ko anytime tutulo na ang mga luha ko.

"Ahmm Jhean ikaw na lang muna ngayon ang kumain, bigla kasing sumama yung pakiramdam ko." Hindi ko na hinintay pa ang sagot ni Jhean at tumakbo na ako kaagad.

Takbo lang ako ng takbo wala na akong pakialam kung sino man ang nababangga ko, may naririnig pa akong mga boses na tinatawag ang pangalan ko, pero hindi ko na sila binigyan ng pansin. Hindi ako nag-aksaya ng kahit na isang segundo para tignan sila o kaya ay kausapin, ayaw ko din naman na makita nila akong umiiyak. Nang mapagod na ako sa kakatakbo ay dinala ako ng mga paa ko sa likod ng isang Lumang building, pero nasa loob pa rin ako ng school ground. Ang Building na'to kasi ang unang tinayo dito sa school kaya luma na sya, ang pagkaka-alam ko ipapa-renovate daw ang building na 'to kaso sa susunod na taon pa daw nila gagawin.

Iyak lang ako ng iyak. Puro mga hagulhol ko lang ang maririnig. Ni minsan hindi pa ako umiyak sa isang lalake. Hindi rin ako tumatanggap ng manliligaw kasi iniisip ko kung ano ang mararamdam ni Jhean, parati si Jhean ang inuna ko. Noon pa man sya na ang priority ko. I know it may sounds so exaggerated pero pakiramdam ko pinagtaksilan ako. Pakiramdam ko may parte ng katawan ko ang nawawala. Akala ko noon masyado lang talaga OA ang mga napapanood ko sa mga teleserye sa tuwing nasasaktan sila sa pag-ibig, na pakiramdam daw nila nabibiyak at nahahati sa dalawa ang mga puso nila tapos sumisikip ang dibdib nila at hindi sila makahinga, hindi ko aakalain na totoo pala ang mga lahat ng mga yun, na isang araw mararanasan ko rin yun. Akala ko kasi pang-habangbuhay na kami ni Jhean, akala ko parati lang sya sa tabi ko, kaso akala lang pala yun.

Sa buong maghapon iyak lang ang ginawa ko. Hindi na rin ako pumasok sa mga klase ko. Mugto na rin naman kasi ang mga mata ko galing sa iyak kaya sigurado ako kapag nakita yun ng mga kaklase ko tatad-tarin lang nila ako ng mga tanong. Dahil lang kay Jhean na gawa kong umabsent. Kung sana ako na lang ang niligawan nya edi sana ayos ang lahat. Napabuntong hininga na lang ako sa na-isip ko. Ano ba Anne ?! Tumigil ka na ! Kung dun sya sasaya then Let go ! Tama ! Yun nga ang gagawin ko, magiging masaya na lang ako para sa kanya. Kaya ko 'to ! AJA !

[ONE-SHOT]I LOVE MY BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon