"Tell me honestly, would you still love me the same?!" pagkanta ni Yuya habang nakasandal sa malaking poster ni Keijou sa kwarto niya.
Si Keijou ay isa sa pinakasikat at tinitingala na young actor sa panahon ngayon maraming babae ang nahuhumaling sa lalaki, dahil bukod sa talentado ito, may taglay din itong kabaitan sakabila ng kasikatan at syempre hindi maipapagkaila na biniyayaan ng lubos ng Dios ang binata sa mala anghel na itsura niya lalo na kapag ito ay ngumingiti.
"Keijou my labs ang gwapo mo talaga!"
"Yuya matulog ka na!" sigaw ng kanyang ina mula sa baba.
"Opo!" sigaw niya pabalik saka tinignan ulit ang poster ng binata.
"Goodnight Keijou mylabs!" sabay halik sa pisngi ng larawan ni Keijou. -
"Yuya balita ko si Keijou magco-concert daw dito satin sa susunod na linggo!" balita ni Faye kaibigan ni Yuya.
"What? OMG dapat makapunta ako doon para makita ako ng love of my life ko!"
"Kaya nga binalita ko sayo! Sige Yuya mauna na ako may aasikasohin pa kasi ako sa bahay!" pagpaumanhin ni Faye at tango lang ang isinang-ayon ng dalaga habang nakangiting aso pa rin ito.
Habang naglalakad pauwi ay di matanggal tanggal ang ngiti nito ng may makasalubong siyang matandang pulubi.
"Ihja pahingi naman ng makakain kahit konti lang gutom na gutom na kasi ako!" pagmamakaawa ng matanda nahabag ang puso ng dalaga kaya kinuha niya mula sa bag ang tinapay na binili niya bilang pasalubong sa ina.
"Ito po lola pasensya na po kayo at konti lang yan!"
"Kaawaan ka ng Dios ihja. Ito tanggapin mo bilang kapalit!" nagtaka si Yuya dahil binigyan siya ng matanda ng isang bote na may lamang asul na tubig.
Kinuha niya ito at tinignan ng mabuti akmang magpapasalamat siya sa matanda ng bigla itong nawala.
"Weird!" naibulong na lang niya sa sarili.
Pagkauwi sa bahay may nadatnan siyang sulat sa lamesa na nagpapahiwatig na umalis ang kanyang ina para mamalengke.
Umakyat agad siya sa kwarto niya habang nagbibihis ay kinuha niya ang bote na binigay ng matanda at inalog-alog. Nagtaka siya ng bigla itong nagliwanag kaya nabitawan.niya ito.
"Aray! Mag-ingat ka naman!" nanlaki ang mata niya ng ang kulay asul na tubig na mula sa bote ay naging tao na asul ang buhok. Kinuskos niya pang mabuti ang mata niya para siguraduhin kung siya ay nananaginip pero totoo ang nakikita niya.
"Sino ka?" tanong niya dito kaya napalingon ito sa gawi niya. Muntik pa siyang matulala sa lalaki dahil sa kaanyuan nito. Asul na buhok na may asuk na mga mata, matangos na ilong at labing kay pula parang isang prinsipe sa libro na naging totoo.
"Wow Sexy Body!" nagtaka siya sa tinuran nito kaya bigla siyang napatingin sa katawan niya at ngayon lang nag sink in sa kanya na siya ay nakabra lamang.
"Ma-- MANYAK! Walang hiya ka!" sigaw niya sabay bato rito ng kung anong mahawakan niya na sinasalag naman ng lalaki.
"H-hoy ar-aray!"
"Waah! MANYAKIS ka. Manyak na malignong may sumpa!"
"Hoy ikaw sumusobra ka na ah! Stop!" nabitin sa ere ang kamay ni Yuya na akmang babatuhin ang lalaki ng alarm clock.
Pilit niyang ginagalaw ang katawan niya pero parang naka glue siya sa ere pero hindi ang lalaki dahil naglakad pa ito papalapit sa kanya.
"Bago ka magreact makinig ka muna. Okay? Dahil binuksan mo ang bote ako na ngayon ang genie mo at binibigyan kita ng tatlong hiling! Tatlo lang wala ng extend! Now react" pagkatapos niyang sabihin yun ay automatic na nakagalaw agad siya.