JOY RIDE

136 3 1
                                    

Ako nga pala si Ako nga pala si miko,22 yrs. Old,nakatira ako bayan ng poblacion and this is my story.

Oct12, 2009
Birthday ng barkda namin na si jeff,kaya naman nag-inuman kaming mag babarkada,12:30 nang magyaya si jeff na mag joy ride,nung una ayaw ko kasi nga lasing na kaming lahat,pero tinukso nila ako...

Sige na miko KJ mo naman!!
Ang sabi ni resty sa akin,pumayag na ako sa kondisyong ako ang mag da-drive ng toyota Fortuner ni jeff,mga ilang oras din kami nag joy-ride hanggang mapunta kami sa isang lugar na walang kabahayan,isang mahabang kalsada na puro ilaw lamang ng poste ang makikita mo,kaya naman nag request si jeff na paharurutin ko daw ang sasakyan dahil wala naman daw ibang sasakyan na dumadaan,ayaw ko dahil nga lasing kaming lahat at baka maaksidente pa kami,

Sige na miko birth-day ko naman eh

Wag na jeff baka maaksidente pa tayo

Sige ka mag tatampo ako sayo pag di mo ginawa

Sige na nga birth-day mo naman eh

Humarurot ang sasakyan 180km/h ang takbo namin hanggang maisip kong mag-bagal ng konte,pakiramdam ko kasi naliligaw na kami,nakakita rin ako ng isang lumang bahay,napansin na rin pala ni resty na naliligaw na kami kaya naman sinabi nya nag mag-tanong muna kung saan ang daan paalis sa lugar na ito,naihinto ko ang sasakyan sa harap ng bahay,bumaba kaming 2 ni resty para mag tanong ng direksyon,pero laking gulat namin ng ang mag-bukas ng pinto ay isang lalaking na-aagnas na buong mukha,hindi kami makapagsalita,tumakbo kami ni resty pabalik sa sasakyan nang biglang sumigaw ang lalake sa loob ng bahay

Bakit kayo natatakot sa akin eh diba patay narin kayo?,kaya nga kayo nandito,

Napaisip ako ng malalim,nang bigla kong maalala ang nangyari sa amin sa marcus highway,

nag-overtake ako sa isang taxi ng bigla kong makasalubong ang isang 10 wheeler na truck,kinabig ko ang manibela pa-kaliwa para maiwasan ang aksidente,pero mali ako bangin pala ang kaliwang bahagi ng kalsada,huli na ang lahat hindi ko na mapahinto ang sasakyan bumangga ang harapan ng sasakyan sa barikada ng bangin hanggang sa tuluyan ng kaming mahulog sa bangin.

Naalala ko na,I'm Sorry mga pare hindi ko sinayadya ang nangyare.sabi ko sa kanilang lahat habang nakayuko ako at nang tinapik ako ni jeff sa balikat laking gulat ko ng makita syang duguan

Naa-lala ko na pare,ok lang yan kasalanan ko rin,kung hindi ako nagyaya ng joy-ride hindi mangyayari ito,

Tara na mahaba pa ang lalakbayin natin..........

------------------------------------------------
WAKAS

FILIPINO HORROR STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon