Unti unti kung binitiwan ang mga kamay niyang mahigpit kong hinawakan kanina.
"I will let you go, if this makes you happy then go, I will not stop you"
Sabi ko habang pilit na gawing masaya ang tinig ko, ayaw ko man pero eto ang makakapagpasaya sa kanya."Lenard Im so sorry kung pinaasa kita, pero alam mo na minahal kita higit pa sa inaakala kong kaya ko, pero dumating siya, akala ko ikaw parin pero binigyan niya ng bagong kahulugan ang salitang pag ibig" sabi niya habang umiiyak sa harapan ko, hindi ko inaakalang ang mga taon na iniwan ko siya para sa kinabukasan namin eh ang magiging lamat sa pag iibigan namin.
Flashback
Umalis ako ng bayan para makapag aral sa prestihiyosong paaralan sa Maynila pero bago ako umalis ay nagpaalam muna ako sa kanya, na babalik ako para sa amin.
"Mia madali lang ang apat na taon wag kang mag alala uuwi naman ako dito kada pasko at pag walang pasok." Sabi ko sabay yakap sa kanya, si Mia at ang pamilya ko ang dahilan kung bakit aalis ako saamin para umasenso."Kailangan ba talaga? Meron namang mga paaralan dito na pwede mong pasukan, magsasabay pa tayo pagpasok." Kumbinsi niya saakin habang mahigpit na nakayakap.
"Mia napagusapan na natin to, alam mong matagal ko natong pangarap, ang maging Chemical Engr. at walang ganyang kurso dito"
"Oo na oo na basta lagi kang tatawag ha?"
"Oo pangako."
Nang araw na yon umalis ako papuntang Maynila upang mag.aral, maganda naman dahil marami akong nakaksalamuha na bagong kaibigan at mas marami akong natutunan. Lagi kaming nagtatawagan ni Mia nung bago pa ako sa Maynila, pero ang Lagi ay naging madalas hanggang halos hindi na ako makatawag sa kanya dahil tutok ako sa pag.aaral ko, ni hindi na nga ako nakakauwi saamin.
Graduating na ako sa college nung nabalitaan kung pumunta daw si Mia sa Maynila, agad ko siyang tinawagan dahil aaminin ko na kahit halos wala na kaming komunikasyon eh siya parin ang tinitibok ng puso ko. Tinext ko siya, nagreply naman siya at sinabing magkita daw kami sa pinakamalapit na mall. Agad akong pumunta at doon nakita ko si Mia pagkatapos ng mahigit 4 na taon, nagibg mas maganda na siya.
"Mia!" Tawag ko sa kanya
"Lenard! Ang tagal nating di nagkita ah? Kamustang pag aaral?" Sabi niya sabay ngiti, ngiti na nagpaptibok ng puso ko.
"Ahh, ok naman"
Nagkwentuhan kami hanggang sa napunta ang usapan tungkol sa amin."Mia malapit na akong grumaduate, matutupad na natin ang ating mga pangarap." Pagkasabi ko nun eh biglang hindi makatingin saakin ng deritso si Mia.