Back Hug [KATHNiEL One-Shot] <3

6K 92 23
                                    

Okay, dahil sa kinikilig talaga ako pag may nababasa akong scene dito sa wattpad na may back hug. Naisipan kong gumawa ng one-shot. Hinwalay ko ito sa kathniel one shots collection ko, dahil... wala lang. Gusto ko eh. HOHO! Start na po!

 At dahil maraming na-bitin, isama nyo na ako.,

May sequel na nga pala. External Link teh! :)

-----------------------------------------------------------------------------------------------------

Usong uso na ngayon ang kiss stealer diba? First kiss? Ninakaw? Usong uso yun! Eh ang back hug? Uso na rin pala yun ngayon? Yun bang bigla-bigla ka nalang yayakapin mula sa likod.

***

 "Ummp, D-daniel." Sabi ko dito sa nakaback-hug sakin. Nakakagulat kasi. Naglalakad lang ako sa hallway nang bigla niya akong yakapin mula sa likod.

Naramdaman kong inaamoy niya yung buhok ko. "Ganito lang muna tayo please? Please?" sabi niya sa akin. Lagi naman eh. Sanay na ako.

Di na ako nakaangal pa. Di ko rin naman kasi maitatanggi na napamahal na ako sa ungas na 'to dahil sa biglang pag ba-backhug niya. Everytime yinayakap niya ako. Ang lakas lakas ng pintig ng puso ko. Akala mo gusto nang kumawala. Bawat pagba-backhug  niya, may nararamdaman akong kung anung lumilipad sa tiyan ko.

Ako nga pala si Kathryn Bernardo. Yung nakayakap saken? Siya si Daniel Padilla. Ang number one cassanova dito sa campus. Ang malas ko noh? Kasi.. sa kanya pa. Tapos isa pa siyang cassanova. Malamang, maya-maya may makikita ka nang kahalikan niya diba?

Pero alam niyo? Kahit cassanova si Daniel? Hindi halik ang ninanakaw niya saken eh. Backhug. Ewan ko ba jan. Kasi naman, nung una ko nga siya nakitang papalapit saken, ang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi dahil sa crush ko siya ah. Wala pa kong nararamdaman sa kanya nun. Natatakot

ako sa kanya. Kasi naman, bigla siya nanghihila ng babae tapos hahalikan niya. Eh ayaw ko namang manakaw ang first kiss ko. Sino bang may gusto? diba? Exept nalang kung malandi, kaya napalakad ako nang mabilis palayo.

Pero grabeng ikinagulat ko nang bigla niya akong niyakap. Hindi pa backhug yun ah. Nakaharap ako sa kanya. Eh kasi hinila niya ako. Ayun. tapos simula nun, palagi nalang siya bigla-biglang yayakap mula sa likod ko. Kaya eto naman si ako, nahulog.

Bumitaw na nga pala siya sa yakap. At bago siya umalis, may binibitawan siyang salita. Salitang lalong nagpapahyper ng puso ko, "Salamat." Oo, salamat o kaya thank you. Simpleng salita lang diba? Pero epekto saken, sobra-sobra pa.

Nga pala, nakalimutan kong sabihin na araw-araw siyang magnanakaw ng yakap. Ni isang araw, wala siya pinalampas. Kaya naman minsan, ako na yung umiiwas eh. Pero mahahanap at mahahanap niya parin ako. Ewan ko ba jan. Lalo lang akong nagmamahal sa kanya eh.

Back Hug [KATHNiEL One-Shot] &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon