I'm always there when you need someone to talk with
I'm always there to give you the care and concern that she can't give to you
I'm always there to wipe away the tears on your eyes and put a smile on your lips
I'm always ready to mend your broken heart
---
Isang araw naiinip ako at nasasaktan ka
Ang sabi mo kailangang kailangan mo ng kausap kasi sobrang nasasaktan ka at dahil wala naman akong magawa ng mga araw nayun pumayag nalang ako
Ako yung taong hindi madrama kaya hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ba kita pinagtyatyagaan
Bakit nga ba ako nakikinig sa mga kwento mong tila walang katapusan?
Bakit nga ba nagagawa kong magpayo para naman sa ganon ay maibsan kahit papano ang sakit na iyong nararamdaman?
Siguro dahil medyo pareho ang ating sinapit
Pareho lang tayong naiwan sa ere at biktima ng tinatawagan nilang sakit
Nung mga panahon nayun nakalimot na ako. Naibsan na ang sakit na aking nadama. Nakabangon na ako mula sa pagkakahulog ko. Nakasanayan ko na kung paano lumipad ng mag-isa sa ere.
Pero dahil nakikita ko ang dating sitwasyon ko sa ngayo'y unos na kinakaharap mo, naisipan kong tulungan ka
Payo dito, payo dun
Paano mo nga ba sya makakalimutan? Lahat na ng paraang alam ko sinabi ko na sayo pero tila hindi ka nakikinig dahil masyado kapang bulag sa sakit na iyong nadarama
Siguro nga hindi tagapayo ang kailangan mo kundi isang kaibigan na aalalay at dadamay sayo
Jan na nga yan nagsimula ang ating pagkakaibigan
Tinanong kita kung gusto mo ba akong maging kaibigan at agad ka namang sumagot ng oo. Nagpasalamat ka pa nun dahil palagi akong nandyan sa tuwing kailangan mo
Nakakatuwa at nakakataba ng puso
Dun na nga yata nagsimula ang pagkakaibigan nating dalawa
Halos araw araw ikaw at ako ang magkausap
Minsan kahit nga wala na tayong magpag-usapan tumatagal parin ang kwentuhan dahil sa yong mga kalokohan
Siguro nga unti-unti ay nakuha ko na ang tiwala mo dahil nagagawa mo na ring mag-kwento ng tungkol sa buhay mo. Nailalabas mo narin sa akin ang iyong mga hinaing
Talento, hilig, at kung ano anong bagay pa na tungkol sayo. Medyo marami ka naring nabanggit sakin
Naaaliw din naman ako na makinig lang sa iyong nga kwento
Minsan bigla bigla mo nalang sasabihin na nalulungkot ka o kaya naman nasasaktan ka at syempre bilang isang kaibagan palagi akong handa para pagaanin ang loob mo
Magtatanong kung anong nangyari, magsasabing "ok lang yan, tuloy tuloy parin ang buhay. Mawawala din ang sakit na iyong nararamdaman pag dating ng tamang panahon"
Nakita ko kung paano ka nasaktan, kung gaano ka katotoong mag-mahal, at kung ano ang kaya mong gawin para lang sa pagmamahal nayun
Siguro nga masyado kang nasaktan, durog na durog ang puso mo at hindi mo manlang alam kung saan sisimulan ang pag buo nito
Yun yata ang dahilan kung bakit unti unti akong napalapit sayo. Parang ang sarap mong alagaan, parang ang sarap mong pangitiin, parang gusto kitang pasayahin, parang gusto kong pawiin lahat ng sakit na nararamdaman mo, parang gusto kitang tulungan na buoin ulit yang puso mo.
