~Sachi~
"Okay class. That's all for today. Dont forget to bring your projects tomorrow. Goodbye everyone." Paalam ni Ma'am Cortes.
"Bye Ma'am." Sagot ng lahat.
Sinimulan ko ng ayusin ang mga gamit ko. Akmang pagtayo ko biglang may humila sa kamay ko.
"Chi. Please! Let's talk." Si Kevin.
Nangingilid na naman mga luha ko.
"Go away. Wala na tayong dapat pagusapan." Pinilit kong kumawala sa pagkakahawak nya.
"Please naman Chi. Just hear me out." Garalgal na boses nya. Dont tell me he's been crying?
I faked a laugh.
"Then what? Maibabalik ba ng explanation mo lahat? Matatanggal ba nya yung sakit na nararamdaman nito. ( tinuro ko dibdib ko, referring to my heart ) Kevin you should be celebrating. 3 more months magkakababy kana."
Dun nako tuluyang nakawala sa pagkakahawak nya sa kamay ko.
Napayuko lang sya.
Pinunasan ko ang mga luha na nagbabadyang malaglag mula sa mga mata ko.
"Congrats, Kevin." I tap him on his shoulder and walk away.
Dumiretsyo nako sa bahay para magpahinga.
Yung sakit. Ramdam na ramdam ko pa rin. Nagsisimula na namang pumatak ang mga luha ko.
Niyakap ko ang sarili ko.Kevin. Bat mo ginawa sakin to?
~ FLASHBACK ~
"Babe?" Kausap ko si Kevin sa phone.
"Bakit babe?"
"Is everything okay? Bat dika sumasagot sa mga tawag ko this past few days? Ni text wala?"
"Ah eh. Sorry babe. Busy kasi. Tumutulong kasi ako kila nanay maglako ng mga paninda nya na kakanin."
I have a feeling that he was lying pero diko nalang pinahalata.
"Ganun ba? Hm. Oo nga pala, sa monday na uwi mo diba?" Excited kong tanong sa kanya.
"Oo. Ah babe. I have to go. Tawag nako ni nanay."
"Teka babe. Wala ka bang nakakalimutan sabihin sakin?" Naiinis nako.
"Wala naman. Sge babe. Bye!"
"Pero babe---" Call ended.
I was a bit hurt. No, I was hurt. 9th monthsary namin ngayon pero nakalimutan nya? Nakakadismaya.
Days past. Monday na. Makikita ko na si Kevin kaya naman pumunta ako sa kanila.
I waited pero walang dumadating.
I tried callling him but he's not answering.Nagtataka nako. Nagaalala nako.
"Iha. Pansin ko kanina ka pa nanjan ah?" Si Lolo John.
Nagmano ako sa kanya.
"Ay Lolo, sila Ate Con po? Diba po ngayon uwi ni Kevin?"
"Sila Con nasa Cavite. Bumisita sa kamag-anak ni Ben. Si Kevin diko alam. Alam ko di daw tuloy uwi nya ngayon eh."
"Ganun po ba? Sge po Lo. Uwi napo ako."
"Sge iha. Magiingat ka."
Bakit di man lang nagsabi si Kevin na di pala tuloy ang uwi nya ngayon.
Nakaka-frustrate sya.Natulog agad ako pagkauwi ko.
Kinabukasan, naisipan ko pumunta sa bahay ng bestfriend kong si Kris.Naglalakad ako ng may mapansin akong isang pamilyar na lalaki na naglalakad sa harap ko.
Si Kevin!
Pero teka. May lumapit sa kanya na babaeng buntis. Umakbay sya dito.
They both smiled sweetly at each other.Diko alam kung ano mararamdaman ko.
Naglakad sila papunta kila Ate Con. Nagtatawanan sila habang si Kevin, hinihimas ang tiyan ng babaeng katabi nya.
Ayoko pangunahan ng galit or lungkot ang sarili ko. Baka kasi mamis-interpret ko sya.
Kaya naman lumapit ako sa kanila.
"Babe?" Tawag ko.
Tumigil ang tawanan nila.
Tumingin sakin si Kevin. Nanlaki mga mata nya. Tumayo sya at hinila ako palayo."Babe? Akala ko kahapon uwi mo?" Bat dika nagsabi sakin?!" Niyakap ko sya.
"Kev? Who is she?" Tanong nung babae na lumapit samin.
Tinanggal ni Kevin ang pagkakayakap ko sa kanya.
Tumingin lang sya sakin."Who are you?" Tanong uli ng babae.
Nakaakbay sya kay Kevin."I am Kevin's friend." I lied.
"Oh! You must be Sachi? I heard so much about you from Kevin. You are a very goodfriend according to him. Its so nice to meet you. By the way Im AJ. Kevin's Girlfriend." Inilahad nya yung kamay nya, sign of handshake.
Nabingi ako sa huling dalawang salita na sinabi ni Aj.
Tumingin ako kay Kevin. Yung mga mata nya na puno ng paghingi ng kapatawaran.Tinanggap ko ang handshake nya.
"Pleasures all mine. So kelan pa pala kayo ng mokong nato?" I faked a smile.
"4 months na. Sabay lang ng baby namin. 4 months na rin sya." Hinihimas ni AJ ang tiyan nya.
Baby nila? Baby? Nila?
Biglaang bumagsak ang mga luha ko.
"Um. Sachi okay ka lang?" Tanong ni Aj.
Ngumiti ako.
"Yes. Im fine. I was just happy for this guy. Lalaking-lalaki kana ngayon Kev! Alagaan mo yan si Aj at magiging baby mo. Okay?!" Tinatapik ko si Kevin sa balikat. Nangingilid na din ang mga luha sa mga mata nya.
Niyakap ako ni Aj.
"Thankyou Sachi. Kukunin kitang ninang ni Alyson ha?" Sabi ni AJ.
Alyson? Yun ang gusto kong maging pangalan ng baby ko in the future.
Pinunasan ko luha ko."Yeah sure. I have to go na pala. See you guys around."
"Teka Sachi." Si Kevin.
For one last time, I looked at him.
"Namiss kita Kevin." I smiled and left.
~ END OF FLASHBACK ~
"Of all the man you loved, jan ka lang sa Kevin na yan umiyak." Bestfriend ko, si Kris.
"Ang sakit kasi. Sobrang sakit pa rin." Umiyak ako ng umiyak.
"Bessy. Tama na yan please. Dont do this to yourself. He is not worth it of your precious eyes! So please. Tama na Sachi!" Inagaw nya sakin yung bote ng redhorse.
"Why did he do this to me!? Ano kasalanan ko para masaktan ng ganito?! Dahil ba hindi ko kayang ibigay sarili ko sa kanya?! Is that it!? I chose him more than anyone else. Mas pinili ko sya kesa sa parents ko. Mas pinili ko sya kesa sa mga kaibigan ko. Mas pinili ko sya kesa sayo! Diba?! I gave him everything he need. What did I do wrong?!"
Nanlalabo na panigin, hindi dahil sa pagkalasing pero dahil sa luha na bumabaybay sa mga pisngi ko ng sunod sunod.
Nagsimula nako mahirapang huminga. Pero mas nahihirapan ako dahil sa sakit na dulot ng panloloko ni Kevin sakin.
"Kevin, why did you do this to me?!"
I shouted.
Then everything went black.~~~~~~~~~~
So. Thats it for chapter 1. Hope you enjoy it Ü
Comments/Suggestions, just write it on my wall. Goodday :)
❤Deyniss
BINABASA MO ANG
Another Way Around
RomanceSiyam na buwan ng magkarelasyon si Sachi at Kevin ngunit nagawa pa rin ni Kevin na lokohin si Sachi. At sa pagkakataong ito, papasok sa buhay ng dalaga sina Emmeth at Shawn na tila baga may alam sa kanyang nakaraan. Sino kaya ang pwede nya makatuluy...