Chapter II

10 1 0
                                        

~Sachi~
( The next day )

Napatingin ako sa wristwatch ko. 10 more minutes dismissal na.

"Sachi, please come here." Tawag sakin ni Ma'am Cortes.

"Yes po?"

"Pwede mo ba ako tulungan magcheck ng projects nyo? May meeting pa kasi ako. Hintayin mo nalang ako sa faculty."

"Sge po ma'am."

"Tawag ka nalang ng isa sa mga kaklase mong lalaki para buhatin mga folders nyo." Inayos na ni Ma'am mga gamit nya.

"Class Dismiss. Sachi, sa faculty nalang ha?" Sabi ni Ma'am at saka sya lumabas ng classroom.

Hmm. Kanino kaya ako magpapatulong?

"Ivan, pwede patulong?"

"Sorry Sachi. Nagmamadali ako eh."

Tumango nalang ako.

"Uy Mark, Patulong naman."

"Ha? Hinihintay ako si Jessa sa labas eh. May date kami."

"Ah. Okay."

Wala man lang maginsist na tulungan ako. So no choice. Ako nalang.

Inayos ko na gamit ko at kinuha ko na ang mga folders namin.
Mejo mabigat.
Diko makita yung dinadaanan ko. Andami kasi eh!

*booog*

"Aray." Pareho kaming natumba ng lalaking nabangga ko.

"Ay sorry." I apologized. He stand up and held his hands to me to help me get up.

"Okay lang. Di ako tumitingin sa dinadaanan ko." Sabi nung lalaki.

Pinulot ko na isa-isa yung mga folders namin.
And to my suprise, tinulungan nya ako.

"Hala. Wag na. Kaya ko nato."

"No. I insist." He smiled. "San mo ba to dadalhin?"

"Sa Main building. Sa office ni Ma'am Cortes."

"Sge tara na."

Nauna sya maglakad sakin.

"San ko ilalagay to?" Sabi nya pagkadating namin sa faculty.

"Dito nalang." Tinuro ko yung desk.

"Sge. Sachi, I'll be going na."

Ha? Kilala nya ako?
Tinitigan ka sya.

"Nabasa ko name mo sa i.d mo nung magkabangga tayo kanina." Pagpapaliwanag nya. Napansin nya siguro na nabigla ako.

"Im Emmeth nga pala. Emmeth Legaspi. Sge, see you around." Pagkasabi nya nun lumabas na sya.

Nagkibit-balikat nalang ako.

( 2 hours later )

Pauwi nako. Pero dumaan muna ako sa Market para bumili ng libro ko and some snacks.
Bumili ako ng slurpee.

Naglalakad nako papunta sa pilahan ng sakayan ng may bumangga sakin.

Natapon yung slurpee sa damit ko.
It was so cold kaya napasigaw ako!
I caught everyone's attention around me.

"Sorry miss. Teka jan ka lang!" Sabi nung lalaki na naka-helmet at nagmadali syang tumakbo.

Aba't! Tinakbuhan ako?!

Sinundan ko sya and to my surprise, nakita ko syang papalapit sa isang babae, tinanggal nya helmet nya, at may binigay sya sa babae na ikinatuwa neto.

Tapos tumingin sya sa direksyon ko. He looks really familiar.

Wait. Si Emmeth!

Naglakad na sya papalapit sakin. Tinanggal nya yung leather jacket nya at agad na inabot sakin.

Another Way AroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon