Chapter 1: First Love

106 8 7
                                    

Ako nga pla si Alejandro Martines, Alec ang tawag sakin ng mga kabarkada ko kaya parang yan narin ang tawag ng iba sakin. Medyo mahiyain ako sa ibang tao pero lumalabas ung pagka beastmode ko pag kasama ko ang mga kabarkada ko. Isa akong mag aaral sa highschool, fourth year ko na ngayong bath 2015-2016. Lagi akong nasa top 10 kaya maraming tao ang nagsasabi saken na matalino daw ako, pero tanga . . . . . Aaminin ko, may pagkatanga ako sa pag-ibig pero slight lang. Kaya ko naisipan isulat ito, para sa mga katulad kong tanga. Para at least alam nila na may katulad sila na GINAMIT, GINAWANG PANAKIP BUTAS, INIWANAN, PINERAHAN at higit sa lahat "SINAKTAN".

Konti lang ang nagiging crush ko sa buong buhay ko, pero itong isusulat kong ito ay tagos sa puso ko. Ito yung mga crush ko na minahal ko, parang puppy love kung baga, kasi mga teenagers palang kami. Mag umpisa tayo sa first love ko ( actually pang lima pero first love ko nung highschool ako ). Nagumpisa ang lahat noong dismissal na namin, pagod na pagod na ako. Pero pag labas ko andun yung kaklase kong babae na si Shane, sa hindi inaasahan hinhintay niya pala ako. Ewan ko kung bakit pero parang hiyang hiya siya sa pagtingin sakin kahit na magkaklase naman kami. Syempre kasama ko ang barkada at wait! May back up rin siyang friends. So nagtataka ako kung ba't siya nandito, bigla bigla nalang nilabas nung kaibigan niya na may canon 360°. Wow ang yomon naman!! Bigla nalang siya lumapit sakin at gusto sana mag pa picture, syempre di naman ako ganon kasama, so nag pa picture naman ako. Grabe yung mga kabarkada ko, kung anong pinagsasabi, hanggang kumakain kami sa tapat ako yung topic nila. Pati sa paguwi ako parin ang topic! Halos buong araw na yun pinagtawanan nila ako.

Noong sumunod na araw, medyo naging awkward ang lahat ng pangyayari, pinagkalat ba naman nila. Pati yung mga teacher namin updated, kulang nalang si principal. Hanggang sa nagkadevelopan, chat chat, tawag tawag, picture picture yung mga ganon ba. Parang walang araw na hindi kami nag chat non. Ewan ko kung bakit pero simula nung nagiging close na kami medyo naaasar yung mga kabarkada ko sa kanya, kasi masyado daw siyang maarte, selfish at basta ayaw nila dun. Araw araw nila akong sinasabihan na alam mo na, layuan ko daw pero di ko pinansin yung pinagsasabi nila sa continue parin yung love story ko. Syempre di mawawala ang mga cheesy na pick up line.

Ako: Pssstt . . . .

Shane: baket ??

Ako: May pick up line sana ako sayo !!

Shane: Hahahahaha ge lang, basta ikaw :D

Ako: 512x-19I<8³X[-3(19U+U)+3U]

Shane: HUHHHH !?!

Ako: Kasi I<3U

Hanggat sa nagtuloy-tuloy na ang relasyon naming dalawa, habang patagal ng patagal, pa sweet rin ng pa sweet. Minsan pa nga eh, nagdadate kami sa mall para hindi ako mahanap ng mga barkada ko, kasi nga diba, ayaw nila kay Shane. Pero yung mga araw nay yun ay hindi nagtagal at para bang tumatabang yung sweet naming relasyon. Ewan ko ba kung bakit.

Nahantong ang lahat nung binuksan ni Jake yung facebook gf nya na si Alyssa. Kasi sa relasyon nila, walang taguan kaya pati password nila alam ng isa't isa. Tinignan naman ni Jake yung chatbox ni Alyssa, nagulat nalang siya nung nakita niya yung most chat person ni Alyssa. Nakita niya sa harap ng kanyang dalawang mata na ka chat ni Alyssa si Marl. Nakita niya na mas close siya kay marl at mas marami pang chat kaysa sa kanya at medyo cheesy ang dating nung chatbox. Kaya naman tinanong ni Jake si Alyssa kung may namamagitan sa kanilang dalawa.

Jake: Ano ba talagang meron? Kaya ba hindi mo na ko ni rereplyan kasi may ka chat ka ng iba?

Alyssa: (Seen)

Jake: Sige seen pa! kung ayaw mong sumagot edi wag, basta maghihintay parin ako ng reply

Jake: Si Marl o ako?

Si Marl o ako?

Si Marl o ako?

Si Marl o ako?

Alyssa: Sorry, pero si marl (Aray) Sorry talaga :(

Jake: (Seen)

Sa sobrang hapdi, binuksan niya ulet yung fb ni Alyssa. Bigla may sumulpot na chatbox sa fb ni Alyssa, si Shane.

Shane: Alyssa!! Dahil isa ka sa tapat kong kaibigan, may gusto sana akong sabihing sikreto pero wag mo pagsasabi sa iba ahh!!

Alyssa: Sige ako bahala.

Shane: Kasi sa totoo niyan, medyo na boboring na ko sa relationship naming ni Alec, pang cover ko lang kasi siya. Ang totoo, crush ko ung bestfriend niya na sa Eden.

Alyssa: Ge ako bahala! Walang makakaalam niyan.

Dahil nabasa lahat ni Jake ang pangyayari, chinat niya si alejandro, sinabi nya lahat ng pangyayari na naganap sa gabing iyon.

Jake: Pre may nabalitaan ako mashoshock ka

Ako: Nu nanaman yan? Gabi na, tulog na me. Madaliin mo ahh

Jake: Ge pre, tungkol lang naman to sa syota mo at sa barakada naten.

Ako: Syota ko nanaman?

Jake: Kasi nag-away kami ni Alyssa tapos binuksan ko ung fb nya.

Ako: So?

Jake: Nakita ko na ka chat nya ung syota mo.

Ako: Nu sinabi?

Jake: Pre baka masaktan ka ehh

Ako: ano nga? Ang barat mo naman

Jake: Nabasa ko na, boring daw kasi kaya ka niya naging siyota, so in other words, panakip butas. Ang malala pa diyan, bestfriend natin yung crush niya.

Ako: (Seen)

Di ako naniwala syempre, malay mo sinisirian niya lang si Shane pero alam ko na hindi ganon kasamang tao si Jake. Kaya kinabukasan, kinausap ko siya ng harap harapan.

Ako: Totoo ba?

Shane: Na ano?

Ako: Alam kong alam mo

Shane: Ano nga?

Ako: Totoo ba? At higit sa lahat si bespren pa!?

Shane: . . . . . . . . . .

Ako: Pucha naman, buset.

After nun, di na kami nag usap pa. Galit na galit ako na may kahalong sakit. After all ng lahat ng effort na ginawa ko, isa lang pala akong PANAKIP BUTAS. Kahit ilang linggo na ang nakalipas, masakit pa rin ehh.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 26, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon