Chapter 1:

20 1 0
                                    

A/N:

Hi guys! Uhm- kung sa tingin niyo parang nabasa niyo na 'tong story na 'to, oo tama kayo. I took this story from my old account, since hindi ko yun mabuksan dito ko na lang ipagpapatuloy. Salamat sa pagbabasa!

•••••••••••••••••••••••••••••






PROLOGUE:

Paano kung nakita mo na si "THE ONE" papakawalan mo pa ba siya?










Hahayaan mo pa ba siyang mawala?












At paano kung magkalayo kayo at hanggang sa hindi niyo na pala makilala ang isa't isa?

•••••••••••••••••••••••••••••

Amber's POV:

It was a sunday morning, and yeah nasa higaan pa rin ako nakahilata, ano pa nga ba? lagi naman ganito kapag bakasyon, actually kahit hindi bakasyon. Nandito ako nakahiga at nakabalot ng kumot, kinakapa kapa yung cellphone ko at biglang lumaki ang mga singkit kong mata, napasigaw na lang ako...

"10:30 na!! late na ako!!"

sabay biglang upo sa kama and then suddenly nag-ring yung phone ko, at agad ko naman sinagot

"Hello? oh bakit ka napatawag?" pambungad ko

"Oh! bakit? hindi mo ba ako na-miss kapatid?" sagot nya na parang nagpapa-cute ang boses

" *sighs* si kuya talaga oh. haha 'musta na? kailan balik mo?"

well, na-miss ko talaga kuya ko, biruin mo ba naman lagi syang wala dito

"Mukhang matatagalan pa eh, hayaan mo 'pagbalik ko, magbo-bonding tayo, ingat ka palagi d'yan kapatid ha"

kahit hindi nya sabihin yung salitang 'i love you' ramdam ko at halata na rin sa boses nya na ganoon yung nais nyang sabihin

"Sige kuya ikaw din, ingat ka din palagi, babye!" sagot ko

"Babye!"

At agad na nyang ibinababa ang phone. At naalala ko aalis nga pala ako! agad kong kinuha ang tuwalya ko at naligo, 'pagkatapos inayos na ang mga gamit ko, nagmamadaling nilock ang bahay at kinuha ang kotse, shit! matraffic pa, paniguradong susumbatan na naman ako ng mga yun pagdating ko. At 'di nga ako nagkamali ipinark ko agad ang kotse at kitang kita ang mga mukha nilang nakabusangot, hanggang ang isa sa kanila nagsalita

"Aba! For your information Ms. Amber Roe Escalante ikaw ang nagset ng oras, at ngayon you are 45 minutes late?! hindi ka man lang nahiya sa amin!"

by the way, yang mga yan mga kaibigan ko yan since highschool days. haaay nako itong si Keesha ang ingay na naman, at yung dalawa tahimik lang hahahaha sa palagay ko galit na 'tong mga 'to.

"Sorry, ok? sorry. 10:30 kasi ako nagising tapos tumawag pa si kuya ko, kaya sorry talaga." at yung tatlo naman napabuntong hininga na lang, sanay naman na sila sa akin eh ahahahahah.

ito sila naghahanap ng shop para sa damit nila, hindi naman kasi ako mahilig sa damit, sila minsan ang pumipili ng damit na bibilhin ko, pero marunong naman ako mag-mix&match ng mga damit, sadyang ayaw ko lang pumili. hahahhah k fine.

ilang saglit lang bigla nila akong hinila at kung ano ano ang pinapasukat sakin, haay nako! ganito naman sila palagi kapag bibili ng damit, kung saan saan na kami nakarating at kung ano ano na rin ang nabili nila, AT PAGOD NA PAGOD NA AKO!! gusto ko na umuwi. huhuhu. sa sobrang pagod ko napaupo na alang ako sa isang sofa sa shop.

"Hoy babae! ano pagod na? hahaha" pangaasar na sabi ni Winter

oh ha! mga pangalan ng mga kaibigan ko di ko alam kung saang lupalop ng universe nakuha eh, yung isa sa anime daw, yung isa parang arabo tas ito, ibinagay sa ugali niya. Hahahaha!

"Oo. malamang, ilang oras na tayong palakad-lakad oh" nanghihinang sabi ko

"Hahaha tara na nga, sasabihan natin sila na umuwi na tayo." natatawang sabi nya

Lumapit sya kay Keesha at Ash, may pabulong bulong pang nalalaman 'tong tatlong 'to -_- Nang matapos silang magusap humarap sila sa gawi ko at parang may masamang balak, ang sasama ng tingin at bakit parang may background music na piano at mabigat yung tone, sh*tness! anong binabalak ng mga 'to?!

At ito nga sila dinala ako sa spa, gustom na ako, may balak yata silang patayin ako sa gutom, dapat pala hindi na lang ako sumama sa kanila eh. *sniffs sniff* hmmm.. ano yun? Ang bango at parang masarap, nagugutom na kasi talaga ako, gusto kong layasan 'tong mga 'to, *sniff sniff* ang bango talaga, teka parang palapit ng palapit yung amoy, at parang nagiging pamilyar ang amoy, at hindi nga ako nagkakamali, kaya naman pala parang alam ko ang amoy eh, si Winter may dalang Jollibee, mukha talagang Jollibee 'to, hindi ako magtataka kung isang araw pakasalan nya si Jollibee.


[ 2 hours later]

At last! Kakain na rin kami woohoo! At dahil yung dalawa pasusyal, susunod lang kami ni Winter sakanila, at dahil pasusyal nga sila, ililibre lang din kami ng dalawang yan! *evil laugh* hahahahaha!

Habang kumakain kami, nagtanong bigla si Keesha, "Kamusta na nga pala kayo ni Daniel, Ash?" ay oo nga pala, may pinagawayan pala sila ng boyfriend nya, hindi na rin sya masyadong nagkukwento sa amin tungkol sa kanila. "Hindi magandang pagusapan ' yan sa harap ng pagkain." "

Medyo may pagka-sensitive kasi si Ash 'pag dating sa mga ganyang bagay, 'di na lang din kami nagtanong pa, kaya medyo tumahimik, pero ako 'tong bumasag ng katahimikan

"Gusto n'yo sa bahay na lang matulog?" kaagad kong sabi

"That would be great!" ngiting ngiting sabi ni Keesha, tumango lang din naman si Winter, ang cold talaga ng isang 'to. At si Ash ngumii lang din naman.

Papunta na kami ng parking lot, at aba! For the first time in forever! Sinipag magdala ng kotse 'tong mga 'to!

Yup, tama ka! Tigiisang kotse, may kaya kasi mga pamilya namin, si Ash ang may-ari ng spa kanina at ilang mga clothes store, si Keesha ang may-ari ng mall na pinuntahan namin, si Winter ang may-ari ng stalls at mga hotels, at ako may-ari ako ng mga restaurants at bars, at may resort na kaming apat ang may hawak. At lahat ng mga business namin meron all over the country, and yet we're just in college, at ang pamilya naming apat ay may kanya kanyang company na nagsu-supply abroad, kaya laking proud ng pamilya namin eh.

Oh sya, tama na pagkukwento ko ng tungkol sa family background.

Sasakay na sana kami ng biglang may lalaking lumapit kay Ash, SI DANIEL! yung boyfie nya! Okay, okay.. kalma muna. Biglang napakunot ang noo ko nung nakita kong nakatiklop na parang manununtok si Ash, ano ba kasi talagang pinagawayan nila?

Parallel LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon