Chapter 3:

10 1 0
                                    

Red's POV:

Nandito ako ngayon sa mall kasama ang barkada, papunta na sana sa kotse nang may makita akong isang babae, teka babae nga ba talaga?

Nakita kong may nahulog galing sa bag niya, nilapitan ko siya para pulutin ang susi dahil parang hirap siya dahil nga sa paghahalungkat niya sa bag niya, nang mapulot ko ito

"Miss ito oh, nahulog mo"

Takang taka siya, bakit? Dahil ba sa pagkapulot ko ng susi niya o dahil sa tinawag ko siya na "Miss"? Pero kahit ganoon naka smile pa rin ako habang nakatingin sakanya. Magpapakilala sana ako ng may biglang tumawag sa akin

"Red tara na!"

Ay anak ng--! Humanda sa akin 'tong mga 'to kapag nakalapit ako, 'pag sasabunutan ko sila! Panira masyado ng diskarte.

'Wag kayong magtaka kung parang bakla ako umasta o magsalita minsan, ang nagpalaki at gumabay kasi sa akin dati ay ang tito kong bakla pero hindi ako bisexual, its just that nasanay na din kasi akong kasama siya palagi kaya may mga bagay akong nakuha sa kanya hahaha!

Palapit na ako sa kotse, at sila nasa labas pa rin dahil hinihintay ako. Oo nga pala, nasa akin ang susi nila. Burara kasi sila, kaya sa akin binigay ang susi. Hahahaha!

"Red sino 'yun?" tanong ni Art habang tinuturo gamit ang nguso niya, isa na rin sa mga kabarkada ko

"Hindi ko nga natanong eh! Tawag kayo ng tawag, mga panira ng diskarte!"

"Sus! Mabagal ka lang talaga!" sabi ni Gino na isa rin sa kabarkada ko

Nagpunta muna kami sa condo ni Gino para doon muna tumambay

"Uy preeee!! Gising ka nga pero lutang ka! Hooooy!" sigaw ni Gino sa tenga ko

"Aaay put-! Masakit sa tenga ha!" sabi ko ng malakas

"Kanina ka pa naming tinatawag, tapos ito ka gising pero nananaginip! Ay pre iba yan ah" sagot niya

Oo nga eh, pansin ko din kanina pa ako tahimik, kasi iniisip ko kung anong pangalan niya atsaka kung galit ba sya atsaka... kung tama 'yung pagtawag ko ng "Miss" sakanya

"Tara na nga! Umalis na tayo! Ano Red sasama ka ba o ano?" sabat ni Art

Teka, alas otso na ba? Ba't parang ang bilis naman ng oras

"Oo. Oo eto na!" pagmamadali 'kong sumunod sa kanila pupunta kasi kami ng bar, kapag bakasyon kasi nagpupunta kami ng bar, pero hindi madalas, kapag may free time lang

[ BAR ]



Papasok na kami ng bar ng may makasabay kaming 4 apat na babae, at syempre pinauna na namin sila, pero hindi naming nakita ang mukha nila, sayang ang gaganda pa man din ng curves.


At hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung magkikita pa kami nung babaeng nakita ko kanina sa parking lot


Dahil nga madalas rin kami dito nagpupunta, kilala kami nung mga staff pero parang ni minsan hindi ko pa nakita ang may-ari nito


"Uy pre ano sa'yo?" sigaw ni Jerome, kabarkada ko din


"Galit ka?! Kahit ano!" pasigaw ko din na sabi, maingay kasi dito malakas ang tugtog


"Nagtatanong lang. hahaha"


Maraming tao dito, sikat din kasi 'tong bar na 'to. Tuwing pupunta kami ditto, palaging punuan ang mga tables, buti na lang at suki din kami dito kahit papaano


[ 5 minutes later ]


Bakit parang ang tagal naman ata nila?


Pinuntahan ko na sila sa bar stool dahil ang tagal tagal nila. Oo matagal na ang 5 minutes no, kahit maraming tao, marami din namang bartender at waiter diyan, at kilala kami dito kaya matagal na ang 5 minutes nila sa stool.

Papalapit na ako at sinasabi ko na nga ba kaya pala ang tagal nila, may kausap itong si Art, dumidiskarte ah. At yung iba ayun! Sumasayaw na, magaling! Nakalimutan nilang may babalikan pa sila na kaibigan sa pwesto.

Hindi ko na muna lalapitan si Art, ayaw kong gumaya sakanila na sumisira ng diskarte.

Umupo ako sa kabilang side ng stool, kilala rin ako ng bartender doon

"Oh! Sir Red ikaw pala! Long time no see ah. Anong drink? Kagaya pa rin po ba ng dati?" bati nung bartender

"Ahm- susubukan ko mag black velvet"

"Coming right up!"

Hindi talaga ako sigurado sa inumin na 'yon, hindi naman kasi 'yon ang palagi kong iniinom. Habang naghihintay para sa inumin ko, may lumapit pero hindi sa akin, sa stool. Hahaha pero malapit lapit na rin siya sa akin. At teka, natatandaan ko 'to ah! Siya yung nakahulog ng susi niya sa parking lot! Now this is my time.. *evil laugh* wahahahaha wala nang sagabal

"Fred!" sabi niya sa bartender

"Yes ma'am?"

"Isang martini"

Tumango na lang habang naka ngiti yung Fred. Lalapitan ko na 'yung babae kaso..

"Reeeed!!"

Kung minamalas ka nga naman oh! May hinayupak na tumawag sa akin at walanjo umakbay pa! sarap talagang manakal ng kaibigan eh! Kaninang may kinakausap siya hindi ko nilapitan tas ngayon ako 'tong may kakausapin eh

"Nice timing Art! Nice timing." Inis kong sabi

"Bakit?! Inaano kita?! Ay.. teka mukhang alam ko na kakausapin mo siya 'no?" pangaasar niyang sabi

"-_____-"

"Hahahaha! Oo na. oo na. kausapin mo na!" sabi niya habang tinutulak ako. Isa pa masasabunutan ko na 'to

Nung malapit na ako sakanya, tsaka naman siya biglang umalis at parang bulang bigla na lang nawala ( ano siya multo?!) pagkabalik ko sa upuan ko naka ngiting nakatingin sa akin si Art

"Oh ano pre? Nakapag pakilala ka na ba?" sabi ni Art

"Hayop ka! Kung hindi ka sana dumating eh 'di sana kanina pa ako nakalapit"

Todo ngiti naman siya, nang aasar talaga 'to. At teka teka ininom niya ba 'yung inorder ko?!

"Hoy! Order ko ba 'yan?!"

"Tinikman ko lang naman eh"

"Ayos 'yang tikim mo ah! Naubos sa kakatikim"

"Isa pa nga ulit!" sabi ko sa bartender

"Ito oh Sir" pagaabot sa akin ng inumin ko

"Kilala mo ba kung sino 'yung babae dito kanina?"

"Babae? Sino pong babae? Marami po kasing babae na lumapit dito kanina"

"Wala. Nevermind."

Siraulo kasi 'tong loko loko kong kaibigan eh

"Okay lang 'yan brad!" sabay tapik sa likod ko

Hmmf! Kiss kita eh. Hahahah syempre joke lang, mas gwapo pa ako sakanya no pero sayang talaga 'yung chance kanina, napalampas ko pa. Paano na 'to ngayon? Saan ako makakkuha ng impormasyon kung walang nakakakilala sakanya?



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 25, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Parallel LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon