Sa school namin uso kapag malapit na mag end ang school year hingian ng remembrance, o kaya pag graduating students kayo nagpapasulat sa notebook. Naranasan niyo ba yon? Ako kasi mahilig sa ganoon. De joke lang hahaha hihingi lang akong remembrance kay crush, pero syempre hihingan ko lahat ng classmates ko para hindi halata. And yes, classmate ko si crush. Mwahaha! Crush ko si Ram, wag kayong maingay kasi hindi niya alam XD HAHAHA!
"Uy penge remembrance." Kish
"Tse! Tigil tigilan mo ako mag kaklase pa din tayo sa college bakit hihingi ka pa?" Denna
"Basta dali na promise ibabalik ko sayo sa bakasyon. Dali na bessssss." Kish
"Nako! Bakit ba kasi hindi ka na lang basta humingi jan kay Ram hindi yung ganitong hihingan mo pa kaming lahat style mo bes bulok!" Denna
"Sshh! Bes naman wag ka maingay baka marinig ni Ram!" Kish
O ayan dahil isang linggo na lang ang natitira sa klase namin nanghihingi na ako ng remembrance. At kausap ko ang Bestfriend kong si Denna. Alam nya kasing yung ibibigay lang ni Ram ang habol ko. Ehhhh basta! Walang basagan ng trip. Bhahaha :D
"Kish eto na yung remembrance na hinihingi mo oh. Wag kanang choosy ha."
"Uy ok lang ba to? Eto lang nakayanan ko eh."
"Balik mo to sa bakasyon ha!"
"Ingatan mo yan kukunin ko ulit sayo sa reunion. Haha!"
"From the bottom of my heart, eto na ang remembrance mo."
"Flowers for you."
Bwahahaha! Uto-uto talaga mga classmates ko, kaya love na love ko sila eh. Halos lahat kasi ng kaklase ko alam na crush ko si Ram at alam din nila na iba ang motibo ko sa panghihingi ng remembrance. Lumipas na ulit ang mga araw. Friday na. Graduation na namin sa Monday. So sad.
"Uy Ram! Asan na remembrance ko?" Kish
"Bukas na." Ram
"Bukas na naman? Eh lagi na lang yan sinasabi mo sakin eh >3<" Kish
"Basta ka bukas na." Ram
"Sabihin mo na lang kasi kung ayaw mokong bigyan. Hindi yung gantong pinapaasa mo pa ako." Kish
"Ang drama mo naman Kish, bibigyan naman kita eh antayin mo lang." Ram
"Antayin?! Ram naman Saturday bukas tapos graduation na ulit tayo magkikita. Ikaw na nga lang hindi nag bibigay sakin. Kakatampo kana!" Kish
"Tss! Wag kana nga magtampo. Basta akong bahala." Ram
"Hmp! Ewan ko sayo!" Kish
Ram POV
Hooo! Paano ba simulan ang point of view ng lalaki? Aish bahala na. Tama kayo ng hinala. May gusto ako kay Kish. Kaso yun nga yung problema, torpe ako. Nakakainis na yung iba naming kaklase na lalaki. Ang ibinibigay na remembrance kay Kish chocolates, flowers. Tanga lang! Hindi ba nila alam na na eexpired ang chocolates at nalalanta ang flowers?! Remembrance ba tawag nila don?! Pucha itong ibibigay ko kay Kish hindi naeexpired at hindi nalalanta.
Alam nyo ba kung ano ang ibibigay ko? Itong puso ko! Sht! Ang bading lang sht. Ang pagmamahal ko para kay Kish ay hindi naeexpired at kailanman ay hindi malalanta! Corny na kung corny pero ganto talaga pag inlove! Wahahaha!
"Tol, bakit ba hindi mo pa ibigay yang puso mo?" Migz ( Bestfriend ni Ram )
"Pare, gusto ko sana sa graduation na ibigay." Ram
"Graduation? Ano na namang kabadingan yan 'tol?" Migz
"Lul! Ikaw ang bading. Eh tutal naman sakin ang Valedictory Address, balak ko sana dun sabihin na gusto ko si Kish para sweet diba? Tsaka para malaman ng lahat. Ano sa tingin mo?" Ram