Chapter 1

77 1 0
                                    

-1-

Isang buntong hininga nanaman ang pinakawalan ko bago ko tuluyang ibagsak ang katawan ko sa upuan ng bus na iyon. Papaano kaya ako makikibagay sa bagong mundong malapit ko ng galawan? Makakasundo ko kaya sila? Ang daming tanong na nagdudugtung-dugtong sa isip ko ng araw na yon. Ayoko mang mapahiwalay kila lola, hindi naman pwede ang gusto ko. May pangarap sila sa akin. May pangarap din naman ako para sa sarili ko. Mahirap, pero wala naman akong pagpipilian.

Ako nga pala si Twinkle Sto. Tomas, 16 years old. First year student, BS Accountancy. Matalino ako e. Hahahaha. Galing lang ako sa probinsya ng Ilocos pero heto ako ngayon, nakikipagsapalaran para maabot ang aking mga pangarap.

“ O Cubao na, O Cubao na!”

Bahagya pa akong nagulat sa pagtawag ng konduktor. Haaaaaaay, nasa Maynila na pala ako. Ni hindi ko man lang namalayan na may halos 12 hours na pala akong bumabyahe. Bigla tuloy akong kinabahan. Pero mabilis din namang nawala iyon at napalitan ng inis ng magmuntikan na akong mangudngod pagbaba ng bus.

“Kelangan kapag bababa ng bus manunulak?! -__-” Haynako. Pasalamat yung tao na yon at hindi away ang pinunta ko dito, kaya kahit sobrang inis na talaga ako e hindi ko nalang pinatulan pa.

Malayu-layo na rin ang nalalakad ko ng magmuntikan nanaman akong masubsob. Anu ba?! Asar ha. Pangalawa na to. -___-++

“ Ahh s-sorry, Miss. Di kasi kita matawag sa pangalan mo e. Hindi ko kasi alam. Sayo to diba? ^__^ ” sabay abot  ng wallet ko.

Yung wallet ko!!!!!

“Pano napunta sayo to ha?!”

Pano napunta sa kanya yung wallet ko?! Nasa bulsa ko lang yon kanina a!

“Ahh ano nahulog ata?” sabi naman nya

 Tumingin lang ako sa kanya.

“Ahh ano wag kang mag alala hindi hindi ko yan binawasan wala akong kinuha. Ibabalik ko lang sana talaga to sayo.” Psh. Pasalamat ka may itsura ka kung hinde pakakamalan talaga kitang magnanakaw!

“Psh. Sige salamat.” Yun nalang ang sinabi ko.

Kinuha ko na yung wallet ko tapos umalis na ko.

Pero bago ako tumalikod sa kanya nakita ko pa sya na nakingiti saken.

Hmmm. Sigurado naman hindi na ulit kami magkikita non.

Ewan?

Thank you for reading!

Comment lang kayo. Positive or negative is accepted.

Sorry kung may typo!

Keep on reading!

Thanks!!!

Vote

Comment

Be a Fan

Twinkle, Twinkle Little StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon