"Another!" sabi ulit nung babae na tagabasa.
"Hmm, Dear Ranz Kyle Viniel," naghiyawan yung mga babae. Benta din kasi si Ranz sa mga loveletters eh.
"Ang galing mo din noh? Di mo pa nga ako binabato tinamaan na ako sayo. Ranz, ba't ba ang gwapo mo? Nakakainlove ang smile mo. Hinihiling ko nga na sana sa bawat pagngiti at pagtawa mo, ang dahilan ay ako. Halos mapuno na ang notebook ko kakasulat ng pangalan mo.
Sa tuwing nandyan ka, nagbubunyi ang puso ko. Karapat-dapat ka nga'ng maging Prince Charming ng klase natin. Sana nga ako nalang si Rapunzel, at ikaw si Prince Stephan. Pero, hanggang pangarap ka nalang talaga. Hindi nga ako ang naging muse mo sa klase eh.
Isang hamak na secretary lang ako."
Napatingin yung iba sa akin. Omaygad. Ako yung secretary sa klase namin diba? 0________0? Umiling-iling ako na para bang sinasabi'ng 'wala ako'ng alam diyan'.
Nagpatuloy sa pagbabasa ang, syempre yung nagbabasa. -_______-
"Pero kahit na ganun, pinapangarap ko pa rin na maging tayo someday. Mahal kita, Ranz Kyle Viniel.
From your secret admirer,
Jena Han."
Halos lumuwa ang mata ko sa mga narinig ko. Paano? Sino ang nagpadala nun? Paano nun nalaman na crush ko si Ranz?!!!
Marami na talaga ang nakatingin sa akin. Yung iba, tinuturo pa ako at pinagbubulungan. Itinago ko ang mukha ko gamit ang libro ko. Tae! Nakakhiya! Mamatay na ang nagpadala nun!
Maya-maya, nagulat ako ng may biglanghumila sa braso ko.
0_______________0 Si Ranz!
Pumasok kami sa isang room. Isinandal niya ako sa wall.
"Ano yung kanina? Ha?" hindi ko alm kung galit ba siya o ano. Nakatingin lang ako sa kanya at hindi makapaniwalang natitigan ko siya ng ganito kalapit. Puro paru-paro ang nararamdaman ko sa tiyan.
"H-ha? H-hindi naman---"
"Totoo ba yun?" pagpuputol niya sa sinasabi ko.
"U-hm, Ranz, may naiwan pa akong trabaho dun. Hehehe." naiilang ko'ng sabi. Umalis na ako sa harap niya pero pinigilan niya ak0.
"Isang tanong., isang sagot Jena, totoo ba yun?" tanong niya.
"U-uhm, ano k-kasi, w-wala akong kinalaman dun. Hindi ako ang nagpadala nun." sabi ko sa kinakakabahang tinig.
"G-ganun ba?" malungkot niyang sabi.
"A-akala ko pa man din, totoo." bakit parang ang lungkot ng boses niya? Umalis siya sa harapan ko at naglakad na palayo. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin para gawin to pero bigla ko siyang hinabol at hinawakan ang kamay niya. Isa lang ang nararamdaman ko. ELECTRICIRY.
"Oo, hindi ako ang nagpadala nun, pero totoong mahal kita. Alam ko namang kahit umamin ako sayo ngayon, wala pa ring mangyayari. Kaya sana Ranz, kalimutan mo ang sinabi ko ngayong araw nato." gulat siyang lumingon sa akin.
"Hindi ko yata magagawang kalimutan ang sinabi mo ngayon."
"H-ha?" hinawakan niya ang pisngi ko.
"Hindi ko to makkalimutan dahil ngayong araw nato, nalaman ko'ng mahal din pala ako ng taong mahal ko." namula ako sa sinabi niya at mas lalo kong nafeel ang kuryente.
"A-ano'ng ibig mo'ng sabihin Ranz?"
"Mahal din kita, Jena Han."
BINABASA MO ANG
Dear Ranz
Teen FictionWhat if marinig mo nalang na bino-broadcast na sa buong school na may crush ka sa Prince Charming ng klase niyo?