Chapter 2

24 6 1
                                    

Yors' PoV

Nang matapos ang first day of exam namin ay dumiretso ako ng locker para kunin ang rereviewhin ko for the next day exam. Bubuksan ko na sana ang locker ko ng nag vibrate ang phone ko.

Kinuha ko sa pocket ng bag ko at tinignan ito.

May nag text. Inopen ko ang message at nagulat ako sa text na natanggap ko. Unregistered number ito.

"Hope you'll like it. I'll see you later"

Iyon lang ang message. Sino ba to?
Tinignan ko ang contacts ko. Inuna yung kay Ice. Naka save naman yung number niya sa phone ko.
Sunod naman yung kay kuya. Tchh. Andito din. Tinry ko naman itxt silang dalawa kung isa ba sa kanila ang nag text sa akin bago lang pero hindi daw.

Uhmmm. Nakaka curious. Ipinagkibit balikat ko na lang yung text.

Inilagay ko ulit ang cellphone ko sa kinalalagyan nito kanina. Binuksan ko ang locker ko at pagbukas ko ay may lumabas na dalawang butterfly.

Its a black and a white butterfly. I was mesmerized with the butterflies they are like lovers. As they traveled the corridor. Hindi sila nag hihiwalay. Pero nang may tumakbong studyante papalapit sa kanila natamaan silang pareho at naghiwalay. Yung white butterfly ay dumiretso lang at yung black naman ay nahulog sa sahig. May dumaan ulit na studyante at natapakan ito.

Parang biglang may kumirot sa dibdib ko. At it is really weird. I dunno why. Lumapit ako sa black na butterfly. Kinuha ko iyon at tinignan. Inilagay ko iyon sa bonggavilla sa labas at bumalik sa locker ko ng nakayuko at napansin kong may tumulo sa sahig ng butil ng tubig kaya tumingin ako sa taas.

Wala namang butas pero narealize ko na sa akin pala galing iyon. Hinawakan ko ang pisngi ko. Umiiyak pala ako.

What the heck! Am I crying because of a butterfly? Im so pathetic!!!

Pinunasan ko iyon gamit ng aking mga palad at bumalik sa locker. Naiwan ko itong naka bukas and to my surprise nakita kong may pink and red na box na nakalagay dito. Luminga-linga ako sa paligid baka sakaling may makita akong kahina-hinalang taong naglagay nito dito.

Tinignan ang dalawang box. Bigla akong kinabahan baka kasi kung ano ang laman niyan. Nag dalawang isip ako kung kukunin ko ba o hindi.

Paano kung may lamang patay na daga o di kaya may bomba tapos...

Ayss! Umiling-iling ako dahil sa naiisip ko. Oa na Yors.

Napagdesisyonan kong kunin na lang. Una kong binuksan yung red pag bukas ko ay bumungad sa akin puro red roses. Namangha ako sa itsura kasi para siyang bouquet of roses. Pero naka kahon nga lang.

Habang sinusuri ko iyon ay may natanggap ulit ako message.

Kinuha ko ulit ang phone ko at bunuksan iyon. Galing pa rin doon sa unregistered number na nag text kanina.

"Happy Birthday hime. I miss you so much. I'll see you later. I love you'

Pagkatapos kong basahin ang message para akong naestatwa.

Hinawakan ko ang dibdib ko.

Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?
Why oh why?

And who the heck is this anon?! (anonymous yan) tss.

Saka ko lang nerealize na birthday ko pala. Hala ka! Dahil hawak ko pa naman ang phone ko ay tinignan ko yung calendar

Ohh! Its july 6 pala. Hahaha.

Pero how did this anon knows that today is my birthday! Baka stalker to! Luh ka uy!

Sinuri ko na lang mabuti ang kahon kung may iba pang laman at may nakita ako papel. Para siya transparent paper at medyo matigas. Yung parang sa diploma. Basta ganon. Pero maliit lang siya parang lenghtwise na paper. Na roll siya at nakatali ng kulay brown na tali.

Road To ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon