"Hoy Babaeng may bangs na mukhang dora! wag ka nga humarang sa dinaraanan ko".
"Hindi naman ako nakaharang ha! ang laki laki ng daan. Eh bakit ba naman kasi kung nasaan ako doon ka pa dadaan? Shonga ka din noh?! at tigil tigilan mo ako sa tawag mong dora ha!"
"Ewan ko sayo bahala ka jan! Tabi!"
Nagsimula na naman si Paulo. Siya lang naman ang lalaki na palihim kong mahal. Kaso alam ko naman na imposible niya akong magustuhan eh ansungit sungit niya sa akin tapos lagi pa ako inaasar.
Ako nga pala si Aaliyah Mendez . Mayroong saktong height lang. Ang saklap nga lang hindi ako nabiyayaan ng matangkad na height :( kasi nung umulan ng height tulog ako. Hindi ako ginising ng nanay ko! haha. Maganda naman ako at mayroong bangs at isang simpleng mag- aaral sa isang private school sa Taguig.
"Ui girl! ano naman yung narinig kong sigawan mula sa 3rd floor?"Sabi sa akin ng kaibgan kong si Mimi.
"Eh ano pa ba Mimi?! ayun si Paulo sinungitan na naman ako. Ano pa ba ang bago?!"
"hay nako girl. hayaan mo na yan. parang hindi ka na nasanay. eh halos araw araw naman ginagawa sa iyo ni Paulo yan eh."
Sabagay. simula 3rd day pa lamang ng class namin eh. ang sungit sungit na niya sa akin. Tapos lagi pa niya akong inaasar na Dora-_____________- ampf! Porke't may bangs kasi.. Dora na agad ! nakoo! nakakaurat talaga yan si Paulo. Kung hindi ko lang talaga siya gusto.
*RECESS TIME*
Ito ako mag isa sa room. Ayoko kumain diet ang lola nyo eh! haha. chos! nagtitipid lang para may panggala at panload :3 makakatulog na sana ako ng biglang....................................
"UI DORAAA!! CATCH!"
*THROW PIATTOS*
"Paulo, ano ito?!" Gulat kong pagkasabi... Si ...Paulo binilhan ako ng piattos :""> how sweet. hahah.
"Piattos! Hindi pa ba halata?! ang slow mo talaga dora-.- Pina-aabot ni Mimi".
"Ah, pakisabi thank you."
Kasi naman Aaliyah, expect ka pa na galing sa kanya. Eh alam mo namang imposible niyang gawin iyon.. ang feeler mo talaga Liyah!. Itulog mo na lang yan.. ay Este! kainin mo na lang muna yung piattos.. Gutom lang yan . hahaha.
*NommmNommNommNoomNooooommNomNommNom*
Pagkatapos kong kumain ay nagsipasukan na ulit ang mga kaklase ko....
"Mimi!!" malakas na pagtawag ko sa aking friendship.
"Oh? Liyah? Bakit?"
"Thank you pala dun sa Piattos ha:))"
"Ha?! Anong Piattos?"
*Bigla kong inangat at pinakita sa kanya ang wrapper ng Piattos*
"Pinabibigay mo daw ito sabi ni Paulo sa akin kanina eh."
"Hindi Aaliyah. Wala akong pinapa abot sa iyo na Piattos kasi alam ko diet ka, kaya hindi na kita binilhan ng food"
Nung sinabi ni Mimi iyon ay bigla akong naguluhan.. Kung hindi si Mimi ang nagpabigay sa akin ng Piattos.. Eh di Sino?! Si Paulo? Imposible naman maging mabait yun sa akin... Siguro dine-ny lang talaga ni Mimi iyon:))