The First Day
"Maine!"
"Ano ba?Ang aga aga ginigising niyo ko!"
Tinabig ko ang kamay ng ate ko na nakahawak sa braso ko.Inaantok pa ako eh!Gusto ko pang matulog tapos gigisingin nila ako?Hustisya please?
"Bangon na nga kasi eh!"hinila hila niya ang paa ko mula sa paanan ng kama at sinipa ko naman siya
"Ano ba,ate?Pagod nga ako.Mamaya nalang ako mag bre-breakfast!Wala naman akong work today"tamad na tamad na sagot ko at tinakpan ng unan ang ulo ko at narinig kong nag 'tsk' si ate.
"Sigurado ka?Di ba nga kahapon ay halos magsasayaw ka sa tuwa dahil sabi mo ay ngayon ang first taping ng fourth movie niyo ni Alden?Hala ka, baka ma miss mo yung first day at hanapan ng ibang leading lady ang Alden mo"
Napatayo ako ng wala sa oras dahil sa sinabi ni Ate.Oo nga pala!First day ngayon at 9 am ang usapan namin. Tumayo agad ako at tinignan ang orasan sa tabi ko at alas siete na ng umaga.Shoot,malalate ako! Tumakbo na ako sa CR at narinig ko pa ang tawa ng ate ko at ang paglabas niya ng pintuan.Kainis naman eh.
First day nga pala namin ngayon tapos nalimutan ko pa.Hala,baka di matuloy anfg shooting ngayon kung malalate ako.Dapat pala nag alarm ako kagabi para di ako nahihirapan diba?
Nag impake ako ng iilang damit para sa tatlong araw na taping namin sa Tarlac. Buti nalang sa Tarlac lang ang unang lugar at mga isang oras lang siguro iyon mula Bulacan kung smooth ang biyahe ko. Di na rin muna ako nag make up at bumaba na para mag almusal ng mabilisan. Pagbaba ko naman ay lahat sila napatingin sa akin at sabay sabay na tumawa. Sure ako na kinuwento ni Ate ang mga nangyari sa taas kanina.
"Oh,Maine? Ayaw mo pang bumangon di ba?Matulog ka pa"ngiti ng kuya ko at sinamaan ko naman siya ng tingin
"Hindi,kuya. May taping nga siya kasama ni Alden sa Tarlac diba?"pang aasar rin ni Dyne
"Papa!Di niyo po ba sila pipigilan?"nagmamaktol na sabi ko pero nagbikit balikat lang siya at gayon rin si mama
"Nicolas at Nicodeim,tama na yan. Maine kumain ka na dito"tinuro ni Ate Nicolette ang tabi niya at nandon sa kabilang side niya ang asawa niya habang si baby Matt ay karga niya.
"Good Morning, Baby Matt"hinaplos ko ang paa niya at nagsmile naman siya. Ang cute niya!Nakakagigil!
"Maine,kumain ka na.May taping ka pa di ba?Tsaka aalis na rin kami maya maya,tapos na ang kalbaryo ni Matt sa panggigil mo sakanya"sabi ni ate at napanguso naman ako at kumuha na nga pagkain sa mesa
"Maine,ilang araw pala ang shooting niyo sa Tarlac?Bakit parang anlaki ng backpack mo?"tanong ni Mama at napabaling naman ako sakanya
"Tatlong araw po,ma"tumango lang siya at binilisan ko ang pagkain
YOU ARE READING
Snap,Click,Rewind (Aldub Fanfiction❤)
Fanfic"Alam ko naman na hanggang camera lang ang lahat pero bakit hanggang ngayon umaasa ako?Umaasa ako na kahit papano...Lahat ng ginagawa natin sa harap ng tv screen...Lahat sana magkatotoo." -Maine Mendoza A clićhe story that involves one person in...