Hey Dad !

24 0 0
                                    

Galit.

Iyan yung nararamdaman ko para sa kanya. Ayoko sa kanya ! Sya ang dahilan kung bakit ganto ako! Nabubuhay ako sa lungkot! Sya ang dahilan!!!

Dati naman masaya kami kasama si Mommy. Happy Family ika nga. Pero bakit ? Dad bakit nagawa mong lokohin si Mommy?

Araw-araw , gabi-gabi , bawat minuto maririnig mo yung nakakaawang hagulgol ni Mommy sa kwarto. Gusto ko syang puntahan , pero ano bang alam ko? Bata pa ako 'non!

Hanggang sa dumating yung araw , araw na namatay ang buong pagkatao ko. Umalis si Mommy , sabi nya pupuntahan ka nya gusto kong sumama pero sabi nya "No baby , Ako nalang okay ? Promise uuwi si Mommy kasama si Daddy Okay? Basta always remember Mahal na mahal ka ni Mommy hu?'

Hating gabi na, Ayoko matulog hinihintay ko si Mommy.

*Kringgggg* *Kringggg*

Ako ang sumagot , dahil nandito ko sa kwarto nyo. Halos magunaw ang mundo ko sa aking narinig. Patay na daw si Mommy , Ang taong mahal na mahal ko. Ang taong bumuhay sakin at nag-alaga. Hindi!!

Simula noon , naging pasaway nako. Ang dating goodboy na Luke ? Patay na ! Ako na si LUKE ang lalaking laman ng lahat ng bar gabi-gabi. Natuto akong uminom , nagte-take ako ng drugs , nakikipag-one night stand kung kani-kaninong makasalamuha ko sa twing umaalis ako.

Pero andyan ka . Inaalagaan ako tuwing umuuwi ako ng sabog. Lagi kitang pinagtatabuyan!
Naalala ko pa isang araw na umuwi ako

'Saan ka galing?' Hindi ako sumagot. ayokong kausapin ka.Nilapitan mo ako at tinulungang makaupo sa sofa. Akmang pupunasan mo ako ng nagsalita ako

"Wag mo kong hawakan! Sige lumayo ka sakin! Dyan ka naman magaling ang iwanan kami, ako! Selfish ka kasi! SIGE IWANAN MO NAKO!" Nakita kong kumislap ang gilid ng iyong mga mata. Wala akong pake. Wala akong awa.

Ganyan. Maranasan mo ang sakit ng nararamdaman ko. Pero Dad? 'bat parang ang layo ko na? Hulog na hulog nako sa banggin ng kalungkutan. Pagod nako gusto ko nang bumangon sa bangungot na'to.

Napansin kong nangangayayat ka , pero ayokong tanungin ka. Natatakot ako. Madalas narin ang pagkahilo mo Dad! Ano bang nangyayari ? Sabi mo ayos ka lang.

Isang araw , habang nasa bar ako kasama ang barkada may tumawag sakin. dejavu? Hindi. Walang nangyari. Ayokong isipin ang ganoong bagay.

"Ikaw ba si Luke?" rinig kong sabi ng nasa kabilang linya

"Opo. Sino ba 'to?" lumabas muna ko ng bar para maging maliwanang ang pag uusup namin.

"Dedios General Hospital ito hijo. Andito si Andy Romualdo , sinugod sya dito. Kailangan ka nya...." hindi kona inintindi pa ang iba nyang sinabi.

Dali-dali akong pumunta sa Ospital. Nakita kita , hinang hina na nakahiga . Walang lakas. Guilt? Siguro nga ito yung tawag sa nararamdaman ko. Pinangako ko sa sarili ko na , magbabago ako.

Inalagaan kita . Lumipas ang mga araw , linggo at buwan. Mas naging magkasundo tayo. Parang bumalik yung dati. Tanggapna natin ang pagkakamalinatin.

Pero bakit ganoon Dad? Iniwan moko! Ang daya mo naman e! Sabi mo babawi ka sa akin? Asan ka? Hindi ko pala kaya , hindi ko pala kayang mawala ka sa akin Dad. Miss na miss na kita.

Miss na miss na kita Dad! Hayaan mo konting panahon nalang makakasamana ulet kita . Ayoko ng maging malungkot , gusto ko happy family na ulet tayo .

Kaya , Hey Dad ! Sunduin mo ko ha! Aantayin kita.

"500 CLEARRRRR"

*ENNNNNNNNNNNK*

"Time of death 7:10 pm"

-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

[A:N]
YOOO! Tinry ko lang !
HAhahaha :))) Salamat kung binasa mo :* free to vote comment and follow ! :)) -Vabs1996

Hey Dad ! [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon