Start of something new...

1 0 0
                                    

AN: waaahhh, it took me months para sipagin na ituloy ung kwento...hindi ako makatulog kaya naisipan ko magsulat ngaun..anyways enjoy reading.

Ryko's POV

Wait...tama ba yung narinig ko? Mahal ako ni Raven? Kelan pa,bakit hindi ko nahalata?..ganun na ba ako kamanhid at hindi ko man lang napansin?

Nakasubsob na umiiyak si Raven sa harap ko,hindi ko alam kung pano siya patatahanin,hindi ko alam kung anong dapat sabihin. Nagulat ako sa mga narinig ko,pero mas lalo akong nagulat sa nararamdaman ko.

Bakit my naramdaman akong saya nung marinig ko mismo sa kanya na gusto nya ako. Bakit bumibilis ang tibok ng puso ko ngayong nasa harap ko lang siya, hindi naman dating ganito...ang dami kong tanong,naguguluhan din ako pero isa lang ang alam kong sigurado...MASAYA AKO sa nalaman ko...

Masaya ako kasi alam ko sa kailaliman ng puso ko na pareho kami ng nararamdaman. Hindi ko alam kung kelan nagsimula at kung paano,basta isang araw nagising nalang ako na hindi na gaya ng dati ang lahat. Hindi na normal ang tibok ng puso ko kapag magkasama kami.

Sinubukan ko tumingin sa iba,mag girlfriend ng iba kasi ayoko na malaman nya na unti unti na nag.iiba yung pagtingin ko sa kanya. Hindi na kaibigan lang, mas higit pa. Natakot kasi ako na baka hindi kami parehas ng nararamdaman. Na baka bigla siya lumayo at masira yung pagkakaibigan na ilang taon din naming inalagaan.

Kung alam ko lang sana na gusto nya din ako,hindi ko sana siya nasaktan ng ganito. Ang daming gumugulo sa isip ko ngayon. Maraming tanong na kelangan mahanapan ng sagot sa tamang panahon.

Ang mahalaga lang sa ngayon eh alam ko na na pwede pala kaming mas maging higit pa sa magkaibigan...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 18, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bestfriends ZONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon