Chapter 5: Awkward

863 23 18
                                    

"Ano ba kevin!! Nakakasakit ka na ha?!" sabi ko habang hinila ko ang kamay ko

"Bakit mo nasabi yun ha!" sabi niya habang pinagpawisan

"Palabasin mo nga ako dito!!" Sabi ko habang pinapadyak yung door ng kotse niya

Bigla siyang tumahimik at parang hinay-hinay niya akong inihiga sa loob ng kotse niya

"Kevin?!! Ano to?!! Hindi na ito nakakatuwa ha?!!"

Habang nakahiga kami ay.....

"Waaaaaaaaaaaaaaaaag!!!!!!!!" Sigaw ko

"Anak.. Anak.." Sabi ni mama

Bigla akong bumangon at una kong nakita si nanay

"Ma" sabi ko habang buhaghag yung hair ko

"Anak, anong nangyari sa'yo? Okay ka lang ba?" Sabi ni nanay sa akin

"Okay lang po nay masama lang yung panaginip ko" kinunot agad yung noo ko

"Anak, may tanong sana ako?" Sabi ni mama

"Ano yun ma?" Tumingin kaagad ako kay mama

"Anak, may boyfriend ka na ba?" Tanong niya sa akin

"Wala po!! Sa panget kong ito may magkakagusto sa akin? Haha" sagot ko naman

"Anak hindi ka panget ang ganda mo kaya at tsaka akala ko kasi meron ka na kasi may naghatid sa iyo kagabi, yung lalaking gwapo at sabi niya sa akin ay hinimatay ka raw kahapon sa kotse niya" paliwanag naman ni mama

"Ganun ba? Mabuti nalang.." Habang tinatakpan yung bibig ko

"Ano anak?" Tanong ni mama

"Wala po ma" sagot ko naman kay mama

"Anak, kung pwede huwag ka muna pumasok sa mga relasyon na yan? Unahin mo muna ang iyong pag-aaral kasi tignan mo itong sitwasyon natin o" sabi ni mama sa akin

"Opo naman nay! Alam mo naman Study! Study! Study! bago ❤❤❤" sagot ko naman kay mama sabay hug

May biglang tumawag

*Alyana Calling*

"Hello Best, napatawag ka yata?" Tanong ko kay alyana

"Best? Okay ka lang ba? Ano ang nangyari sayo? May ginawa bang masama si kevin sayo ha?!" Sabi ni alyana sa akin habang nag-aalala

"Okay lang naman ako best mabuti nalang inihatid niya akong buhay dito sa bahay namin" sagot ko naman

"Haaay mabuti nalang" sabi niya

"Best? Nagtext sa akin si Tristan, nag-anyaya siya sa akin na mamasyal daw daw tayo" sabi ni alyana

"Huh? Eh hindi pwede eh kasi tutulungan ko sa bahay si mama" sabi ko kay Alyana

"Pero.. Pupunta kami diyan kami mismo ang magsasabi sa nanay mo" sabi ni alyana

"Pero...." Biglang naputol yung tawag namin ni alyana at ilang minuto may kumatok sa aming pinto.

"Teka muna.." Pagbukas ko si Alyana nga at si Tristan.

"oh anak, kaibigan mo?" Tanong ni mama

"Opo" sabi namin ni Tristan at bigla kaming tumingin sa kanya.

"Tristan?!" Sabi ni Alyana

"Ano? Sumagot lang naman ako eh" sabi ni Tristan

" Ahh ganun ba, pasok kayo" sabi ni mama

"Ah tita hindi po kami magtatagal dito at gusto sana naming humingi ng permiso sa inyo?" Sabi ni Alyana

Biglang bumaba ang mga kapatid ko

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 20, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mr. BadBoy meets Ms. UglyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon