Eliana (POV)
Nakatayo ako ngayon dito sa harap ng malaking bahay
tama ba talaga itong address na napuntahan ko?
bakit sobrang laki naman ata ito,
kaya ko bang linisan yan maghapon,baka abutin pa ako ng isang linggo bago ko malinisan yang buong bahay
baka naman matanggal ako agad agad dahil hindi ako marunong maglinis ni hindi nga ako marunong magluto
Jusko Panginoon ko ikaw na po bahala sa akin
Eliana kaya mo yan,dsisyon mo yan at panindigan mo sabi ko habang pinipindot yung doorbell
naka dalawang pindot palang ako may lumabas na maid siguro nasa 44 anyos palang ito
ano kailangan mo iha? tanong niya sa akin
tanong ko lang po sana kung dito yung nangangailangan ng isang maid? sabi ko sabay ngiti ko sa kanya,pero para siyang nagulat sa sinabi ko wala naman sigurong masama kung mag-aapply ako ng katulong diba matutunan ko naman siguro ang maglinis at magluto sa isip isip ko
naku iha sayang naman yang ganda mo para maging isang maid lang akala ko nga isa kang model tapos yang kutis mo ang kinis galing ka ba sa mayamang pamilya iha? tanong nito sakin sabay hawak sa kamay ko
ha-eh hindi po manang nauutal kong sabi
ayaw kong sabihin ang totoo baka hindi nila ako tatanggapin at baka ireport pa nila ako na naglayas
ah ganun ba iha akala ko kasi mayaman ka kasi lahat ng mayaman na nakita ko ang gaganda ng kutis nila,,oh siya tara sa loob si ma'am Clarise ang kakausap sayo sabay kuha sakin yung maleta ko
pagpasok namin sa loob namangha ako sa ganda nito
kung ano ang kaganda ng bahay namin mas maganda pa ito at mas malaki kaysa mansion namin
ma-upo ka muna iha at tawagin ko si ma'am Clarise sabi sa akin
habang naka-upo ako hindi ko mapigilang tumingin sa buong paligid
sobrang ganda talaga at napakalinis
maya't maya may isang ginang na pababa sa hagdan siguro kaedad lang ni mommy ito
ang ganda niya halata talaga sa kanya na mayaman sila
magandang hapon mo maam sabi ko sabay tumayo
magandang hapon din sayo iha sabi ni sabay ngiti sa akin
ikaw ba yung sinasabi ni manang? tanong nito sakin
totoo nga yung sinabi niya maganda kang bata puri nito sa akin
thank you po ma'am sabi ko naman sa kanya
sanay naman na akong pinupuro dahil lahat ng classmate ko noong high school palang ako yan din ang sinasabi nila sakin,pati din yung mga kaibigan ni mommy pag napunta sila sa bahay lagi nilang sinasabi na magandang bata ako
opo ma'am ako nga po yung nagtatanong kung dito po ba yung nangangailan ng maid sagot ko sa kanya
oo iha nangangailan ako ng isang maid para sa anak ko,may sarili na kasi siyang bahay mag-isa lang siya doon kaya naaawa ako sa knya dahil wala man lang siya kasama don,tapos hindi siya makapaglinis sa bahay niya dahil pagdating niya galing trabaho pagod na siya,kwento nito sakin
haaayyy salamat at hindi pala ako dito magtratrabaho,sana mabait yung anak ni ma'am Clarise sa isip isip ko
ano po ba trabaho ng anak niyo ma'am? tanong ko naman sa kanya