On Food

16 2 0
                                    

Dear _____,

Mag-isa akong kumain ng lunch kanina. Kasabay ko puro mga lovers. Actually, dalawang couples. Lahat sila busy sa mga partners nila. Yung mga girls ang nagluto ng food nila. Yung mga boys naman ang naghugas ng pinggan.

Naisip ko lang, uhmm, kapag tayong dalawa hindi ganun ang set-up natin kasi hindi ako magaling magluto e. Sakto lang. Marunong akong magluto ng 'sinigang na baboy'. Tsaka mga ginisang gulay. Basta promise, hindi naman nakakasuka ang mga luto ko. Pero kung favorite mo ng mga fried na pagkain, medyo sablay ako dyan. Takot kasi ako sa tilamsik ng mantika. :(

Sana magaling ka magluto. Simple lang naman ang panlasa ko. Actually lahat naman kinakain ko. Pero medyo iwas ako sa manok at itlog. May mild allergy kasi ako. Ikaw anong favorite mong pagkain? Sana sinigang na baboy rin para pareho tayo.

Kumakain ka rin ba ng junk food? Ako kasi minsan may cravings. Gusto ko pinagsasabay ang matamis tsaka maalat. Para magkaibang lasa pag nasa bibig ko na. :) Boring kasi pag parehong maalat o kaya matamis. Nakakasawa agad.

Favorite ko nga palang combination ang Piattos na blue tsaka Magnolia Chocolait. :) Ayan ha, alam mo na kung anong pwede mong ipang-surpresa saken.

Excited na ko mag-December. :)

Love,
Niam

Dear _____,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon